AP Flashcards
Ito ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang yaman.
Ekonomiks
Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng mga maliliit na yunit o bahagi ng ating ekonomiya.
Maykroekonomiks
Tumutukoy ito sa pag-aaral sa malaking yunit o bahagi ng ekonomiya.
Makroekonomiks
Ikaw ay kinausap ng iyong lola na magbakasyon sa inyong probinsya ngunit kapalit nito ay ang pagliban mo sa klase. Kahit na gustong gusto mong sumama ay pinili mong pumasok sa paaralan dahil alam mong importante ang edukasyon sa kinabukasan. Ano ang ginamit mong uri ng pagdedesisyon?
Opportunity Cost
Ito ay mga bagay o serbisyo na dapat mayroon ang tao upang mabuhay.
Pangangailangan
Si Abraham Maslow ay kilala sa modelo ng hirarkiya ng pangangailangan. Ano ang pinakamataas na pangangailangan ng tao batay sa hirarkiya?
Kaganapan ng Pagkatao
Ito ang mekanismo ng pamamahagi ng produksyon upang matugunan ang pangangailangan ng tao?
Alokasyon
Ito ay tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang paraan ng produksiyon, pagmamay-ari, paglinang ng pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko ng isang lipunan.
Sistemang pang-ekonomiya
Sa ilalim ng sistemang Market Economy, kusang tatakbo ang pamilihan o ekonomiya ng isang bansa kahit walang panghihimasok mula sa pamahalaan. Ito ay dahil sa “invisible hand” na siyang gumagabay sa kilos ng prodyuser at konsyumer. Ano ang ‘invisible hand’ na ito?
Presyo
Alin sa mga sumusunod na sistemang pang-ekonomiya kung saan ang pagpapasya kung anong produkto at serbisyo ang dapat likhain ay nakasalalay sa kamay ng pamahalaan?
Command economy
Isang sistemang pang-ekonomiya na kung saan ang produksyong ay nakabatay lamang sa kultura at paniniwala.
Traditional economy
Alin sa mga sumusunod ang proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsasama- sama ng mga salik upang makabuo ng bagong produkto?
Produksyon
Isa sa mga salik ng produksyon na tumutukoy sa kalakal na nakakalikha ng iba pang produkto tulad ng mga gusali, kalsada, makina at mga sasakyan.
Kapital
Paggamit o pagbili ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Pagkonsumo
Alin sa mga pahayag ang HINDI kabilang sa mga salik ng pagkonsumo?
Paggawa
Nakatakda sa batas na ito ang mga kalipunan ng patakaran na nagbibigay proteksyon at pangangalaga sa interes ng mamimili.
Consumer Act of the Philippines
Ito ay batas ng pagkonsumo kung saan sinasabi na mas nasisiyahan ang tao pag gumagamit ng mga bagay na iba-iba.
Law of variety
Inutusan ka ng iyong nanay na bumili ng karne sa palengke. Pag-uwi mo sa bahay napuna ng iyong nanay na bulok ang karne na ibenta sa iyo. Anong ahensya ang namamahala sa seguridad ng mga
binebentang karne sa pamilihan?
DA o Department of Agriculture
Si Kim ay namili sa isang talipapa kung saan napansin niya na kulang ang timbang ng isda na kanyang binili .Anong ahensiya siya maaaring humingi ng tulong upang maisumbong ang panloloko?
DTI
Ito ang pagtatago ng mga produkto upang hintayin ang pagtaas ng presyo. Sa sandaling tumaas ang presyo ay biglang dumami ang supply ng produkto.
Hoarding