Ang Kahalahagan ng Pagsusulat at Ang Akademikong Pagsulat Flashcards
Ang ibang tawag sa layuning ito ng pagsusulat ay transaksiyonal. Ginagawa ang mga sulating ito taglay ang isang tiyak na layunin at ito ay walang iba kundi ang layuning makipag-ugnayan sa tao o sa lipunan. Alin sa mga halimbawa ang hindi kapangkat/kasama ng transakyonal?
A.kwento B.pananaliksik
C.sulating panteknikal D.balita
kwento
Isa itong intelektwal na pagsulat . Ang gawaing ito ay nakakatulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan. Ayong kay Carmelita Alejo et.al. Layunin nitong ipakita ang resulta sa pagsisiyasat o ng isang ginawang pananaliksik.
Akademikong Pagsulat
Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan. Sulatin ito hinggil sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao. Halimbawa sa guro , pagsulat ng lesson plan , paggawa at pagsusuri ng kurikulum, para sa doctor o nars – paggawa ng medical report , narrative report tungkol sa physical examination sa pasyente at iba pa.
Teknikal
Ang pagkakaroon ng isang tiyak at maganda na tema ng isusulat ay isang magandang simula dahil dito iikot ang buong sulatin. Kailangan na magkaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat upang maging makabuluhan, at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin.
Paksa
Taglay ng manunulat ang kakayahang mag-analisa upang masuri ang mga datos na mahalaga o hindi na impormasyon na ilalapat sa pagsulat. Kailangang makatuwiran ang paghahatol upang makabuo ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag at maging obhetibo sa sulating ilalahad.
Kasanayang Pampag-iisip
Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng bagong impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa.
Impormatibo
Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakikita, naririnig, natunghayan, naranasan at nasaksihan.Ito’y maaaring obhitibo at subhetibo.
Deskriptibo
Nililinang dito ang mga kasanayan at natutuhan ang mga kaalamang kaugnay ng larangang pinagkakadulubhasaan . Kasanayan sa pagbasa ,pakikinig, pagsasalita ,panonood ,at pagsulat ang napauunlad sa pagsasagawa ng mga gawain sa larangan. analisis ,panunuring kritikal , pananaliksik , at eksperimentasyon ang mga isinasagawa rito.
akademiya
Mahalaga ang tunay at pawang katotohanan na mga impormasyon. Iwasan ang mga pahayag na batay sa aking pananaw o ayon sa aming haka-haka o opinyon.
Obhetibo
Ito ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe ,ang wika.
Pagsusulat
Ayon sa kanya sa kanyang aklat na “Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino ”(2012) ,Ang Pagsusulat ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan.
Edwin Mabilin et al.
Sa Ingles ay tinatawag na term paper na karaniwang ginagawa sa kolehiyo. May ilang nasa sekondaryang antas ang maaaring nakaranas na ring makagawa ng ganitong sulatin. Ginagawa ito para sa pangangailangang pang-akademiko.
Pamanahong papel
Ito ay sulating may kinalaman sa pananaliksik at pagtuklas ng isang manunulat. Ginagawa ito ng isang indibidwal bilang pangangailangan sa kursong pinag-aaralan o propesiyonal na kwalipikasyon. Ito ay ginagamit na bahagi ng kursong Batsilyer at Masterado.
Tesis
Ang paglalarawan kung ang manunulat ay maglalarawan ng napakalinaw at halos madama na ng mambabasa subalit ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa isang katotohanan sa totoong buhay.
Subhetibo
Panimulang pag-aaral o proposal, ito ay kabuuan ng ideyang nabuo mula sa isang balangkas o framework.
Konseptong papel
Isang pormal na sulatin ukol sa isang paksa na ginagawa para sa titulong doktor.
Disertasyon
Pagsusuri ng isang panitikan sa mas malalim na ideyang nais ihatid ng manunulat.
Panunuring Pampanitikan