Adyenda Flashcards
Ayon kay __________(2014), ang Agenda o Adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong.
Sudaprasert(2014)
Ibigay ang apat na elemento ng isang organisadong pagpupulong
Pagpaplano, Paghahanda, Pagproseso, Pagtatala
Kailangan niyang ihanda ang katitikan noong nakaraang pulong at iba pang ulat at kasulatan ng organisayon
Secretary(kalihim)
Kailangang pag-aralan nila ang mga agenda o mga bagay na pag uusapan para aktibo ang kanilang pakikilahok
Mga kasapi sa pulong (members)
Isang proseso ng pagdedesisyon na kung saan kinukuha ang nagkakaisang desisyon ng lahat ng mga kasapi sa pulong
Consensus
Isang proseso ng pagdedesisyon na kung saan kinakailangan ang 50%+ 1 (simple majority) ng pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon ng mga nakadalo sa isang opisyal na pulong
Simpleng mayorya
Isang proseso ng pagdedesisyon na kung saan kinakailangan ang 2/3 o 66% ng pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon ng mga dumalo sa isang opisyal na pulong
2/3 Majority
Taga-patnubay o meeting leader naniniguro na maayos ang takbo ng pag-uusap at pagde desisyon parang pulis-trapiko na nagpapaandar o nagpapahinto ng usapan sa pulong
Pinuno tinatawag na “facilitator”
Tinatawag ding recorder, minutes-taker, o tagatala responsibilidad nya ang sistematikong pagtatala ng mga napag uusapan at desisyon sa pulong tungkulin nya na ipaalala kung ano ang dapat pag-uusapan upang hindi mawala sa direksyon ang grupo at maging tuloy-tuloy ang pag-uusap.
Sekretarya
sila ang mga aktibong miyembro o kalahok sa pulong responsibilidad nila na ipaalala sa chairperson at secretary ang kanilang mga gawain sila
- ang babahagi,
- nagpapaliwanag,
- nagtatanong,
- makatuwirang pamumuna
- at gumagawa ng desisyon
Mga kasapi sa pulong
Nahihinto ang takbo ng pag-uusap dahil kailangang ipaliwanag at ulitin sa nahuling dumating kung anong nangyari o napag usapan.
Mr. Huli (Parating Huli)
Umaalis kaagad kahit hindi pa tapos ang pulong. Kadalasan ay hindi nakakasama sa pagdedesisyon sa huling bahagi ng pulong at siya pa minsan ang reklamador.
Mr. Umalis (Maagang Umaalis)
Pauli-ulit ang sinasabi dahil maaaring hindi nakikinig o talagang may kakulitan lang o gumagawa ng sariling “papel” o gustong palaging “bida”. Dahil dito nauubos ang oras ng pulong.
Mr. Sira (Sirang Plaka)
Anumang tinatalakay sa pulong ay pinagdududahan o pinagsususpetsahan. Ang tingin niya ay laging may masama o negatibong balak ang grupo o ang ilang mga kasama. Walang tiwala sa kakayahan ng kasamahan.
Mrs. Duda (Parating Nagdududa)
Parang laging hindi tanggap ang sinasabi ng mga kasama sa grupo, na sa tuwing may sasabihin ang kasamahan ay pailing iling na wala namang sinasabi.
Mr. Iling (Laging Umiiling-iling)