A - lesson 17 Flashcards
Kaya’t pinatulog ni Yahweh ang tao. Samantalang nahihimbing, kinuha niya ang isang tadyang nito at pinaghilom ang laman sa tapat niyon. Ang tadyang na iyo’y ginawa niyang isang babae, at inilapit sa lalaki. sinabi ng lalaki, “Sa wakas, narito ang isang tulad ko, Laman ng aking laman, buto ng aking buto; Babae ang siyang itatawag sa kaniya Sapagkat sa lalaki nagmula siya.”
Genesis 2:21-23 MB
Ito ang sinasabi ng PANGINOON - niya na lumikha sa iyo, na nag-anyo sa iyo sa sinapupunan, at niya na tutulong sa iyo: Huwag kang matakot, Jacob na aking lingkod. Jesurun na aking hinirang.
Isaias 44:2 NPV
Ganito ang sabi ng Panginoon na lumalang sa iyo, at nagbigay anyo sa iyo mula sa bahay-bata, na siyang tutulong sa iyo; Ikaw ay huwag matakot, Oh Jacob na aking lingkod; at ikaw Jeshurun, na aking pinili.
Isaias 44:2
Datapuwa’t samantalang pinag-iisip niya ang mga bagay na iyan, ang anghel ng Panginoon ay napakita sa kanya sa panaginip at nagwika: “Jose anak ni David, huwak kang mangambang tanggapin si Maria na iyong asawa, sapagkat ang ipinaglilihi niya ay lalang ng Espiritu Santo.
Mateo 1:20 Trinidad
At narito, maglilihi ka sa iyong tiyan, at manganganak ka ng isang lalake, at tatawagin mo ang kaniyang pangalang JESUS.
At sumagot ang anghel, at sinabi sa kaniya, Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataastaasan: kaya naman ang banal na bagay na ipanganganak ay tatawaging Anak ng Dios.
Lukas 1:31,35
Sinong hindi nakakaalam sa lahat ng mga ito, Na ang kamay ng Panginoon ang siyang gumawa nito? Nasa kamay niya ang kaluluwa ng bawa’t bagay na may buhay, At ang hininga ng lahat ng mga tao.
Job 12:9-10
Sapagka’t sa kaniya tayo’y nangabubuhay, at nagsisikilos, at mayroon tayong pagkatao: na gaya naman ng sinabi ng ilan sa inyong sariling mga manunula, Sapagka’t tayo nama’y sa kaniyang lahi.
Gawa 17:28
Sapagka’t ang sinoman sa atin ay hindi nabubuhay sa kaniyang sarili, at sinoman ay hindi namamatay sa kaniyang sarili. Sapagka’t kung nangabubuhay tayo, sa Panginoon tayo’y nangabubuhay; o kung nangamamatay tayo, sa Panginoon tayo’y nangamamatay: kaya’t sa mabuhay tayo, o sa mamatay man, tayo’y sa Panginoon.
Roma 14:7-8
Nawa’y lubusan kayong pabanalin ng Diyos na siyang nagbibigay ng kapayapaan. At nawa’y panatilihin niyang walang kapintasan ang buo ninyong katauhan-ang espiritu, kaluluwa, at katawan - hanggang sa pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
I Tesalonica 5:23 MB
Sapagka’t ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso.
Hebreo 4:12
At sinabi ng Panginoon, Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao magpakailan man, sapagka’t siya ma’y laman: gayon ma’y magiging isang daan at dalawang pung taon ang kaniyang mga araw.
Genesis 6:3
At nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa aalabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay.
Genesis 2:7
II Corinto 4:16
Kaya nga hindi kami nanghihimagod; bagama’t ang aming pagkataong labas ay pahina, nguni’t ang aming pagkataong loob ay nababago sa araw-araw.
II Corinto 4:16 SNB
Kaya hindi kami nawawalan ng loob, kundi habang patuloy na humihina ang aming katawan ay lalo namang lumalakas ang aming kaluluwa.
Genesis 7:22
Ang bawa’t may hinga ng diwa ng buhay sa kanilang ilong, lahat na nasa lupang tuyo ay namatay.