A - lesson 16 Flashcards
Pagkatapos likhain ang lahat ng ito, sinabi ng Diyos: “Ngayon, lalangin natin ang tao. Ating gagawin siyang kalarawan natin. siya ang mamamahala sa mga isda, mga ibon at lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit.”
Genesis 1:26 MB
At sinabi ng Panginoon, Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao magpakailan man, sapagka’t siya ma’y laman: gayon ma’y magiging isang daan at dalawang pung taon ang kaniyang mga araw.
Genesis 6:3
Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya’y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.
Juan 4:24
Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.
Lukas 24:39
Ayon sa pagkapili niya sa atin sa kaniya bago itinatag ang sanglibutan, upang tayo’y maging mga banal at mga walang dungis sa harapan niya sa pagibig:
Efeso 1:4
kung talagang pinakinggan ninyo ang aral niya at naturuan kayo ng katotohanang na kay Jesus. Iwan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao, na napapahamak dahil sa masasamang pita. Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip; at ang dapat makita sa inyo’y ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, kalarawan ng kanyang katuwiran at kabanalan.
Efeso 4:21-24 MB
Sapagka’t nasusulat, Kayo’y mangagpakabanal; sapagka’t ako’y banal.
I Pedro 1:16
Nalalaman natin at pinananaligan ang pag-ibig ng Dios sa atin. Ang Dios ay pag-ibig. Sinumang umiibig ay namumuhay sa Dios at pinananahanan ng Dios.
I Juan 4:16 NPV
Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo’y katotohanan.
Juan 17:17
Ngayong malinis na kayo dahil sa inyong pagsunod sa katotohanan, anupat naghahari na sa inyo ang tapat na pag-iibigan bilang magkakapatid, nawa’y maging maalab at taos sa puso ang inyong pagmamahalan.
I Pedro 1:22 MB
sapagkat ang tunay na umiibig sa Diyos ay yaong tumutupad ng kanyang mga utos. At hindi naman mahirap sundin ang kanyang mga utos,
I Juan 5:3 MB
Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka’t ito ang buong katungkulan ng tao.
Eclesiastes 12:13
Sapagkat ang lahat ay nagkasala at walang sinumang karapat-dapat sa paningin ng Diyos.
Roma 3:23 MB
Palibhasa’y siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at tunay na larawan ng kaniyang pagka-Dios, at umaalalay ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan, nang kaniyang magawa na ang paglilinis ng mga kasalanan, may lumuklok sa kanan ng Karangalan sa kaitaasan;
Hebreo 1:3
Sapagka’t sa ganitong bagay kayo’y tinawag: sapagka’t si Cristo man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo’y iniwanan ng halimbawa, upang kayo’y mangagsisunod sa mga hakbang niya: Na siya’y hindi nagkasala, o kinasumpungan man ng daya ang kaniyang bibig:
I Pedro 2:21-22