4th Periodic Test Flashcards
G9
Tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga pangunahing bilihin.
Implasyon
ang ugnayan ng unemployment at inflation ay negatibo o inverse.
Ayon sa Phillip’s curve
Kapag mababa ang implasyon,
mataas ang unemployment rate.
apag mataas ang implasyon
mababa ang unemployment rate.
Nagaganap ito kapag mas mababa sa 1% ang itinataas ng presyo.
Low Inflation
Maaaring sulalamin sa isang stable na ekonomiya.
Low Inflation
Nagaganap ito kapag nasa sa 100-300% ang bilis na pagtaas ng presyo kada taon.
Galloping Inflation
Nagaganap ito kapag nasa sa 1-3% ang bilis na pagtaas ng presyo kada taon.
Creeping Inflation
Badya na ito nang mabilis na pagbagsak ng salapi ng isang bansa.
Hyperinflation
Tawag sa patuloy na pagbaba ng pangkalahatang presyo ng mga pangunahing produkto.
Deplasyon
Kapag walang pagbuti at sa kabuhayan at marami ang walang trabaho kahit patuloy na tumataas ang presyo ng mga produkto.
Stagflasyon
Hindi ito maganda dahil nililikha ito ng disequilibrium sa ekonomiya.
Deplasyon
Kapag muling tumaas ang implasyon pagkatapos na ito ay mapababa na.
Reflation
kung may magandang kalagayan ito gaya ng mababa ang bilang ng mga walang hanapbuhay at mataas ang kalidad ng kabuhayan.
boom period
kung nagkaroon ng krisis o recession. Mararamdaman ito ng ekonomiya kapag patuloy na tumataas ang bilang ng mga walang trabaho kaya bababa na ang purchasing power.
bust period
Kapag lumala ang recession, dadanasin din ng ekonomiya ang
depresyon.
Mahirap bumangon mula sa depresyon kaya _________ pa lamang ang ginagawa.
recession
Ang simpleng pagtaas ng presyo ay hindi agad matatawag na
implasyon
Ang galaw ng pagtaas ay kinakailangang patuloy na nagaganap sa lahat ng mga pangunahing produkto.
Sanhi ng Implasyon
ay ang listahan ng mga produkto o serbisyo na binabantayan ng pamahalaan ang paggalaw ng presyo.
market basket o basket of goods
May mga produkto na maari din maging simula ng patuloy na pagtaas ng presyo tulad ng petrolyo dahil sa
domino effect.
Kapag tumaas ang demand at constant ang supply. Tataas ang presyo.
Demand Pull
Ito ay dahil sa mga ginagawa ng mga konsyumer. (halimbawa: panic buying)
Demand Pull
Kapag constant ang demand at bumababa ang supply. Tataas ang presyo.
Cost-Push Inflation
Kapag tumaas ang mga gastusin sa produksyon, tataas din ang presyo ng produkto.
Cost-Push Inflation
Ito ay kapag may mas maraming pera ang tao (dahil sa bonus) at nagiging sanhi ng pagtaas ng demand.
Pagdami ng Salaping nasa Sirkulasyon
Ang pagmanipula ng mga kartel sa pamilihang oligopolyo at negosyante sa pamilihang monopolyo sa presyo ng mga produkto sa market basket upang maging mas mataas.
Pricing Power Inflation
Kapag ang ekonomiya ay umaangkat ng hilaw ng materyales sa bansang nagdaraan ng implasyon, magiging mahal ang mga materyales nito.
Imported Inflation
Nagaganap ito dahil sa mga pagbabago ng presyo na pinasisimulan sa ilang sektor ng ekonomiya.
Sectoral Inflation
Natural na tumataas ang presyo.
Paglutas sa Implasyon
Ang hindi normal ay kung ang presyo ay patuloy na tumataas.
tama
ay tumutukoy sa taas o baba ng presyo sa isang tiyak na panahon, ginagamit para sa paghahambing.
price level
ang panukat na ginagamit sa pagbabago ng lebel ng presyo ng mga piling produkto na karaniwang kinokonsumo ng tao.
consumer price index or CPI
ay sumusukat sa bilis ng pagtaas ng presyo.
inflation rate
ay tumutukoy sa datos ng implasyon na nagaganap sa maikling agwat ng panahon na hindi nakapagtatakda ng pamantayan sa pagsusuri.
headline inflation rate
Ang PPP sa base year o batayang taon ay laging
1.
Isa pang katawagang tumutukoy sa pamahalaan o goberyno.
Publikong Sektor
ay tumutukoy sa pamamaraan ng pamahalaan kung paano isasagawa ang paggasta nito at paniningil ng buwis upang maimpluwensiyahan ang kabuoang demand sa ekonomiya
patakarang pisikal o fiscal policy
Tinatawag din pump-priming
Expansionary Fiscal Policy
May layunin na pataasin ang kabuoang demand
Nagbabawas ang sinisingil na buwis at pagdaragdag sa paggasta ng pamahalaan para may disposable income ang tao.
Expansionary Fiscal Policy
Itinataas nila ang sisingil na buwis para mabawasan ang disposable income.
Contractionary Fiscal Policy
May layunin na pakalmahin ang overheated na ekonomiya bunga ng sobrang taas na demand.
Contractionary Fiscal Policy
Ang salitang piska o fiscal sa Ingles ay galing sa salitang
fisc
Ibig sabihin ng fisc
national treasury o kaban ng bayan.
kailangan ng pamahalaan para sa iba’t iba nitong gampanin.
Ang kaban o pondo
Tungkulin ng bawat isa na magbayad ng buwis.
tama
Kapag hindi ka magbayad ng buwis batay sa totoong kinita sa isang taon, maaari kang maakusahan ng kasong
tax evasion.
Ngunit may legal na paraan upang magpalit o magpababa ng babayarang buwis:
Tax avoidance
Buwis na binabayaran ng mga mamamayan sa isang teritoryo
Poll Tax
Buwis na binabayaran ng mga may-ari ng lupa, bahay, o anumang ari-arian.
Property Tax
Buwis na binabayaran batay sa karapatan o pribilehiyo
Excise Tax
Buwis batay sa kakayahan ng mismong binubuwisan
Tuwirang Buwis
Buwis na sinisingil na bahagi ng presyo ng produkto o serbisyong binili o binayaran.
Di-tuwirang buwis
ay anumang bagay na ginagamit bilang instrumento ng palitan o medium of exchange.
salapi o pera
Buwis na nakabatay sa mga tiyak na layunin
Specific Tax
Pagpalitan ng mga produkto.
Sistemang Barter
Parang barter ngunit tukoy ang mga produkto o kalakal na maaaring maipamalit. (Halimbawa: pilak, ginto, tanso)
Paggamit ng Produktong Salapi o Commodity Money
Ginagamit ang barya sa pamamagitan ng pagtunaw at pagpino ng metal.
Sistemang Pagmomoneda
Tinatawag din itong sistemang mala-bangko. Isa sa mga naglatag ng pundasyon sa pagpapautang.
Sistemang Kasulatan
May garantiyang salapi na gingagamit sa anumang transaksiyon na legal tender.
Sistema o Pamantayang Papel
Pinangangasiwaan nito ang lahat ng salaping hawak ng mga bangko.
Bank of Banks
and tawag sa namumuno ng BSP.
Governor
Pinadadali ang bilihan sa ekonomiya sa pamamagitan ng pagpaparami ng money supply na umiikot sa sirkulasyon.
Easy Money Policy
Isa itong primaryang sektor.
Dito nagmumula ang mga pangunahing pangangailangan ng tao.
Sektor ng Agrikultura
Hinihigpitan ang bilihan sa ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapababa sa lebel ng money supply na umiikot sa sirkulasyon.
Tight Money Policy
Kabilang dito ang mga lupaing taniman ng palay, tubo, pinya, atbp.
Pagtatanim at pag-aalaga ng mga halaman.
Pagsasaka
Pag-aalaga ng mga hayop at pag-aalaga ng mga domestikadong uri ng mga ibon.
Paghahayupan at Pagmamanukan
ay tumutukoy sa pangingisda sa municipal waters.
municipal fishing
cPag-aalaga ng mga hayop at pag-aalaga ng mga domestikadong uri ng mga ibon. ay tumutukoy sa pag-aalaga at pagpapalaki ng iba’t ibang uri ng isda sa mga palaisdaan o fishpond.
aquaculture
Ito ay nakatuon sa paggamit o pagproseso ng mga hilaw na sangkap upang makalikha ng mga bagay, produkto, at impraestruktura.
Sektor ng Industriya
Tumutukoy sa paggamit o pagproseso ng hilaw ng sangkap upang maging isang panibagong uri ng produkto.
Pagmamanupaktura
Mga Subsektor ng Agrikultura
Pagsasaka, Paghahayupan at Pagmamanukan, Pangingisda, Paggugubat
Mga Subsektor ng Industriya
Pagmamanupaktura, Konstruksiyon, Pagmimina, Utalidad
Ang utilidad ay binubuo ng mga serbisyong mahalaga para sa tao tulad ng transportasyon, komunikasyon, elektrisidad, at iba pa.
Utalidad
Ito ay tumutukoy sa pagpapatayo ng mga gusali, bahay, daan, dam, at mga iba pa.
Konstruksiyon
Ito ay tumutukoy sa proseso ng pangangalap o pagkuha ng mahalagang uri ng metal at mineral mula sa ilalim ng lupa.
Pagmimina
15 - 100 milyon ang puhunan
100-199 manggagawa
Medium Industry
May puhunan na hindi lalampas ng 3 milyon
1-9 manggagawa
Micro Industry
3 - 15 milyon ang puhunan
10-99 manggagawa
Small Industry
100+ milyon ang puhunan
200+ ang manggagawa
Large Scale Industry
Service Sector
“Knowledge Economy”
Sektor ng Paglilingkod
Dito nagmumula ang mahahalagang serbisyo na may kinalaman sa edukasyon, turismo, kalusugan, transportsasyon, komunikasyon, pananalapi, at iba pang supotant pangkalakalan.
Sektor ng Paglilingkod
Ito ay para sa pansariling kapakinabangan o pribadong kabuhayan.
Ito rin ay pag-aari ng mga pribadong negosyante.
Pampribadong Paglilingkod
Ibinibigay sa mga tao nang libre sapagkat ito ay servisyong kaloob ng pamahalaan.
Pampublikong paglilingkod
Tumutukoy sa palitan ng produkto at serbisyo sa pamilihan.
Sektor ng Kalakalan
Kasama dito ang transportasyon at paggamit ng imbakan o warehouse.
Sektor ng Lohistika
Kilala rin sa tawag na underground economy
Impormal na Sektor
Ang mga negosyo dito ay wala sa opisyal na tala ng pamahalaan
Impormal na Sektor
ay tumutukoy sa proseso ng pagbili at pagbebenta ng produkto t serbisyo.
kalakalan
: Ang mga lokal na produkto ay pamamahagi o pagpapalitan sa loob ng bansa.
Kalakalang panloob
Ang mga produkto ay pamamahagi o pagpapalitan sa labas ng bansa.
Kalakalang panlabas
Laging nangyayari sa labas ng isang bansa sa pagitan ng dalawa o higit pang bilang ng bansa.
Panlabas na Sektor
ang nagsisibling daan tungo sa liberalisasyon ng pandaigdigang kalakalan.
World Trade Organization
samahang panrehiyon ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya na nagsusulong ng kooperasyon sa mga usaping pampolitika, pang-ekonomiya, atbp.
Association of Southeast Asian Nations
ay kilala rin sa tawag na customs o duties.
Taripa
Ito ay buwis para sa mga produktong inangkat.
Taripa
opisyal at tuluyang pagsasara o hindi pagtanggap ng isang bansa sa anumang uri ng kalakalan mula sa isang bansa.
Embargo
pagbibigay ng limitasyon sa dami ng maaaring iluwas ng isang bansa.
Quota