3rd Grading Reviewer Flashcards

1
Q

Noong mga 1930s, isang Amerikano sa Chicago ay nagsulat ng apat na katanungang gagabay sa pagkilos ng moral ng tao.

A

Herbert J. Taylor

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

Sa mga 250 na empleyado ng _, siya lang ang naniwala na mayroon pang pag-asa. Naniwala siya na ang pangunahing pangangailangan ay ang magkaroon ng bagong pamamalakad o polisiya sa trabaho.

A

moral code

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

Pagkatapos ng matinding paghahanap sa mga babasahin ng gabay sa tamang pag-aasal na madaling matandaan ng mga empleyadl, wala siyang maisip. Kaya’t siya ay nagdasal at pagkatapos ng pagdarasal, nakabuo siya ng apat na gabay sa iniisip, sinasabi, at ginagawa ng isang indibidwal. Ito ay tinaguriang _, hindi lamang sa negosyo kundi pati na rin sa pampersonal na pakikipag-ugnayan sa buhay.

A

moral code

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

Dahil sa pagmamalasakit ni Herbert J. Taylor sa kompanya, naunawaan niya na kailangan ng . Siya ay gumawa ng hakbang tungo sa _ na makalulutas sa makabuluhang suliranin na hinaharap ng kompanya. Hindi akalain ni Herbert J. Taylor na malayo ang mararating na kaniyang ginawa sa pag ng pakikipag-ugnayan ng tao.

A

pagbabago

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

Ang pagsubok, na kung saan ay naisalin sa higit na 100 wika, ay naibigay ang apat na katanungang nabuo ni Herbert J. Taylor.

A

Four-Way Test

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

Ang pagsubok, na kung saan ay naisalin sa higit na 100 wika, ay naibigay ang mga sumusunod na mga tanong:

A
  1. Ito ba ang katotohanan?
  2. Patas ba sa lahat ng kinauukulan?
  3. Ito ba ay bumuo ng pagmamagandang-loob at mas mahusay na pagkakaibigan?
  4. Ito ba ay kapaki-pakinabang sa lahat ng kinauukulan?
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

Ang Four-Way Test

A
  • Katotohanan
  • Patas sa kinauukulan
  • Pagmamagandang-loob at pagkakaibigan
  • Kapaki-pakinabang
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

Ito ay napakahalagang batayan ng moralidad. Ang _ ay hndi nababago o nababaluktot, walang pinipiling panahon, lugar, o tao. Ito ay nakaugat sa prinsipyo ng Lumikha sa lahat, mga prinsipyo na naipamamalas sa tao sa pamamagitanng kaniyang talino o intellect. Magmula sa nararamdaman, nakikita, at naririnig ng tao, ito ay kaniyang nauunawaan upang magpasiya. At dahil ang tao ay may elementong pang-espiritwal na higit pa sa mga materyal na bagay, ang talino ng tao ay may kakayahang maabot ang esensiya o likas sa mga bagay-bagay na itinalaga ng Diyos.

A

Katotohanan

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

Isa sa mga mabigat na sanhi ng pagkasira ng damdaminat pagkakawatak-watak ng samahan ay dahil sa _. Kung ang tao ay mananatili lamang na tapat sa kaniyang isip, pananalita, at gawa, maraming gulo ang maiiwasan at maiibsan ang sakit ng buhay.

A

kasinungalingan

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

Ang katotohanan ay hndi nababago o nababaluktot, walang pinipiling panahon, lugar, o tao. Sa wikang Latin, ito ay _ at sa Griego, _.

A

Sa wikang Latin, ito ay veritas at sa Griego, aletheia

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
11
Q

Ang katotohanan ay nakaugat sa prinsipyo ng Lumikha sa lahat, mga prinsipyo na naipamamalas sa tao sa pamamagitanng kaniyang _ o _.

A

talino o intellect

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
12
Q

Ang pagsusuri kung ang _, _, _ ay patas sa lahat ng kinauukulan, ito ay may pagsasaalang-alang sa katarungan kasabay sa pagpanig sa katotohanan na nagdudulot ng katarungan.

A

iniisip, sinasabi, kusang-loob na pagkilos

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
13
Q

Samakatuwid, ang bunga ng katotohanan ay para sa _. Ito ay bubuo ng pagmamagandang-loob at mas mahusay na pagkakaibigan. Dahil sa maayos na kapaligiran at mapayapang ugnayan ng bawat isa na dulot ng katotohanan, may saya at sigla ang buhay Mararamdaman ang pagtatangi o pagpapahalaga sa komunidad na kinabibilangan.

A

kapakanan ng lahat

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
14
Q

Ang _ ay may kaakibat na pagsasakripisyo at pagmamahal para sa kapakinabangan hindi lamang sa lahat ng kinauukulan kundi higit para sa ikabubuti ng lahat.

A

kusang-loob na pagkilos

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
15
Q

Ang idinudulot ng katotohanan ay _ at _.

A
  • kadalisayan ng puso
  • paglago ng mga birtud tungo sa dakila at maayos na pamumuhay
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
16
Q

Dahil ang kalayaan ay ipinagkaloob ng Diyos, ang kusang-loob o malayang pagkilos ng tao ay mayroong kaakibat na _. Ang kalubhaan ng _ ay nakaugat sa tatlong aspekto.

A

pananagutan

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
17
Q

Dahil ang kalayaan ay ipinagkaloob ng Diyos, ang _ ay mayroong kaakibat na pananagutan. Ang kalubhaan ng panangutan ay nakaugat sa tatlong aspekto.

A

kusang-loob o malayang pagkilos ng tao

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
18
Q

Dahil ang kalayaan ay ipinagkaloob ng Diyos, ang kusang-loob o malayang pagkilos ng tao ay mayroong kaakibat na pananagutan. Ang kalubhaan ng panangutan ay nakaugat sa tatlong aspekto:

A
  1. Ito ba ay ginawa nang buo ang kamalayan o kaalaman ng gumagawa?
  2. Ito ba ay ginawa nang may buong pahintulot ng gumagawa o sinadya ang paggawa?
  3. Malubha ba ang magiging bunga o resulta ng kusang-loob na pagkilos sa tao o lipunan na maaaring maapektuhan?
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
19
Q

Ang taong hindi nalalaman ang kaniyang ginagawa ay walang _.

A

pananagutang moral

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
20
Q

Kinakailangang buo ang kaniyang kaalaman at kamalayan sa pagkilos upang makita ang _ o intensiyon. Malaking batayan ang _ upang makita ang pananagutan ng tao sa kaniyang ikinikilos. Kung ang nagtulak na _ o hangarin ay dalisay tulad ng pagnanais na makatulong o makapagsilbi sa moral na pamamaraan, siya ay tumutugon sa positibong paggamit ng kaniyang kalayaan. Ngunit kung ang _ ay upang makalamang, makalinlang, maghiganti, magkaroon ng pagkainggit o ano pa mang masasamang gawain, mabigat ang pananagutan dahil taliwas ito sa layunin ng paglikha ng tao.

A

motibo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
21
Q

Ang tao ay nilikha upang _, _, at _ sa pamamagitan ng pagmamahal at pagsisilbi sa kapwa.

A

pangalagaan ang kalikasan, ang kapaligiran, at upang magmahal sa Diyos

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
22
Q

Ang taong mas mataas ang kaalaman tulad ng nakapag-aral o mataas ang antas na natapos sa edukasyon ay mas malaki ang pananagutan kaysa sa isang mangmang o kulang ang pinag-aralan. Inaasahan na ang kaniyang _ at _ ay magagamit sa pagpapalaganap ng kabutihan na susi sa pagpapagaan ng pasanin at sa pagpapaunlad ng buhay at kaligayahan ng kaniyang kapwa, materyo o espiritwal man.

A

talino at kaalaman

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
23
Q

Ang _ o _ ay hindi mabuting gawain. Pang-aabuso ito ng kalayaan at pakikiisa sa pagpapalawig ng kabulukan sa lipunan.

A

pagpagpapahintulot sa masamang gawain o maging kasama sa pagpapalano sa pagsasagawa ng maling balak ay hindi mabuting gawain.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
24
Q

Sa halip na tumulong sa pagsulong ng mga adhikain na nakapagbibigay-ginhawa sa buhay ay nagiging sanhi ng _, _, o _. Malaki ang panangutan ng mga ganitong uri ng tao sa legal man o espiritwal na usapan.

A

kahirapan, kaguluhan, o hidwaan

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
25
Q

Ang may pananagutan ay iyong taong _, _, _.

A

nanakot, namuwersa, o nanakit

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
26
Q

Samakatuwid, ang pananagutan ay humihina sa ilalim ng _, _, _, o _.

A

kamangmangan, pamimilit, hindi sinasadya, o pananakot

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
27
Q

Ang _ ay nagmula sa Diyos. Ito ay ganap at perpekto. Hindi nagbabago ng kung anumang sirkunstansiya o kondisyon at pananaw ng tao.

A

pamantayan ng moralidad

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
28
Q

Dahil ang tao ay binigyan ng pamantayan ng moralidad, ang pagsunot nito ayon sa _ at _ ay kaniyang responsibilidad o pagsalungat sa moralidad ay upang makapamuhay nang masaya at mapayapa.

A

paggamit ng talino at tamang pagpasiya

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
29
Q

Ang hindi pagpansin o pagsalungat sa moralidad ay umpisa ng paghina ng ugnayan ng tao sa _, _, at _.

A

kapwa, kalikasan, at Diyos

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
30
Q

Maraming mga teorya o _ umiiral na nakapagpapabago sa pamantayan ng moralidad. “Ang _ ay mga kaisipang nagsisilbing gabay sa pagkilos. Binubuo ito ng mga paniniwala ukol sa pananaw sa sandaigdigan, ng programa para sa pampulitika at panlipunang pagbabago, ng pagkaunawang kailangang ipaglaban ang programang ito, at ng pag-akit sa mga tao na isagawa ang programang ito.” (mula sa Ideology [Def. 1]. (n.d)

A

ideolohiya

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
31
Q

Binubuo ang ideolohiya ng _, _, _, at ng _.

A
  • mga paniniwala ukol sa pananaw sa sandaigdigan
  • ng programa para sa pampulitika at panlipunang pagbabago
  • ng pagkaunawang kailangang ipaglaban ang programang ito
  • ng pag-akit sa mga tao na isagawa ang programang ito
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
32
Q

Kailan kinuha ang ideolohiya mula sa dictionary/ideology?

A

Mayo 1, 2018

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
33
Q

Samakatuwid, ito ay pangkat ng mga ideya at ohetibo na pinaniniwalaan ng isang grupo ng indibidwal ngunit maaaring makaimpluwensiya ng buong kultura ng mamamayan lalo na sa mga bagay na politikal o kalakarang panlipunan. Ito rin ay siyensiya na tumatalakay sa ebolusyon ng makataong ideya.

A

Ideolohiya

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
34
Q

Ilan sa mga idelohiya:

A
  • Moral na Positibismo
  • Hedonismo
  • Utilitaryanismo
  • Moral na Ebolusyonismo
  • Komunismo
How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
35
Q

Sinong nanguna sa Moral na Positibismo?

A

Auguste Conte

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
36
Q

Ito ay paniniwala na walang likas na batas kung kaya’t walang likas na karapatan ang tao. Ang lahat ng karapatan ng tao ay nagmumula sa pamahalaan, sa mga kontrata, sa kalayaan ng tao, at sa mga naitatag na kaugalian. Hindi nga ba’t pagbabalewala ito sa esensiya ng Diyos na Siyang Tagapaglikha at pinagmulan ng lahat at pagbabalewala rin sa pananagutan sa kaniya?

Sa paniniwalang ito, ang tao ay ginagabayan lamang ng batas na kaniyang ginagawa na maaaring may pagkakamali dahil siya ay tao lamang.

A

Moral na Positibismo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
37
Q

Ito ay ang pinakamahalagang kayamanan sa mundo.

A

tao

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
38
Q

Kaya kinakailangan ng _ na galing sa Diyos upang may batayan ang tao sa tama o mali dahil ang tao ay may iba’t ibang pananaw sa mga bagay-bagay at maaaring magbigay ng baluktot o maling pangangatwiran.

A

Likas na Batas Moral

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
39
Q

Ito ay nanggaling sa salitang Griyego na hedone na ang kahulugan ay kasiyahan o pleasure. Ito ang paniniwala na ang pinakamataas na kabutihan ay ang kasiyahan ng tao. Ang motibasyon ng tao ay nakaugat sa paghahanap ng kaniyang kasiyahan at pag-iwas sa anumang nagdudulot ng sakit o pain.

A

Hedonismo

40
Q

Ang Hedonismo ay nanggaling sa salitang Griyego na _ na ang kahulugan ay kasiyahan o pleasure.

A

hedone

41
Q

Ang Hedonismo ay nanggaling sa salitang Griyego na hedone na ang kahulugan ay _ o _.

A

kasiyahan o pleasure

42
Q

Ito ay paniniwala na ang batayan ng isang pagkilos ng tama o mali ay nakasentro sa resulta nito lalo na kung ito ay napakikinabangan at nakapagbibigay ng kasiyahan. Ang kahalagahan ng isang pagkilos ay tinitingnan lamang sa maibibigay nitong kapakinabangan at kasiyahang loob.

A

Utilitaryanismo

43
Q

Ito ay paniniwala na ang moralidad o ang pagsusuri sa tama o mali ay hindi pa tiyak dahil ang moralidad ay naglalakbay patungo sa kaganapan. Ngnit ang tama ay nakaugat sa katotohanan at katulad ng nauna pang nasabi, ang katotohanan ay hindi nagbabago. Maaaring ang pagsusuri ng tama o mali ay mabago dahil sa pananaw ng tao at ang pananaw ay nababago.

A

Moral na Ebolusyonismo

44
Q

Ang layunin nito ay upang ipagtanggol o pangalagaan ang mga mahihina sa mga malalakas.

A

pamahalaan

45
Q

Ito ay nakasalalay sa pusong tao na likas na umiiral ang pagkahabag ng konsiyensiya.

A

pag-asa

46
Q

Isang pilosopong Aleman nagsulat ng artikulong “Master-slave Morality”. Ayon sa kaniya, ang kabutihan ay paghahangad ng maging maligaya taglay nito ang kayamanan, lakas, kalusugan, at kapangyarihan katulad ng isang amo o master. At ang masama ay maging katulad ng isang alipin o slave na mahirap, mahina, at hindi malusog na pangangatawan, kawawa, at sinusupil ng mga aristokratang amo. Dagdag nito ayon sa kaniya, ang pagkahabag o awa ay ang kawalan ng lakas; ang kahirapang dulot ng pagkawala ng lakas o pagiging mahina ay nadagdagan ng habag o awa (Nietzche, Moral and Political Philosophy, October 7, 2015). Kung ganito ang pananaw, anumang kilos na tumutulong sa tao upang maging malakas at makapangyarihan ang siyang batayan ng moralidad. Samantala, ang nakakapanghina ng karakter ng tao sa kaniyang pananaw tulad ng _, _, at _ ang siyang maituturing na masama at balakid sa kaniyang pagiging ganap. Dito nakikita kung paano nababago ang pagpapasiya nang tamao mali ayon sa pananaw ng tao

A

Friedrich Nietzche

47
Q

Ano ang artikulong sinulat ni Friedrich Nietzche?

A

Master-slave Morality

48
Q

Ang nakakapagpahina ng karakter ng tao sa kaniyang pananaw tulad ng _, _, at _ ang siyang maituturing na masama at balakid sa kaniyang pagiging ganap.

A

pagpapakumbaba, awa, at kapatawaran

49
Q

Sino ang Prussian-German na pilosopo na nagtatag ng Komunismo?

A

Karl Marx

50
Q

Ang ideolohiyang ito ay itinatag ni Karl Marx na isang Prussian-German na pilosopo sa pagnanais niyang wakasan ang kapitalismo na nanamantala ng mga manggagawa. Kasama ang kaibigang si Friedrich Engels, isinulat ni Karl Marx ang “The Communist Manifesto”. Ang layunin nito ay ang magtatag ng isang lipunang may kaayusan at walang antas o classless society, walang pribadong pag-aari o private ownership, walang perang hawak o moneyless, kundi ang estado ng mag-aari ng lahat ng produksiyon ng negosyo at magbabahaginan ng produkto ng trabaho. Ito ay nakatutok sa pagkontrol ng kamayanan na dati ay hawak lamang ng mayayamang kapitalista.

A

Komunismo

51
Q

Upang maipatupad nang maayos ang sistemang Komunismo, kinakailangang magtatag ng isang _.

A

diktadurang pamahalaan

52
Q

Ang ganitong kalakaran (Komunismo) ay umiikot lamang sa pag-intindi ng _.

A

materyal na bagay

53
Q

Ito ay nakabase sa pagbibigay-halaga sa mga kilos ogawain tungo sa ganitong launinkahit sa ano pa mang pamamaraan kaya’t kailangan ng isang diktadurang pamunuan. Sa ganitong paraan, mawawalan ng kalayaan sa pagpapasiya nang tama o mali ang mamamayan.

A

kaayusan ng buhay

54
Q

Ang _ ang siyang nasusunod sa pagpapasiya ng moralidad.

A

pinuno

55
Q

Ang _ ay kailangang gawin sa mga angkop na sitwasyon. Lumalakas ang ating pagkatao kung tataliwas tayo sa paggawa ng masama upang mailigtas ang sarili at ang kapwa sa kahihinatnan ng maling kilos o gawi.

A

mapanagutang pagpapasiya

56
Q

Laging tatandaan na bagama’t pinagkalooban tayo ng _, _, at _, kailangang maging mapanagutan sa bawat asal o kilos na ating ipinahahayag sa iba.

A

kaalaman, kalayaan, at pagkukusa ng ating kilos

57
Q

Mahalagang pagbatayan ang sumusunod na tatlong katangian sa pagiging mapanagutan sa bawat pagpapasiya at kilos na gagawin: _. Dahil dito, maaari nating mabago ang ating negatibong saloobin, asal, at gawi.

A
  1. Dahil sa angking kaalaman ng tao, hindi siya gaagwa ng bagay na hindi pinag-iisipan at ginusto.
  2. Ang angking kalayaan ay pagpapahayag ng kalayaan sa pagpili na mabuhay nang ayon sa kalooban ng Diyos—na ang ibig sabihin ay mabait at moral na paglinang ng sarili at pagtulong sa kapwa.
  3. Ang pagkukusa ng pagkilos na siyang tinaguriang will-act o piniling gawao desiyon ay resulta ng pinagsamang kalayaan at kaalaman ng tao.
58
Q

Ito ay mahalagang salik sa paghubog ng pagpapasiya at pananagutan ng tao sa kaniyang kusang-loob na pagkilos. Makabubuti na magiging alerto minsan dahil minsan may mga hindi inaasahang pangyayari na nagdudulot ng masidhing damdamin at pagkakaroon ng malay sa pangyayari sa ating paligid. Ito ay may epekto sa ating ginagawang pagpapasiya at pagkilos na nangyayari sa kabuuan ng ating pamumuhay.

A

kapaligiran

59
Q

Ito ay reaksiyon ng sensitibong pakiramdam sa pagkilos o hindi pagkilos kaugnay ng bagay na nararamdaman o naiisip na mabuti o masama. Ito ay nanggagaling sa puso dahil puso ang sentro ng _.

A

Emosyon

60
Q

Mga klase at halimbawa ng emosyon:

A
  1. Pag-ibig, pagmamahal, o love
  2. Pagnanais o desire
  3. Pag-asa o hope
  4. Kaligayahan o joy
  5. Pagkapoot o hatred
  6. Kalungkutan o sadness
  7. Takot o fear
  8. Galit o anger
61
Q

Ang pinakapundamental na emosyon ng tao na napupukaw sa pagnanais na kabutihan na humahantong sa pagmamalasakit sa kalagayan ng iba.

A

Pag-ibig, pagmamahal o love

62
Q

Ang pananalig na makamtan ang ninanais na kabutihan.

A

Pag-asa o hope

63
Q

Ang kasiyahan dahil sa nakamit na kabutihan.

A

Kaligayahan o joy

64
Q

Ang pagkamuhi dala ng kutob ng loob sa kasamaan.

A

Pagkapoot o hatred

65
Q

Ang pangamba dala ng kutob sa nagbabantang kasamaan.

A

Takot o fear

66
Q

Ang pagkalungkot gawa ng presensiya ng kasamaan.

A

Takot o fear

67
Q

Ang pagkayamot dala ng pagtanggi o paglaban sa kasamaan. Ang bawat kilos ng tao ay may kasamang emosyon. Maaaring ito ay positibo, dala ang kabutihan o negatibo, dala ang kasamaan dahil ang tao ay naaakit sa kasamaan o tinatawag na concupiscence.

A

Galit o anger

68
Q

kasamaan

A

concupiscence

69
Q

Ang _ ay ang nagbibigay-inspiraston sa pagkilos.

A

positibong emosyon

70
Q

Kung ang emosyon ay dinadala sa negatibong pananaw, ito ay nagdudulot ng _.

A

kapahamakan

71
Q

Tatlong aspekto na umaakit sa tao sa kasamaan: _. Nangyaari ito dahil sa malisya na pumapasok sa isip ng tao. Ang kalayaan ng tao ay maaaring tumungo sa pagpapairal nf kaniyang kahinaang pigilin ang takbo ng isip at damdamin na makasakit o bigyan ng masamang kahulugan ang nakikita o naririnig.

A
  1. ang labis na pagpapahalaga sa sarili o pride
  2. ang labis na pagnanasa ng mata o lust of the eyes
  3. ang labis na pagnanasa ng katawan o lust of the flesh
72
Q

Ilan sa mga nagdudulot ng maling pagkilos:

A
  • Inggit
  • Galit
  • Kayabangan
  • Kasakiman sa Kayamanan at sa Kaakibat na Kapangyarihan
  • Kahalayan
  • Katamaran
  • Kasibaan sa Pagkain
73
Q

Ito rin ay nakaugat sa sarili. Dahil sa labis na pagtingin sa sarili, ang taong may _ ay nalulungkot sa mabuting kalagayan o magandang kagamitan ng iba. Ang taong may masidhing pagnanais na itaas ang sarili higit pa sa kaniyang kapwa ay nagnanais makamtan ang magagandang bagay na napapansin sa iba kahit sa anumang pamamaraan. Dahil sa labis na pagnanasa ng mata, lagi na lang inihahambing ang sarili sa iba na para bang nakikipagkompetensiya. Nakugat ito sa kayabangan at ayaw pumayag na malampasan ng kapwa.

A

Inggit

74
Q

Ito ay nakaugat sa pagkawala ng respeto sa tao. Ang taong may matinding _ ay hindi na tumitingon sa matino at maayos na paglutas ng sanhi ng _ o problema. Nawawala ang tamang pangangatwiran at maaaring humantong sa pagkapoot. Katulad halimbawa ang selos. Dahil sa pagkawala ng tiwala, tutungo ito sa pag-aaway.

A

Galit

75
Q

Ang pagmamalaki ay nakasentro lamang sa sarili. Sa sobrang pagpapahalaga sa sarili, ang hangad ng taong mayabang ay masunod nang kaniyang gusto dahil sa taglay niyang talino. Hindi na marunong makinig sa paliwanag o kuro kuro ng iba o kaya’y hindi tumatanggap ng pagkakamali. Matayog ang pagtingin sa sarili kaya ang emosyon ay ginagamit sa pansariling kapakananat para sa sariling kabutihan lamang.

A

Kayabangan//

76
Q

Ito ay labis na paghahangad ng kayamanan at kaalinsabay nito ang kapangyarihan. Sinabi na walang kasiyahan ang tao dahil sa labis na pagnanasa ng mata at katawan. Hindi makontento sa kung ano ang mayroon siya. Patuloy ang paghahangad sa krangyaan na higit pa sa pangangailangan.

Dahil ang pananaw ng tao ay tumitingin sa materyal na bagay, kadalasan ang sukatan ng dignidad o karangalan ay nakabatay sa kayamanan.

A

Kasakiman sa Kayamanan at sa Kaakibat na Kapangyarihan

77
Q

Ito ang nagbibigay sa tao ng halaga sa lipunan kaya’t may kaakibat nakatanyag at kapangyarihan.

A

kayamanan

78
Q

Ito ay nakatutok sa mga kasiyahang seksuwal. Labis na pagnanais sa kaligayahan dulot ng mga bagay na seksuwal. Ang kapusukan ng katawan ay hindi pinipigilan kaya’t humahantong sa kahalayan. Ang pagnanasa ng mata sa nakikita at pagnanasa ng katawan ang nag-uudyok ng kahalayan.

A

Kahalayan

79
Q

mga taong walang ginagawa

A

idle minds

80
Q

Dahil ang pag-iisip ay hindi dinadala tungo sa marangal na pamumuhay, mayroong ding nanamantala, ginagawang hanapbuhay ang kahalayan tulad ng _, _, o _.

A

prostitusyon at pornograpiya sa pelikula, sa babasahin, o magasin

81
Q

Ito ay nakagawian na _ o pagkabatugan. Hindi umuusad ang buhay ng taong tamad. Kulang sa motibasyon upang kusang kumilos kahit man lang para sa kaniyang kapakanan. Lagi na lang umaasa sa ibibigay na biyaya ng iba na pra bang wala siyang pakinabang sa lipunan. Dahil taglay ang _, mabigat ang pagkilos ng katawan at nagiging pabaya sa mga gawain o responsibilidad.

A

Katamaran

82
Q

Ang kasamaan ay natutunghayan hindi lamang sa paggawa ng masama o _ kundi pati na ang hindi paggawa ng kabutihan at mga responsibilidad o _.

A

commission; omission

83
Q

Ito ay kalabisan sa pagkain. Mahalagang bahagi ng buhay ang pagkain kaya ang tao ay kumikilos upang makakain araw-araw. Walang buhay na hindi kumakain. Ito ay pangunahing pangangailangan ng tao. Ang wastong pagkain lalo na sa murang edad pa lamang ay nakaaapekto sa kalusugan ng tao, sa katawan, o kaisipan man.

Ang kalabisan sa pagkain ay nagdudulot ng mga sakit sa katawan na na nagiging hadlang sa pagkilos.

Ito ay nakagawian kaya sa haba ng panahon na paulit-ulit na ginagawa, maaaring makaapekto sa pananaw at kusang-loob na pagkilos.

A

Kasibaan sa Pagkain

84
Q

Ilan sa mga may tiyak na epekto sa ating buhay:

A
  • Internet
  • Mga Programa sa Telebisyon
85
Q

Sa modernong panahon ngayon, ang _ ay malaking tulong sa pagpapalaganap ng impormasyon. Ito ay mahalagang imbensiyon ng siyensiya na nakapagpapadali ng komunikasyon kahit sa iba’t ibang dako ng mundo at paghanap ng mga ideya na nakapagpapalawak ng isiapan.

A

kompyuter

86
Q

Mabilis ding maiparating ng _ ang mga pananaw na nakapagpapabago sa isipan ng tao. Ito ay maaaring magdulot ng kabutihan o maaari ding maging hadlang sa pagpapalago ng kabutihan. Samakauwid, hindi lahat ng tama o maganda ay matatagpuan dito, dahil ito ay maaaring maabot ng sinuman sa lahat ng antas.

A

Internet

87
Q

Napakalaking impluwensiya ang dulot ng _ lalo na sa musmos na kabataan dahil nakapadaling manood ng kahit na sino ang anumang palabas sa telebisyon.

A

Mga Programa sa Telebisyon

88
Q

Sa panahon ngayon, ang _ ng mga bata ay nagagamit sa paggawa ng krimen dahil sila ay hindi makukulong. Marahil sila ay sinasamantala ng mga sindikato.

A

Kamangmangan

89
Q

Ito ay nagbibigay-proteksiyon sa mga batas. Isinasaad ng batas na ito na ang bata na may edad labing-walong taong gulang pababa ay ligtas sa pananagutang kriminal ngunit siya ay isasailalim sa programang namamagitan para sa bata tulad ng counseling and rehabilitation program o programang pagpapayo at rehabilitasyon maliban lang kung isinagawa ng bata ang krimen ng may pag-unawa o discernment o vatid niya na mali ang kaniyang ginawa.

A

Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 o Republic Act 9344

90
Q

sa edad na ito alam na ng bata kung tama o mali ang kaniyang ginagawa

A

age of discernment

91
Q

Ito ay naninwala na ang bata ay maaari pang magbago at matutuhan ang mgapagpapahalagang moral o moral values. Inaasahan na sa pamamagitan ng pagpapayo o counseling at rehabilitasyon o rehabilitation sa ilalim ng social welfare system, ang bata ay muling makakabalik sa kaniyang pamilya, maging mabungang kasapi ng lipunan, at hindi na babalik sa kalye na hahantong sa pagiging tunay na kriminal sa kanilang pagtanda.

A

Restorative Justice

92
Q

Ito ay pagpapataw ng kaparusahan sa nagawang pagkakasala tulad ng pagkabilanggo.

A

Punitive Justice

93
Q

Dahil may mga taong nakikita ang butas ng naturang batas, hangad ng Kongreso na palawigin at palakasin ito sa pamamagitan ng _. Isinasama sa batas na kung ang pinararatangang kasalanan ay pagpatay o murder o nakapatay o homicide, pagpatay ng miyembro ng pamilya o parricide, pagdukot o kidnapping, panggagahasa o rape, pagnanakaw o robbery, o pagbebenta ng droga o drug trafficking, at iba pang kasalanan na may kaparasuhan nang mahigit labindalawang taon, ipinagpapalagay na ang bata ay kumilos nang may kaalaman na sa tama at mali.

A

House Bill 6052

94
Q

Ang paglabag sa batas ng mga bata na nasa murang edad pa lamang o wala pa sa age of discernment ay talamak sa lipunan. Ito ay nagiging problema sa estado kaya may ginagawang pagbabago sa batas.

A

juvenile delinquency

95
Q

Mga Bisyo

A
  1. Paninigarilyo
  2. Pag-inom ng Alak
  3. Pagsusugal
  4. Pakikiapid
  5. Paggamit ng Ipinagbabawal na Gamot
96
Q

Ito ay nagdudulot ng malubhang sakit.

A

Paninigarilyo

97
Q

Dahil sa _ na dumidikit sa baga, balang araw ito ay maaaring maging sanhi ng kanser sa baga o sa lalamunan, o kaya’y _.

A

kanser sa baga o sa lalamunan; emphysema o COPD o chronic obstructive pulmonary disease