2nd Grading Exam Reviewer Flashcards
Isang kapangyarihan ng tao upang makapili siya na sumunod o hindi sa mga mabuting gawa.
kalayaan ng tao
Isang kapangyarihan ng tao upang makapili siya na sumunod o hindi sa mga mabuting gawa.
kalayaan ng tao
Ito ay dapat na magamit nang may pananagutan.
_ ay hindi lubos. Ito ay nakakabit sa magiging resulta ng bawat kapasiyahan o bawat kilos, kung ano at paano nakaaapekto sa sarili, sa ibang tao, at sa kapaligiran.
Kalayaan
Ito ay ang kakayahang pumili at kumilos batay sa pagkakilala sa tama at mali, mabuti at masama.
Mapanagutang Kalayaan
Kinakailangang isaalang-alang ang _ mo hindi lamang sa sarili kundi sa lahat na maaaring maapektuhan ng iyong pasiya o aksiyon, mabuti man o masama.
pananagutan
Ang pagkakaroon ng kakayahang maging makapangyarihan ang sarili, pagtanggap sa sariling lakas o kahinaan, at kakayahang manindigan sa tama at mabuti.
Panloob na Kalayaan
Mahalaga sa tao bilang panlipunang nilalang. Ito ay naaayon sa batas at pamantayan ng pakikipagkapwa at pagkamakabayan.
Kalayaang Panlabas
Ang mga katangiang dapat paunlarin ng kabataan upang maipakita ang mapanagutang kalayaan ay:
• Malayang kumikilos nang higit sa pansariling interes
• Malayang kumikilos at pinananagutan ang anumang kahinatnan ng kilos
• Malayang bumubuo ng pagkakakilanlan at marunong pumuna sa sariling kaisipan, damdamin, at kilos
Habang tumataas at lumalawak ang _, lumalaki rin ang pananagutan.
kakayahan
Ang taong hindi malaya mula sa kaniyang _ ay hindi malayang magmahal sa kapwa.
makasariling loob
Ito ay isang pananagutan sa kapwa.
Pagmamahal
Ang pagkaalipin sa paglilingkod nang may buong pagmamahal sa iba.
tunay na kalayaan
Dalawang uri ng paglilingkod nang may buong pagmamahal.
- Ang paglilingkod nang may pagmamahal ay kabaligtaran ng masamang ugali ng pagkamakasarili.
- Ang utos na maglingkod nang may pagmamahal ay kabaligtaran ng pagpapaalipin sa batas.
Ang ating _ ay dapat palaging ginagabayan ng pagmamahal sa kapwa.
Kalayaan
Mga pangunahing kaalamaan tungkol sa kalayaan.
- Ang Likas na Kalayaan ng Tao
- Ang Mapanagutang Kalayaan
- Kalayaang Panloob at Panlabas
- Mga Katangian ng Kabataang may Mapanagutang Kalayaan
- Habang Lumalawak ang Kalayaan, Lumalawak Din ang Pananagutan.
Malaya kang gumawa at gawin mo ang mabuti, maglingkod sa kapwa, iwasan ang masama, magbasa ng salita ng Diyos, magturo sa iba ng _, mahalin ang pamilya, at mahalin ang kapwa.
moral na mga prinsipyo
Alipin ang isang kabataang babae na gagawin ang lahat upang maging maganda para sa iba ng kaniyang?
materyales na kalikasan
Isang Pilipino na gumamit ng kaniyang kalayaan sa paggawa ng kabutihan para sa kapwa.
Efren Peñaflorida
Si Efren Peñaflorida ay nagmahal sa mga mahihirap na bata sa pamamagitan ng pagsisimula ng?
pushcart classroom
Ang malasakit ni Efren Peñaflorida sa edukasyon ng mga batang mahihirap ay ipinakita sa hindi upang makilala siya sa buong mundo bilang _ kundi para bigyan ng alternatibong edukasyon ang mga bata.
2009 CNN Hero of the Year
Isang 13 gulang na batang Pilipino na piniling gamitin ang kaniyang kalayaan sa pagtulong sa mga batang lansangan.
Cris “Kesz” Valdez
Si Cris “Kesz” Valdez ay ginawaran ng?
Internarional Children’s Peace Prize
Ang dangal ng pagkatao. Ito ang pagkabanal at pagkabukod-tangi ng tao na nag-uugat mula saa kaniyang materyal at espiritwal na kalikasan.
Dignidad
Bawat tao ay may dangal na pinagmumulan ng kaniyang karaparan. Ang mga ito ay nasasaklaw ng mga _ na karapat-dapat igalang sapagkat ang tao sa kaniyang kallikasan at may karangalan o dignidad. Ang pagsanggalang at paggalang nito ay iginagawad para sa lahat maging anuman ang gulang, kabuhayan, kasarian, relihiyon o lahi.
karapatang pantao
Mahalaga ang pagsusuportahan ng kapwa tao sa pagpapatibay ng _.
dangal pantao
Mga pangunahing konsepto ng dignidad.
- Kahulugan ng Dignidad
- Dignidad at Karapatang Pantao
- Paggalang sa Karapatan ng Kapwa: Paggalang sa Dangal Pantao
Ang _ sa ating sariling pagkatangi ang susi ng pagkakaroon ng ating paggalang sa sariling dangal.
pag-unawa ng ating pagkatao
Ito ay nagpapakita ng mabuting pangangalaga sa sariling dangal. Naipapakita ito sa wastong pagsasaayos ng katawan at ng kaluluwa.
paggalang sa sarili
Ito ang mga salik na nagpapakita ng paggalang sa sarili.
- positibong pagtingin sa sarili
- kaaya-ayang pagtanggap sa sarili
- mabuting pkairamdami sa paggawa ng mabuti
- pakikipagkapwa
Ito ay walang higit na mababa o higit na mataas. Maliwanag na “ang pagsanggalang at paggalang nito ay iginagawad para sa lahat maging ano man ang gulang, kabuhayan, kasarian, relihiyon o lahi” nang pantay-pantay sa dahilang pantay ang kanilang kalikasan bilang tao at pantay rin ang mga karapatang pantao.
konsepto ng dangal
Ito ang ilan tungkol sa dangal pantao.
- Paggalang sa Sarili: Simula ng Paggalang sa Pantaong Dignidad
- Ano ang Nakaaapekto sa Dangal Pantao?
- Tatlong Antas ng Aksiyon sa Pagpapatibay ng Dangal Pantao
Ang tatlong antas ng aksiyon sa pagpapatibay ng dangal pantao.
- Pansarili - Ang Mabuting Buhay
- Pakikipagkapwa - Mabuting Ugnayan
- Panlipunan - Karapatang pantao at ang Batas
Ayon sa kaniya, may apat na mahahalagang aksiyon para sa pagtatanggol at paggalang sa dangal pantao.
Pope John Paul II
Ang apat na mahahalagang aksiyon para sa pagtatanggol at paggalang sa dangal pantao.
- Pagtatanggol sa Kabanalan ng Buhay at ang Pinagmulan Nito
- Pagtatanggol sa Dignidad ng Paggawa
- Pagtatamo ng Buong Edukasyon at Kalingan
- Pagpapaunlad ng Kabutihang Panlahat at Katarungang Panlipunan
Ang _ ay dangat at ang _ ang batayan ng moral na pamumuhay ng isang lipunan.
buhay; dignidad ng tao
Ito ay hinahamon ng abortion, euthanasia, cloning, embryonic stem cell, at paggamit ng ng parusang kamatayan.
kabanalan ng buhay
Ito ay hindi nanggagaling sa uri ng kaniyang hanapbuhay kundi mula sa kaniyang pagkatao.
dignidad ng tao
Ang tuon ng layunin ng mga institusyon at lipunan at hindi dapat napagsasamantalahan o pinahihirapan. Dapat silang
tao
Ang utos ng Diyos na nagsasabing dapat igalang ang buhay ng bawat tao.
“Huwag kang papatay.”
Mga Prinsipyo ng Dignidad Pantao.
- Ang tao ay ibinibilang na banal mula sa kaniyang pagkalalang hanggang sa kaniyang kamatayan.
- Bawat tao ay dapat kinikilang mahalagang kasapi ng pamayanan na may materyal at espiritwal na kalikasan.
- Ang dignidad ng tao ay ipinagtatanggol sa pamamagitan ng paggalang, pagmamahal, at pag-aaruga ng buhay.
Ang nagiging batayan ng kaniyang mabuting pakikipagkapwa.
panlipunan at moral na kalikasan ng tao
Sa maraming kaso, ang mga tao ay nahuhusgahan batay sa kanilang?
- anyo
- talino
- hanapbuhay
- antas ng kabuhayan
- katutubong katangian
Ito ay hindi lamang pagbabawal sa pagpatay o pagpapahirap sa buhay. Sa halip, ito ay panagawan ng isang kultura ng buhay, pakikiisa sa mga mahihirap, para sa katarungan, kapayapaan, at kabutihan ng buhay.
prinsipyo ng dignidad pantao
Sanhi ng paghihirap at pambibiktima sa mga mahihina sa lipunan.
korupsiyon
Ang pagkiling sa _ ay hindi nangangahulugang paglabanin sila sa isa’t isa. Isa itong panawagan upang palakasin ang buong pamayanan sa pamamagitan ng pagtulong at pagsuporta sa mahihina.
maralita
Ilang pangkat ng katutubo ang nakalista sa National Commission on Indigenous Peoples. Ang ilan sa mga pangkat na ito ay ang Agta o Aeta, Bontoc, Igorot, Ifugao, Tingulan, Kankana-ey sa Hilagang Luzon; ang Mangyan sa Mindoro; Lumad at Manobo sa Bukidnon; Subanon ng Zamboanga; Tiboli sa Cotabato; at mga Samal at Badjao sa Sulu.
110 pangkat
Ang mga _ ay kapantay ng dignidad at karapatan ng lahat ng tao.
katutubo
Isa sa mga nababahala na ang mag katutubo sa iba’t ibang dako ng mundo ay nagdurusa nang walang katarungan sa mahabang panahon sanhi ng kolonisasyon at pag-agaw sa kanilang mga lupaning nasasakupan at likas na yaman na nagiging hadlang upang maisagawa ang kanilang karapatang umunlad ayon sa kanilang mga pangangailangan at kapakanan.
United Nations (UN)
Ginawa ng UN noong 2007 para gumabay sa mga programa at gawain kaugnay sa pagtatanggol ng dignidad pantao ng mga katutubo sa iba’t ibang bansa.
Ang Deklarasyon ng UN sa mga Karapatan ng mga Katutubo