3rd Grading Flashcards
Kung ang paglago ng ekonomiya ang pangunahing salik na nakaaapekto sa pagtatrabaho, malinaw ang pangunahing solusyon:
kailangan nating palaguin ang ating ekonomiya
Kapag may krisis pang-ekonomiya kung saan tumataas ang umuulit na kawalan ng trabaho, ang karaniwang solusyon ng karamihan sa mga pamahalaan sa _ siglo at _ siglo ay pasiglahin ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagpasok ng pera sa ekonomiya.
ika-20 at ika-21 siglo
Ang tawag ng mga ekonomista sa ganitong estratehiya, batay sa pangalan ni John Maynard Keynes, isang ekonomista mula sa Britanya.
Keynesianismo
Keynesianismo ang tawag ng mga ekonomista sa ganitong estratehiya, batay sa pangalan ni _, isang ekonomista mula sa Britanya.
John Maynard Keynes
Para kay Keynes, ang pangunahing dahilan ng pagkabansot ng ekonomiya ay hindi ang kakulangan sa salapi, kundi ang _.
pagtigil sa paggastos ng mga tao//////
Kapag hindi gumagastos ang mga tao, hindi umiikot ang pera at bumababa ang pangangailangan para sa mga _ at _.
produkto at serbisyo
At, gaya ng natutuhan natin, kapag bumaba ang pangangailangan, bumababa rin ang _ at_.
produksiyon at pagtatrabaho
Iginiit ni Keynes na mapatataas ng pamahalaan ang pangangailangan sa pamamagitan ng pagpasok ng mas maraming pera sa ekonomiya sa pamamagitan ng mga _.
interbensiyon
Sa Estados Unidos, dinagdagan mismo ng gobyerno ang paggastos sa mga proyektong pang-impraestruktura nina _ at _ noong krisis-pinansiyal noong 2007 hanggang 2008.
Pangulong George W. Bush at Barack Obama
Tungkol naman sa estruktural na kawalan ng trabaho, ang solusyon naman ay _.
mas mahusay na pagsasanay sa edukasyon
Para mapigilan ang estruktural na kawalan ng trabaho sa hinaharap, kailangang mapaghandaan ng pamahalaan ng Pilipinas ang mga pagbabago sa larangan ng pagtatrabaho. Halimbawa, maraming ekonomista ang nagsasabi na sa hinaharap, mas kaunti na ang trabaho sa mga _ dahil magiging awtomatisado na ang trabaho at robot na ang makakausap ng mga kliyente imbes na tao.
call center
Bilang mahirap na bansa, ang pangunahing problema natin ay _. Gayunpaman, mapipigilan natin ang pagkakaroon ng klasikong kawalan ng trabaho sa hinaharap sa pagsisiguro ng makatuwirang minimum wage na hindi masyadong mababa o mataas.
mababang suweldo
Ayon sa teorista ng politika na si Manfred Steger, tinutukoy ng globalisasyon ang “pagpapalawak at pagpapasidhi ng ugnayang panlipunan at kamalayan sa oras-ng-mundo at espasyo-ng-mundo”.
Manfred Steger
Ayon sa teorista ng politika na si Manfred Steger, tinutukoy ng _ ang “pagpapalawak at pagpapasidhi ng ugnayang panlipunan at kamalayan sa oras-ng-mundo at espasyo-ng-mundo”.
globalisasyon
May tatlong mahahalagang elemento ng depinisyong ito ng globalisasyon:
- pagpapalawak ng ugnayang panlipunan at kamalayan
- pagbilis ng ugnayang panlipunan at kamalayan
- mga pagbabago sa ating pagdanas sa oras at espasyo
Tinutukoy ng paglawak ng ugnayang panlipunan at kamalayan ang dumadaming bilang ng ugnayan at mga _ sa daigdig.
network
Halimbawa, maituturing na _ na pang-ekonomiya ang mga rutang pangkalakalan. Habang lumalalim ang globalisasyon, parami nang parami ang lumilitaw na rutang pangkalakalan.
pandaigdigang network
Bahagi rin ng globalisasyon ang pagdami ng pandaigdigang network na pangkomunikasyon. Halimbawa, simula _ na siglo, pinag-uugnay ang mundo ng isang pandaigdigang sistema ng elektrikong telegrapo. Pero pagdating ng Internet, may lumitaw na bagong network na pangkomunikasyon.
Tika-19 na siglo
Pinakahuling elemento ng depinisyon ang _. Binibigyang-diin ni Steger na “hindi lang sa obhetibo at materyal na lebel nagaganap ang mga proseso ng globalisasyon, sumasaklaw rin ito sa subhektibong rabaw ng kamalayan”. Sa madaling sabi, nararamdaman nating lumiliit ang mundo.
pagbabago sa pagdanas ng oras at espasyo
Una, para maunawaan ang globalisasyon, kailangan natin itong tingnan mula sa maraming punto de bista at teorya mula sa iba’t ibang disiplina tulad ng _, _, _, _ at iba pa.
sosyolohiya, agham pampolitika, araling pangkultura, ekonomiks