2nd G Lesson 1 Flashcards
UNDRR
United Nations Office of Disaster Risk Reduction
Ayon sa United Nations Office of Disaster Risk Reduction (UNDRR), ito ay “isang malubhang pagkaantala sa daloy ng buhay sa isang pamayanan o lipunan sa alinmang antas dulot ng interaksiyon ng mga mapanganib na pangyayari sa mga kondisyong tulad ng pagkakalantad (exposure), kahinaan (vulnerability), at kapasidad, na nauuwi sa isa o higit pa sa mga sumusunod: matinding pinsala sa buhay, ari-arian, ekonomiya, at kalikasan”.
sakuna
_ ang pangunahing konsepto sa depinisyong ito (sakuna - “isang malubhang pagkaantala sa daloy ng buhay sa isang pamayanan o lipunan sa alinmang antas dulot ng interaksiyon ng mga mapanganib na pangyayari sa mga kondisyong tulad ng pagkakalantad (exposure), kahinaan (vulnerability), at kapasidad, na nauuwi sa isa o higit pa sa mga sumusunod: matinding pinsala sa buhay, ari-arian, ekonomiya, at kalikasan”).
Pagkaantala
Isang pangyayari sa kalikasan na lumilikha ng posibilidad ng sakuna.
natural na panganib (natural hazard)
Ayon sa ulat ng ABS-CBN, ilang bahay ang nasira ng Bagyong Yolanda?
1.14 milyon
Ang isang pamayanang malapit sa isang nakalbong kagubatan ay mas madalas makaranas ng _ dahil kulang na ang mga punong sumisipsip ng tubig.
pagbaha
Nakakaranas ang Pilipinas ng problema sa ilegal na pagtotroso na nagdudulot ng pagkawala ng kagubatan sa isang lugar tulad ng bulubundukin ng?
Sierra Madre
Ang bulubunduking Sierra Madre ay ang
bumubuo sa _ porsiyento ng kabuuang kagubatan ng ating bansa at ito ay nagsisilbi ring harang sa mga bagyo.
40 porsiyento
Dahil sa pagkalbo sa kagubatan, matindi ang epekto sa mga pamayanan ng mga papasok na bagyo mula sa _.
Karagatang Pasipiko
Tumataas din ang panganib ng pagbaha sa mga lugar na may hindi maayos na sistema ng _ dahil ang mga daluyan nito ay nababarahan ng basura.
waste management
Mga lalawigan na mas madalas makaranas ng lindol dahil sa kanilang lokasyon.
Surigao del Sur, La Union, Benguet, Pangasinan, Pampanga
Dalawang lugar na matatagpuan sa Philippine Fault Zone.
Benguet at La Union
Mga lalawigan na higit na nanganganib dahil ang mga ito ay malalapit sa mga aktibong bulkan; madalas na nakakaranas ng pagsabog ng bulkan.
Camiguin, Sulu, Biliran, Bataan
Ang lalawigan na may pinakamataas na antas ng panganib dahil napakaliit nito at naaapektuhan ng pagsabog ng bulkan ang buong lalawigan.
Camiguin
Mga kaganapang maaaring magbigay-daan sa mga sakuna kapag ito ay nagkaroon ng interaksiyon sa isang pamayanan.
panganib (hazard)
Maaaring uriin ang panganib bilang?
natural o gawa ng tao
IFRC
International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies
Ayon sa International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies (IFRC), ito ay isang “natural na penomenong pisikal na nagaganap bunga ng mabibilis o mababagal na pangyayari na maaaring heopisikal (lindol, pagguho ng lupa, tsunami, at aktibidad ng bulkan), hydrolohikal (pagragasa ng yelo/lupa at pagbaha), klimatolohikal (matinding temperatura, tagtuyot. at malawakang sunog), meteorolohikal (buhawi, bagyo, at daluyong) o biyolohikal (mga sakit, epidemya, at pesteng insekto/halaman)”.
natural na panganib
lindol, pagguho ng lupa, tsunami, at aktibidad ng bulkan
heopisikal
pagragasa ng yelo/lupa at pagbaha
hydrolohikal
matinding temperatura, tagtuyot, at malawakang sunog
klimatolohikal
buhawi, bagyo, at daluyong
meteorolohikal
mga sakit, epidemya, at pesteng insekto/halaman
biyolohikal
“mga pangyayaring dulot ng tao at nangyayari sa/malapit sa tirahan ng tao. Maaaring isama rito ang mga biglaang pangangailangan (emergency), labanan/digmaan, taggutom, pagbabakwit o paglisan sa tirahan, at mga aksidente sa industriya o transportasyon. Halimbawa ng mga panganib na gawa ng tao ang pagtagas ng langis (oil spill), aksidente sa transportasyon, at pagguho ng mina”
teknolohikal na panganib o panganib na gawa ng tao
Mga panganib na halong natural at gawa ng tao. Ito ay ang mga pangyayaring resulta ng mga natural na panganib na pinalala ng mga gawa ng tao.
sosyo-natural na panganib
Isang halimbawa ng sosyo-natural na panganib ay ang pagkasira ng kapaligiran o?
pagbabago ng klima
Iminumungkahi ng IFRC ang isang simpleng tumbasan (equation) sa pagsukat nf epekto ng sakuna:
Panganib at Bulnerabilidad
————————————— = Sakuna
Kapasidad
Ayon sa UNDRR, ito ay tumutukoy sa “mga kondisyong itinatakda ng mga salik o prosesong pisikal, sosyal, pang-ekonomiya, at pangkapaligiran na nagpapalubha sa pagkalantad ng isang indibidwal, pamayanan, ari-arian, o sistema sa mga epekto ng panganib”. Sa madalit’t sabi, habang mas naging bulnerable ang isang komunidad, mas nalalantad ito sa mga epekto ng isang panganib.
bulnerabilidad
Binigbigyang-depinisyon ng UNDRR ang _ bilang “pagsasama ng lahat ng lakas, katangian, at mapagkukunan ng isang organisasyon, pamayanan, o lipunan para matugunan at maagapan ang mga panganib ng sakuna at mapatatag ang kakayahang bumangon” at “maaaring maging bahagi ng kapasidad ang impraestruktura, mga institusyon, kaalaman at kakayahan, at kolektibong katangian gaya ng ugnayang panlipunan, pamumuno, at pamamahala.
kapasidad
Sa huli, may simpleng punto ang _. Tumitindi ang panganib ng sakuna depende sa lubha ng panganib at antas ng bulnerabilidad ng komunidad. Gayunpanman, mababawasan ang panganib kung may kapasidad ang pamayanan na tumugon nang sapat dito.
tumbasan
Tumitindi ang panganib ng sakuna depende sa?
lubha ng panganib at antas ng bulnerabilidad ng komunidad
Gayunpanman, mababawasan ang panganib kung may _ ang pamayanan na tumugon nang sapat dito.
kapasidad
UNFPA
United Nations Population Fund
Ayon sa United Nations Population Fund (UNFPA), ang _ ay pumapangatlo sa buong mundo sa listahan ng mga bansang higit na nanganganib sa mga sakuna batay sa 2018 World Risk Index.
Pilipinas
Ayon sa United Nations Population Fund (UNFPA), ang _ ay pumapangatlo sa buong mundo sa listahan ng mga bansang higit na nanganganib sa mga sakuna batay sa 2018 World Risk Index.
Pilipinas
Ayon sa United Nations Population Fund (UNFPA), ang Pilipinas ay pumapangatlo sa buong mundo sa listahan ng mga bansang higit na nanganganib sa mga sakuna batay sa?
2018 World Risk Index
Ang Pilipinas ay matatagpuan sa isang malawak na bahagi ng Karagatang Pasipiko kung saan nagaganap ang 90 porsiyento ng mga lindol sa daigdig.
Ring of Fire
Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Ring of Fire, isang malawak na bahagi ng Karagatang Pasipiko kung saan nagaganap ang _ porsiyento ng mga lindol sa daigdig.
90 porsiyento
Nakakaranas ang Pilipinas ng maraming bagyo dahil sa lokasyon nito daanan ng mga bagyo sa Pasipiko na malapit sa _. Ito ay dahil karaniwang nabubuo ang mga bagyo sa maiinit na karagatan sa _.
Ekwador
Ilang bagyo ang dumarating sa bansa kada taon?
20
Ilan sa dalawampung bagyo na dumarating sa bansa kada taon ang mapaminsala?
5
Ayon sa UNFPA, dumanas ang Pilipinas ng ilang sakuna mula 1900 hanggang 2012?
531