(1G) Tama O Mali Flashcards
Sa pagsulat ng sinopsis o buod dapat ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal.
Tama
Maituturing na susi ng tagumpay para sa isang tao kung siya ay nagtataglay ng kahusayan sa komunikasyon.
Tama
Dapat tandaan sa pagsulat ng bionote, dapat gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat nito.
Mali
Ang maikling kuwento ay isang halimbawa ng propesyonal na pagsulat.
Mali
Dapat taglayin ng akademikong pagsulat ang paggamit ng mga salitang kolokyal at balbal.
Mali
Ang tesis at disertasyon, lalo na sa bahaging may kaugnay sa pag-aaral sa literature, ay isang halimbawa ng teknikal na pagsulat.
Mali
Ang pagsulat ng sinopsis ay naglalayong makatulong sa madaling pag-unawa sa diwa ng seleksyon o akda.
Tama
Layunin ng bionote na maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga personal na impormasyon tungkol sa sarili at maging ang mga nagawa o ginawa sa buhay.
Tama
Dapat tandaan sa pagsulat ng lagom, mahalagang matukoy ang pinakasentro o pinakadiwa ng akda o teksto.
Tama
Sa pagsulat ng abstrak, Iwasan ang paglagay ng ilustrasyon, graph, table at iba pa maliban na lamang kung sadyang kinakailangan.
Tama
Ang pagsulat ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika.
Tama
Ang paglalahad ng mga kaisipan at datos ay nararapat na maging malinaw at organisado.
Tama
Mahalagang matutunan ang pagsulat sapagkat ito ay nagsisilbing kayabangan sa mga manunulat.
Mali
Sa pamamagitan ng pagsulat ay naipapahayag natin ang ating mga nararamdaman at saloobin.
Tama
Ang pagsulat ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag-aaral.
Tama