(1G) Ang Pagsulat Ng Talumpati Flashcards
Isang uri ng sining
Pagtatalumpati
Maipapakita rito ang katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa panghihikayat upang paniwalaan ang kanyang paniniwala, pananaw, at pangangatwiran sa isang partikular na paksang pinag-uusapan.
Pagtatalumpati
Kaiba ito sa ginagawa nating pagsasalita sa araw-araw kung saan sinasabi natin ang gusto nating sabihin nang walang pinatutungkulan o binibigyang-diin ang paksa.
Pagtatalumpati
Kadalasang pinaghahandaan bago bigkasin sa harap ng tao kahit pa man ito’y biglaan.
Talumpati
Isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang tumatalakay sa isang partikular na paksa.
Pagtatalumpati
Ito ay karaniwang sinusulat upang bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.
Pagtatalumpati
Uri ng talumpati batay sa kung paano ito binibigkas sa harap ng mga tagapakinig (4)
- Biglaang Talumpati (Impromptu)
- Maluwag (Extemporaneous)
- Manuskrito
- Isinaulong Talumpati
Ang talumpating ito ay ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda.
Biglaang Talumpati
Kaagad na binibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita.
Biglaang Talumpati
Ang susi ng katagumpayan nito ay nakasalalay sa mahalagang impormasyon kailangang maibabahagi sa tagapakinig.
Biglaang Talumpati
Sa talumpating ito nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan batay sa paksang ibinigay bago ito ipahayag.
Maluwag
Madalas na outline lamang ang isinusulat ng mananalumpating gumagamit nito.
Maluwag
Ang talumpating ito ay ginagamit sa mga kumbensyon, seminar, o programa sa pagsasaliksik kaya pinag-aralan Itong mabuti at dapat nakasulat.
Manuskrito
Ang nagsasalita ay nakadarama ng pagtitiwala sa sarili sapagkat naisasaayos niya nang mabuti ang kanyang sasabihin.
Manuskrito
Kailangan ang matagal na panahon sa paghahanda ng ganitong uri ng talumpati sapagkat naisasaayos niya nang mabuti ang kanyang sasabihin.
Manuskrito
Ito ay kagaya rin ng manuskrito sapagkat ito ay mahusay ding pinag-aralan at hinabi ng maayos bago bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.
Isinaulong Talumpati
May oportunidad na magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa tagapakinig sapagkat hindi binabasa ang ginawang manuskrito kundi sinasaulo at binibigkas ng tagapagsalita.
Isinaulong Talumpati
Ang isang kahinaan ng ganitong talumpati ay pagkalimot sa nilalaman ng manuskritong ginawa.
Isinaulong Talumpati
Mga Uri ng Talumpati ayon sa Layunin (6)
- Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon o Kabatiran
- Talumpating Panlibang
- Talumpating Pampasigla
- Talumpating Panghikayat
- Talumpating Pagbibigay-galang
- Talumpating Papuri
Ang layunin ng talumpating ito ay ipabatid sa mga nakikinig ang tungkol sa isang paksa, isyu, o pangyayari.
Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon o Kabatiran
Dapat na maging malinaw at makatotohanan ang paglalahad ng datos kaya mahalaga sa pagsulat nito ay gumagamit ng mga dokumentong mapagkakatiwalaan.
Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon o Kabatiran
Pinakakilalang halimbawa nito ay ang talumpati ng mga pinunong bansa o ang State of the Nation Address (SONA)
Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon o Kabatiran
Layunin ng talumpating ito na magbigay ng kasiyahan sa mga nakikinig.
Talumpating Panlibang
Sa pagsulat nito, kailangang lahukan ito ng mga birong nakakatawa na may kaugnayan sa pagksang tinatalakay.
Talumpating Panlibang
Madalas ginagawa ang ganitong talumpati sa mga salusalo, pinagtitipong sosyal, at mga pulong ng mga samahan.
Talumpating Panlibang
Layunin ng talumpating ito na magbigay inspirasyon sa mga nakikinig.
Talumpating Pampasigla