yunit 1-3 Flashcards
Representasyon ng
karanasan ay nag-iiba sa bawat tao. Ito’y umuunlad at
patuloy na nagbabago.
Wika
Nagsabi na ang wika ay isang likas at
makataong at makataong pamamaraan ng paghahatid ng
mga kaisipan, damdamin at mithiin.
EDWARD SAPIR (1949)
Nagsabi na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag
na binubuo at tinatanggap ng lipunan
CAROLL (1954)
Nagsabi na ang wika ay isang set o kabuuan ng mga
sagisag na ginagamit sa komunikasyon.
TODD (1987)
Nagsabi na ang wika ay isang arbitraryong sistema ng
mga tunog o ponema na ginagamit ng tao sa
pakikipagtalastasan
BUENSUCESO
Nagsabi na ang wika ay isang
kabuuan ng mga sagisag na panandang binibigkas na sa
pamamagitan nito ay nagkakaunawaan, nagkakaisa at
nagkakaugnay-ugnay ang isang pulutong ng mga tao.
TUMANGAN,SR.ET AL.(1997)
Nagsabi na ang wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na isinasaayos sa paraang arbitraryo.
GLEASON
sino ang may akda ng “kung ano ang wika mo, iyon
ang pagkatao mo”
Virgilio Almario
Ipinapahayag niya na ang wika ay hindi
lamang simpleng pakikipagkomunikasyon ng impormasyon
ang wika. Isa rin itong pinakamahalagang paraan sa pagbuo
at pagpatibay ng koneksyon at relasyon sa ibang tao.
Trudgill (2000)
7 Kahalagahan ng wika
- Ang wika ay behikulo ng kaisipan
- Ang wika ay daan tungo sa puso ng isang tao.
- Ang wika ay nagbibigay ng mga kautusan o
nagpapakilala sa tungkulin at katayuan sa lipunan ng
nagsasalita. - Ang wika ay kasasalaminan ng kultura ng isang lahi,
maging ng kanilang karanasan. - Ang wika ay pagkakakilalan ng bawat pangkat o
grupong gumagamit ng kakaibang mga salitang hindi
laganap. - Ang wika ay luklukan ng panitikan sa kanyang
artistikong gamit. - Ang wika ang tagapagbigkis ng lipunan.
6 KALIKASAN NG WIKA
1.Pinagsama-samang tunog.
2. May dalang kahulugan.
3. May gramatikal istraktyur.
4. Sistemang oral-awral.
5. Pagkawala o ekstinksyon ng wika
6. Iba-iba, diversifayd at pangkatutubo o indihenus.
6 KATANGIAN NG WIKA
- Dinamiko/buhay.
- May lebel o antas.
- Ang wika ay komunikasyon
- Ang wika ay natatangi
- Magkabuhol ang wika at kultura. H
- Gamit ang wika sa lahat ng uri ng disiplina
/propesyon.
ito ay tungkol sa pagsisiyasat ng mga
relasyon sa pagitan ng wika at lipunan na may layunin sa
pag-unawa sa istraktura ng wika at kung paano gumagana
ang mga wika sa komunikasyon
SOSYOLINGGWISTIKA
Set ng mga salita o ekspresyon na nauunawaan ng mga
grupong gumagamit nito na maaaring hindi maunawaan ng
ma taong hindi kasali sa grupo o hindi pamilyar sa
propesyon, uri ng trabaho o organisasyong kinabibilangan
(Santos,Hufana at Magracia, 2008)
REJISTER
Ito ang sekretong wika na ginagamit ng mga grupong
kinabibilangan, ngunit hindi limitado, ng mga magnanakaw at
iba pang mga kriminal. Layunin nito an maiwasang mabatid o
maunawaan ng mga hindi kasama sa grupo ang
kombersasyon sa loob ng samahan.
ARGOT
Hindi sekreto ang kahulugan ng ,mga salita, higit na
pampubliko, mas pangkalahatang magagamit at syempre
mas kagalang-galang.
Halimbawa: yosi-sigarilyo, parak-pulis
BALBAL O SLANG