WIKA AT KULTURA Flashcards
Bawat pangkat ng mga taong naninirahan sa isang bansa, bayan, pook o
pamayanan, ay may sariling _________
kultura
ay ang karunungan, sining, literatura, paniniwala at kaugalian ng isang
pangkat ng mga taong nananahanan sa isang pamayanan.
kultura
Kung ang kultura ay ang kabuuan ng isip, damdamin, gawi, kaalaman at
karanasan na nagtatakda ng angking kakanyahan ng isang kalipunan ng
tao, ang wikang hindi lamang daluyan kundi higit pa rito ay tagapagpahayag
at impukan-kuhanan ng alinmang kultura
(Salazar, Zeus A.) mula sa aklat ni
Pamela Constantino (1996)
walang kulturang
hindi dala ng isang wika bilang sanligan at kaluluwa na siyang bumubuo,
humuhubog at nagbibigay—diwa sa kulturang ito.
Dagdag ni Salazar
Ang salitang kultura ay katumbas ng salitang “_________”
kalinangan
salitang ugat ng ““kalinangan””
linang (cultivate)
at
linangin (to develop/to cultivate)
linang
(cultivate)
linangin
(to develop/to cultivate)
Kaya ang kalinangan o kultura ay siyang lumilinang at humuhubog sa pag-iisip, pag-uugali at gawain ng tao
(Timbreza, 2008)
Ama ng Antropolohiya
Edward Burnett Tylor
ang kultura ay
isang kabuuang kompleks na may malawak na saklaw sapagkat kabilang
dito ang kaalaman, paniniwala, sining, moral/ valyu, kaugalian ng tao bilang
miyembro ng isang lipunan. Hindi lamang sining at musika ang kultura ayon
sa paniniwala ng iba ngunit ito ay naglalaman ng mga valyu at alituntunin sa
lugar na tinitirhan, ng ating mga ideya na mabubuti o masasama, ng ating
wika, relihiyon at iba pa. sa madaling salita ang kultura ay matututunan ng
tao bilang miyembro ng isang lipunan. Ito ay tumutukoy sa lahat na
natutunan ng isang indibidwal sa lipunang kinabibilangan.
Edward Burnett Tylor
- ama ng Antropolohiya
nagsabing ang kultura ay isang organisasyong
penomena na sumasaklaw sa aksyon (paraan ng pag-uugali) bagay
(kagamitan) at iba pang mga kasangkapan, ideya (paniniwala at kaalaman),
at sentiment (karakter/kilos at valyu). Ibig sabihin, ang kultura ay ang
kabuuang paraan ng pamumuhay na sinusunod ng mga tao at binubuo ng
lahat ng natututunan at naibabahagi ng tao sa isang komunidad.
Leslie A. White
ang kultura ay lahat ng natututunang
beheybyur at resulta kung papaano pinahahalagahan ng tao ang mga
natutunan niya na tinatawag na cognition- ang pagkaalam sa lahat ng
bagay na nagbigay patnubay sa tao sa pagkilala niya sa kapaligiran at sa
ibang tao.
Ayon sa mga Antropolohista
ang pagkaalam sa lahat ng
bagay na nagbigay patnubay sa tao sa pagkilala niya sa kapaligiran at sa
ibang tao.
cognition
ang kultura ay
ginagamit para sa maayos na paraan ng may kapangyarihan at mga
makapangyarihan tao, dahil ang mga taong may kaalaman sa kasaysayan,
literatura at sa sining ang siya lamang may kultura ayon sa unang
paniniwala. Ang paniniwalang ito ay binatikos ng ilang mga antropolohista.
sa aklat ni Donna M. Gallaick, et al (2009)
Ang kultura ay socially achieved knowledge
Hudson (1980)
Ang kultura ay patterns of behavior (way of life)
and patterns for behavior (designed for that life)
Wardgoodenough
Ang kultura ay patterns of behavior
way of life
patterns for behavior
designed for that life
Ang kultura ay kabuuan ng mga natamong gawain,
mga natutunang huwaran ng pag-uugali at mga paraan ng pamumuhay
sa isangt takdang panahon ng isang lahi o mga tao
Timbreza (2008)
KATANGIAN NG KULTURA
- Learned/ Natutunan
- Shared/ ibinabahagi
- Culture is adaptation/ naaadap
- Ang kultura ay dinamikong sistema at patuloy na nagbabago
Ang tao ay isinilang at inalagaan ng mga magulang at kung paano siya
inaalagan, pinakakain, pinaliliguan, pinapadamit at atbp. ay isang proseso
ng kulturang natutunan na nagsimula sa pagkatuto sa kultura ng pamilyang
kinabibilangan niya. ang prosesong ito ay magpapatuloy sa buong buhay sa
pakikihalubilo ng tao sa kanyang pamilya at sa ibang kulturang.
Learned/ Natutunan
May dalawang proseso ng pag-interact o pakikihalubilo ng tao sa
isang lipunan;
- Enculturation
- Socialization
Isang proseso ng pagkuha ng mga katangian ng ibang
kultura at maging bahagi siya ng kulturang iyon. Karaniwan ding mas
magaling pa siya sa wika, gawing, paniniwala at kaalaman ng kulturang
napasukan niya kaysa sa wika, gawi, paniniwala at kaalaman ng kulturang
napasukan niya kaysa dati nang miyembro ng nasabing kultura.
Enculturation
Ang pangkalahatang proseso sa pagkilala sa mga sosyal sa
pagkilala sa mga sosyal at istandard na kultura. Makikilala kung sino ang
may mgA sosyal na tungkulin tulad ng ina/ ama, asawa/ bana, estudyante,
kabataan, mga titser, banker, policeman/ military men, custodians at iba pa.
Socialization
ang proseso na nagsisimula pa
pagkaanak ng isang tiser, kapitbahay at iba pang tao sa lipunan na kanyang
nakahalubilo. Ang mga tagapagturo niya ay maaaring walang kamalayan sa
prosesong nangyari ngunit makikitang nagbibigay sila ng reward sa
mabubuti at katanggap-tanggap na ugaling nakikita nila. Natututo ang tao kung paano mamuhay nang mabuti sa pamamagitan pag-abserbe at
pakisalamuha sa kultura at lipunang kanyang kinagisnan.
Ang enculturation at socialization
Ang ibinabahagi ng kultura ay nagbubuklod sa mga tao bilang isang
pagkakakilanlan ng kanilang pangkat. Sa ganitong paraan ay natututo ang
tao para mamuhay nang maunlad at may alam para maipagpatuloy ang
mahusay at matiwasay na pakikisalamuha niya sa kanyang kapuwa.
Shared/ ibinabahagi
Ang kultura ay nag-aakomodeyt ng kapaligirang nagkokondisyon sa isang
tao sa likas o teknolohikal na resorses. Halimbawa, ang mga Eskimo ay
nakatira sa isang napakalamig, may snow at yelong lugar. Sila ay
nabubuhay nang normal sa ganitong kalamigan ng kapaligiran
samantalang ang ganitong sitwasyon ay imposible sa mga Pilipino na
sanay naman sa mainit at katamtamang lamig ng panahon. Ang kulturang
urban ay iba naman a rural dahil din sa resorses na nasa kapaligiran nila.
Ang kultura ng isang depres na lugar ay iba sa kultura ng may
kapangyarihan at mayayamang lugar. Kaya ang isang sanay na sa buhaymayaman ay nahihirapan sa buhay- mahirap at ang isang sanay na sa
buhay- mahirap ay nakikilala talaga kahit pa panuin ang katawan niya ng
maraming alahas.
Culture is adaptation/ naaadap