Wika at Edukasyon Flashcards
Mahigit sa ____ wika ang umiiral sa Pilipinas?
170
Ilan ang pangunahing wika ng Pilipinas?
12
Iloco - Pangasinense - Pampango - Tagalog - Bicol - Kinaray-a - B. Cebu - Waray - Hiligaynon - Maranao - Maguindanao - Tausug
Anong batas ito?
Ito ay kauna-unahang batas na ang Tagalog ang opisyal na wika ng mga Pilipino.
Saligang Batas ng Biak-na-Bato
1897
Anong batas ito?
Ingles bilang wikang panturo sa mga paaralan.
Batas ng Phil. Commission
1901
Anong batas ito?
Gamitin ang katutubong wika bilang panturo sa mga paaralang primarya simula SY 1932 - 1933.
Panukulang Batas 577 na nilagdaan ng Kalihim ng Public Instruction
1931
Anong batas ito?
“Ang Pambansang Kapulungan ay magsasagawa ng mga hakbangin tungo sa paglinang at paggamit ng pambansang wikang batay sa isa sa umiiral na katutubong mga wika. Samantalang hindi pa itinadhana ng batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy na mga wikang opisyal”
Art. 9 Sek 3 ng 1935 Konstitusyon
Anong batas ito?
Pagtatatag ng Surian ng Wikang Pambansa (Komisyon ng Wika).
Batas Kommonwelt Bldg. 184
Nob. 13, 1936
Ano ang tungkulin ng surian sa Batas Komonwelt Blg. 184?
“Pag-aralan at suriin ang mga umiiral na wika sa bansa at pumili ng isang magiging batayan ng Wikang Pambansa”
Anong batas ito?
“Tagalog ang siyang gagawin saligan ng Wikang Pambansa”
Resolyun ng SWP
Nob. 9, 1937
Anong batas ito?
Ipinatupad ni Pang. Quezon ang paggamit ng Tagalog bilang batayan ng pambansang wika.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134
Dis. 30, 1937
Ano ang ipinatupad ni Pang. Quezon noong 1937?
Ang pagpatupad ng paggamit ng Tagalog bilang batayan ng pambansang wika
Anong batas ito?
Pagpalimbag ng Diksyunaryong Tagalog-Ingles at Balarila ng Wikang Pambansa para magamit sa mga paaralan sa buong kapuluan?
Kautusang Tagapagpaganap 263
Abril 1, 1940
Ano ang pinalimbag sa Kautusang Tagapagpaganap 263?
Ang paggamit ng Diksyunaryong Tagalog-Ingles at Balarila sa mga paaralan.
Ano ang nangyari sa Kautusang Pangkagawaran ?
Sinimualng ituro ang Wikang Pambansa sa mga paaralang pampubliko at pribado.
Anong batas ito?
Sinimualng ituro ang Wikang Pambansa sa mga paaralang pambuliko at pribado noong Hunyo 19, 1940.
Kautusang Pangkagawaran
Sino ang lumagda sa Kautusang Pangkagawaran?
Kalihim Jorge Bocobo
Anong batas ito?
Pagtuturo ng kursong Pilipino sa lahat ng nasa ikaapat na taon ng mataas na paaralan at paaralang Normal.
Sirkular Blg. 26
1940
Sino ang lumagda sa Sirkular Blg. 26?
Celedonio Salvador
(Direktor ng Edukasyon)
Anong batas ito?
Nag-uutos na lahat ng pahayagang pampaaralan ay dapat magkaroon ng pitak sa Wikang Pambansa.
Bulitin Blg. 26
1940
Anong batas ito?
Ang Wikang Pambansa ay tatawaging Pilipino.
Kautusang Pagkagawaran Blg. 7
Agosto 13, 1959
Ano ang ginawa sa Kautusang Pagkagawaran Blg. 7 ng Agosto 13, 1959
Ang Wikang Pambansa ay naging Pilipino
Ano ang nangyari sa Resolusyon Blg. 70 ng kilusang Pilipino ng Pambansang Lupon sa Edukasyon?
“Paggamit ng Wikang Pilipino bilang panturo sa lahat ng paaralang elementarya”
“Paggamit ng wikang Pilipino billang panturo sa mga kursong Rizal at Phil.History sa lahat ng kolehiyo at unibersidad pampubliko man o pribado”
Anong batas ito?
Pagluwal ng bilinggwalismo o Patakarang Bilinggwal sa Edukasyong Pilipino.
Resolusyon Blg. 73-7 ng “Pambansang Lupon ng Edukasyon.”
1973
Anong batas ito?
“Nag-uutos ng pagkakaroon ng 6 na yunit ng Filipino sa lahat ng kurso sa tersyarya at 12 yunit sa kursong pang-edukasyon”
Nabanggit din sa kautusang ito na ang Filipino ay gagamiting wikang panturo sa ilan sa mga pandalubhasaang aralin sa pagpasok ng taong - aralan 1982-83
Kautusang Pangministri Blg. 22
by Juan L. Manuel, MECS
Hunyo 21, 1978
Anong batas ito?
“Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito’y dapat payabungin at pagyamanin salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.”
Art 14 Sek.6 ng Saligang Batas
1987
Ilang batas ang nasa lesson natin na binanggit sa Wika at Edukasyon?
16