Week 3 Flashcards
mga pangyayaring likas o gawa ng mga tao na maaaring magdulot ng pinsala sa buhay, ari-arian at kabuhayan ng mga ito na maaaring magbunga ng pagkatigil ng panlipunan at pang-ekonomiyang gawain.
Kalamidad
Pagbabago sa salik ng panahon ng mga bansang malapit sa Pasipiko.
El Nino(Matinding Pag-init) at La Nina (Matinding Pag-Ulan)
Pagiging malapit ng bansa sa rehiyon ng Marianas at Isla ng Caroline, kung saan madalas nabubuo ang sama ng panahon o Low Pressure Area (LPA); at
Madaling nabubuo ang LPA sa mga katubigang may mainit na temperatura.
Bagyo
Dala ng bagyo ang biglaang pagbaha o pagtaas ng lebel ng tubig;
Malakas na ulan dulot ng monsoon winds;
Walang tigil na pagputol ng mga punong-kahoy sa kagubatan; at
Hindi maayos na pagtatapon ng basura sa mga estero na nagpapasikip sa mga daluyan ng tubig; at
Walang maayos na drainage system.
Pagbaha o Flashfloods
Dahil sa pagkakaroon ng fault lines sa ating bansa; at
Ang Pilipinas ay nasa pagitan ng dalawang tectonic plate at Circum-Pacific seismic belt na nasa loob ng subduction zones na tinatawag na Ring of Fire.
Paglindol o Pagyanig
Pagkalbo ng kagubatan, pagmimina at kaingin;
Pagdausdos ng tipak ng bato at putik mula sa matataas na lugar dala ng matinding pag-ulan; at
Pagpapatayo ng mga imprastraktura sa paanan ng bundok.
Landside
Ito ay dala ng malakas na bagyo at paghatak ng gravity mula sa buwan, ayon sa National Hurricane Center ng United States;
Dahil sa malakas na bagyo at hangin, tumataas ang lebel ng tubig sa karagatan na karaniwang humahampas ang tubig sa dalampasigan; at
Kapag patag ang dalampasigan ng isang lugar mas mataas ang tyansang makaranas ng storm surge.
Storm Surge
Dala ng pagyanig o paglindol sa ilalim ng karagatan; at
Ang lindol na umaabot sa magnitude 7 ay maaaring lumikha ng mapanirang tsunami.
Tsunami
Dahil malapit ang Pilipinas sa Ring of Fire.
Pagputok ng Bulkan
Ayon sa PAGASA, nabubuo ang buhawi kapag mataas ang concentration ng Thunderstorm Clouds na nakakagawa ng interaksyon sa ground o lupa. Kaya nabubuo ang hugis embudo na hangin habang umiikot ito.
Buhawi o Tornado
Matinding init na maaaring tumagal ng higit sa dalawang araw; at
Nangyayari kapag mas mataas ang temperatura ng paligid kaysa sa normal na temperatura ng katawan ng tao.
Matinding Init o Heat Wave
Kalamidad
Bagyong Yolanda o Haiyan
Bilang ng mga nasawi
6,300
Petsa
Nobyembre 08, 2013
Nagbibigay ng imporamasyon sa lagay ng panahon; at
Nag-aanunsyo ukol sa nabubuong pagpasok sama ng panahon at kung kailan ito papasok sa ating Philippine Area of Responsibility (PAR).
PAGASA
(Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration)
Nagbibigay impormasyon tungkol sa maaring pagputok ng bulkan at mga pagyanig na dala ng lindol.
PHILVOLCS
(Philippine Volcanology and Seismology )
Ito ang nagbibigay detalye tungkol sa lagay trapiko at mga lugar na maaring gawing evacuation center sa loob ng Maynila.
MMDA
(Metro Manila Development Authority)
Namamahala sa estado ng ating kalikasan at sa mga nanganganib at pagkawala ng mahahalagang likas na yaman; at
Isinusulong nito ang likas-yamang pag-unlad o sustainable development.
DENR
(Department of Environment and Natural Resources)
Naghahatid ng kaalaman sa mga kabataan ukol sa mga kalamidad ng bansa; at
Namamahala sa mga paaralan na maaaring gamitin sa panahon ng kalamidad.
DEPED
(Department of Education)
Namamahala para maiwasan ang maaring matinding epekto ng kalamidad;
Namamahala sa paglikas at pagtulong sa mga taong apektado ng kalamidad;
NDRRMC
(National Disaster Risk Reduction Management Council)
Namumuno sa local na pamahalaan ng ating bansa; at
Tumutulong sa agarang relief opreations
DILG
(Department of Interior and Local Government)
Nangangalaga sa kalusugan ng mga nasalanta sa kalamidad;
Sinisigurado nitong ligtas ang mga tao sa matinding sakit o epidemya; at
Tumutulong ito para makawala sa trauma ang mga biktimang nakaranas ng matinding kalamidad (Hal: Covid19).
DOH
(Department of Health)
Nangangalaga sa kapakanan ng mga batang nawalan ng magulang o mga taong naghahanap sa mga nawawalang mahal sa buhay; at
Nagbibigay tulong pinansyal sa mga naapektuhan ng kalamidad.
DSWD
(Department of Social Welfare and Development)
Tumutulong sa pagsagip sa mga apektado ng kalamidad; at
Sila rin ay nagsasagawa ng paunang relief operation sa mga lugar na apektado ng kalamidad.
PNP at AFP
(Philippine National Police at Arm Forces of the Philippines)
Nagsasaayos ng mga pasilidad sa komunikasyon at transportasyon na nawasak o nasira ng kalamidad.
DOTC
(Department of Transportation and Communication)
Nagsasaayos ng mga daanan upang mapabilis ang rehabilitasyon at serbisyo sa lugar na nasalanta.
DPWH
(Department of Public Works and Highways)
Nagbibigay tulong pinansyal sa mga manggagawang nasalanta ng kalamidad.
SSS at GSIS
(Social Security System at Government Service Insurance System)