Week 1 Flashcards
- Ito ang nagsisilbing pagkakakilanlan sa pahayagan at nakasulat sa kakaibang istilo at laki.
Pangalan ng Pahayagan
Dalawang kahon na kahanay ng pangalan ng pahayagan na maaaring maglaman ng logo ng paaralan, kasabihan, kartun o panimula ng panloob na balita.
Tainga
Pamagat ng pinakatampok na balita at nakalimbag sa malalaking titik.
Ulo ng Pinakamahalagang Balita
Tumutukoy ito sa nilalaman ng ulo ng pinakamahalagang balita.
Pinakamahalagang balita
Pamagat ito ng iba pang balita na iniuulat.
ulo ng balita
Tumutukoy ito sa nilalaman ng ulo ng balita.
balita
Maikling linya na inilagay sa kaliwa o sentrong itaas ng pinakaulo ng balita o ulo ng balita kung saan ito’y nakasulat sa maliit na tipo at kung minsan ay nakasalungguhit.
kicker
Bahagi ito ng ulo ng balita na makikita sa ibabang bahagi ng pamagat na nagsisilbing karugtong na pamagat at nakasulat sa maliit na tipo.
deck/bank
Ito ang pinakaunang bahagi sa nilalaman ng balita at nakapaloob dito ang pinakamahalagang impormasyon na dapat malaman kaagad ng mambabasa. Sumasagot ito sa mga tanong na: Sino? Ano? Bakit? Kailan? Paano?
pamatnubay
Ito ay ang mga imaheng nagsisilbing patunay o ebidensya sa inilalahad na balita.
larawan
Ito ang nagsisilbing kapsyon ng isang larawan batay sa ipinahihiwatig nitong nilalaman.
paliwanag ng larawan/kapsyon
kapag ang kapsyon ay makikita sa ibabang bahagi ng larawan
cutline
kapag ang kapsyon ay makikita sa itaas na bahagi ng larawan
overline
Tumutukoy ito sa pangalan ng sumulat ng balita na makikita sa ibaba ng pamagat.
byline
Tumutukoy naman ito sa pangalan ng sumulat ng balita na makikita sa ibaba ng istorya/balita.
tagline