w8 - panitikan ng pilipinas Flashcards
Ano ang kahalagahan ng panitikan
Ang panitikan ay siyang lakas na nagpakikilos sa alinmang uri ng lipunan. Malaki ang naiaambag ng panitikan sa kultura at kabihasnan ng alinmang bansa. Maaaninag sa ating panitikan ang lalim ng ating kultura at ang malikhaing katalinuhan ng ating lahi.
Ano ang sinabi ni JOEY ARROGANTE tungkol sa panitikan
Ito ay talaan ng buhay sapagkat dito naisisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ng buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang kinabibilangan at pinapangarap.
Ano ang sinabi ni ZEUS SALAZAR tungkol sa panitikan
Ang panitikan ay siyang lakas na magpakikilos sa alinmang uri ng lipunan. Ito ay bunga ng mga diwang mapanlikha, ng diwang naghehele sa misteryo ng mga ulap o ng diwang yumayapos sa palaisipan ng buwan.
Ano ang sinabi ni TERRY EAGLETON tungkol sa panitikan
May iba’t ibang paraan upang bigyang kahulugan ang panitikan. Isa na rito ang “fiction” o likhang isip gamit ang mga malilikhaing salita o talinghaga.
ano ang Panitikang Filipino?
Ito ay pahayag na pasalita o pasulat ng mga damdaming Pilipino hinggil sa pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang pampulitika at pananampalatayang niyakap at inari ng mga Pilipino.
Ano ang dalawang uri ng panitikan?
a. Tuluyan (Prosa)
b. Patula (Poetry)
Ito ay ang malayang pagsasama-sama ng mga salita sa karaniwang takbo ng pangungusap. Ang kwento, anekdota, sanaysay at dula ay ilan lamang sa halimbawa ng tuluyan.
Tuluyan (Prosa)
Ito ay binubuo ng mga salitang may sukat at tugma. Ang sukat ay ang bilang ng pantig ng mga salita (6, 8, 12, 16) sa isang taludtod. Ang tugma ay ang pagkakatulad ng mga tunog sa huling pantig ng mga huling salita sa bawat taludtod ng bawat saknong ng tula. Ang karaniwang halimbawa nito ay liriko, korido, soneto at iba pa.
Patula (Poetry)
ibigay ang mga akdang TULUYAN
- Alamat
- Anekdota
- Nobela
- Pabula
- Parabula
- Maikling Kwento
- Dula
- Sanaysay
- Talambuhay
- Talumpati
- Balita
Ito ay akdang hubad sa katotohanan at kawili-wiling basahin. Ang karaniwang paksa nito ay tungkol sa pinanggalingan ng isang bagay.
ALAMAT
Ang salaysaying ito ay kathang-isip lamang na ang layunin ay magbigay aral sa mga mambabasa.
ANEKDOTA
Ito’y salaysaying mahaba na nahahati sa mga kabanata. Ang mga pangyayari ay hango sa tunay na buhay ng tao.
NOBELA
Mga salaysaying likhang-isip lamang na ang layunin ay hubugin ang magandang pag-uugali at kilos ng mga bata. Tungkol sa mga hayop ang akdang ito.
PABULA
Ito’y mga pahayag na hinango mula sa Bibliya. Ito’y nagbibigay aral sa mga tagapakinig o mambabasa.
PARABULA
Ito’y salaysay na may ilang tauhan at isang pangyayari sa kasukdulan.
MAIKLING KWENTO
Ito’y nahahati sa ilang yugto na ang bawat yugto ay maraming tagpo. Ito’y ginagawa sa ibabaw ng entablado o tanghalan.
DULA