W1 - Pagtataguyod ng Wikang Pambansa at Pagproseso ng Impormasyon para sa Komunikasyon Flashcards
Ayon sa kanya “ang wika ay isang larawang binibigkas at isinusulat. Isang kahulugan, taguan, imbakan o deposito ng kaalaman ng isang bansa.”
San Buenaventura
Anong kautusang tagapagpaganap ang binabanggit?
Ang kautusang ito ay nag-aatas sa pagtuturo ng wikang Tagalog sa lahat ng mga paaralan maging sa mga kolehiyo at unibersidad
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 10
Nakasaad sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. _ ang pagsasa-Filipino ng pangalan ng gusali at mga tanggapan, pamahalaan, letterheads at panunumpa
Kautusang Tagapagpaganap Blg.96
Anong artikulo at seksyon ng saligang batas ang binabanggit?
Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
SB 1987, Artikulo XIV, Seksyon 7
Ilang pangunahing katutubong wika ang mayroon tayo?
8: Ilocano, Tagalog, Bikolano, Hiligaynon, Cebuano, Bisaya, Tausug, Waray
Anong artikulo at seksyon ng saligang batas ang binabanggit?
Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.
Artikulo 14 Seksiyon 3
Kailan itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa?
Noong 1936
Sino ang nagsagawa ng pag-aaral at pumili sa Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa?
Jaime De Veyra
Anong Kautusang Tagapagpaganap ang binabanggit?
Ipinalabas ni Pangulong Quezon na Tagalog ang batayan ng wikang gagamitin sa pagbubuo ng wikang pambansa
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134
Ito ay isang alyansang nabuo upang labanan ang pagnanais ng Commission on Higher Education (CHED) na paslangin ang mga asignaturang Filipino, Panitikan at Philippine Government and Constitution subjects sa kolehiyo
Tanggol Wika
Kailan nabuo ang Tanggol Wika?
Hunyo 21, 2014
Sino ang Pambansang Alagad ng Sining na naging dahilan ng pagkakabuo ng Tanggol Wika?
Dr. Bienvenido Lumbera
CMO No. Series
Ito ay naglalayong alisin ang pag-aaral ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo at ilipat ito sa mas mababang antas
CHED Memorandum Order (CMO) No.20, Series of 2013
CMO No. Series Section
Ito ay nagsasabing opsiyonal na lamang ang Filipino bilang midyum ng pagtuturo
CMO No. 20 Series of 2013
Ano ang tinutukoy ng mga sumusunod?
- Pinahihinto nito ang pagtatanggal ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo
- Binibigyan nito ng sampung araw ang CHED at Malacanang upang magbigay ng pahayag
ukol sa pagtatanggal ng Filipino sa kolehiyo - Hindi maaaring magplano ang mga unibersidad nang hindi isinasama ang Filipino at Panitikan sa kurikulum
- Epektibo ito hanggang sa maglabas ng bagong pasya ang Korte Suprema
Temporary Restraining Order (TRO)
Ito ay naglalayong itaguyod ang panunumbalik ng asignaturang Philippine History sa hayskul
Tanggol Kasaysayan
CMO No. Series
Alinsunod dito, ngayon ay may Filipino at Panitikan pa rin sa kolehiyo
CMO No.4 Series of 2018
Isa itong sanaysay na naglalahad ng opinyon na naninindigan hinggil sa isang mahalagang isyu patungkol sa batas, akademiya, politika, at iba pang mga larangan.
Posisyong papel
Bakit Tagalog ang ginawang batayan ng Wikang Pambansa?
Dahil mas madaming panitikan ang nakalimbag dito
CMO No. Series
Ayon dito mandatory ang Filipino bilang wikang panturo
CMO No. 59, Series of 1996