uri ng tula br Flashcards
SA URING ITO NG TULA AY ITINATAMPOK NG MAKATA ANG KANYANG SAIRLING DAMDAMINAT MAGING ANG KANYANG PAGBUBULAY BULAY
TULANG LIRIKO O PANDAMDAMIN
ITO AY TUNGKOL SA PAG-IBIG NA KALIMITANG GINAGAMIT SA PAGPAPAHAYAG NG PAG-IBIG NG MGA BINATA SA SINUSUYO NILANG DALAGA
ANG AWIT DALITSUYO
LAYUNIN NITO AY MAGLARAWAN NG TUNAY NA BUHAY SA BUKID
PASTORAL O DALITBUKID
ITO AY ISANG URI NG TULANG LIRIKONG MA KAISIPAN AT ESTILONG HIGIT NA DAKILA AT MARANGAL
ANG ODA O DALITPURI
ITO AY ISANG MAIKLING AWIT NA PUMUPURI SA DIYOS
Dalit o Dalitsamba
ITO AY TULANG MAY LABING APAT NA TALUDTOD. ITO DIN AY NAGBIBIGAY NG ARAL SA MAMBABASA
SONETO (DALITWARI)
ANG TULANG ITO AY MAY DALAWANG PAGKAKAKILANLAN. ITO AY ISANG TULA NG PANANAGIS
ELEHIYA O DALITLUMBAY
ANG TULANG ITO AY NAGLALAHAD NG MGA TAGPO O PANGYAYARI SA PAMAMAGITAN NG MGA TALUDTOD
TULANG PASALAYSAY
ITO AY PINAKAMATAYOG AT PINAKAMARANGAL NA URI NG TULANG SALAYSAY NA ANG MGA PANGYAYARI AT KAWILIHAN AY NAPIPISAN SA PAGBUBUNYI SA ISANG BAYANI SA ISANG ALAMAT
EPIKO
Ito ay tulang pasalaysay na mahirap makilala ang kaibahan sa epiko
METRICAL ROMANCE O TULASINTA
Ang tula kanta ay isang tulang pasalaysay na naging payak
RHYMED OR METRICAL TALE (TULAKANTA)
Ito ay isang awit na sinasaliwan ng sayaw ngunit kalaunan ay kilala ito bilang isang tulang pangkasaysayan na nakasulat sa mga taludtod na may nawawala o nawawalang pantig at sa simpleng paraan.
ballad o tulagunam
Ito ay mga tulang isinasadula sa mga entablado o iba pang tanghalan
tulang dula
Isang tao lamang ang nagsasalita mula sa simula hanggang sa katapusan ng dula at hindi lamang para sa kanyang sarili kundi gayundin para sa mga kalagayan at himig at sa lahat ng mga natutukoy sa tula
tulang dulang mag isang salaysay O dramatic monologue
kadaya nito ang kawilihan sa mga kalagayan kilos at damdaming ipinahahayag sa pamamagitan ng mga salita ng taong kinauukulan
tulang dulang liriko dramatiko
Ito ay nasusulat sa pamamaraan at paksang diwang kapwa katawa katawa may mga tauhang ang papel na ginagampanan ay naglilibang at pagtataglay ito ng isang masayang pagtatapos
tulang dulang katatawanan (dramatic comedy)
Tumatalakay ito sa pakikipagtunggali at pagkasawi ng isang pangunahing tauhan laban sa isang lakas na higit na makapangyarihan tulad ng tadhana
tulang dulang kalunos-lunos (dramatic tragedy in poetry)
Ito ay isang anyo ng dulang patula na naglalarawan ng galaw na lubhang na damdamin at nagtataglay ng nakakasinsindak na pangyayaring higit sa karaniwang mga karanasan ng isang normal na tao
tulang dulang madamdamin (melodrama in poetry)
Ito ay naglalarawan ng isang kalagayang katawa-tawa at kalunos-lunos
tulang dulang katawa-tawang-kalunos-lunos
Ito ay isa pa ring anyo ng tulang dula na ang itinatanghal ay mga pangyayaring lubhang katuwa-tuwa
tulang-dulang parsa
Ito ay tulang sagutan na itinatanghal ng magkakatunggaling makata ngunit hindi sa paraang padula
tulang patnigan (justify poetry)
Isang paligsahan sa tula na kalimitang nilalaro sa mga luksang lamayan o pagtitipong parangal sa isang yumao
karagatan
Ito ay pagtatalo rin na ginagamitan ng tula at kahusayan sa pagbigkas
duplo
Ang _ ay isang uri ng pagtimpalak o paligsahan ng talino sa pagtula na kung saan ay isa sa mga tanyag at kinikilalang tradisyonal na anyo ng panitikang pilipino
balagtasan
Ang _ ay isang uri ng tulang patnigan na hinango sa balagtasan
batutian
Isinasagawa ang - sa mga lamayan upang libangin ang mga tao naglalaman nito ng katatawanan ngunit may kasama ring katotohanan
batutian