Uri ng tayutay Flashcards
di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa.
Pagtutuad (simile)
isang tuwirang paghahambing na ang dalawang bagay na pinagtutulad ay ipinapalagay nang iisa o nagkakaisa at ipinahahayag ito sa pamamagitan ng paglalapat ng pangalan, tawag, katangian, o gawain ngisang bagay sa bagay na inihahambing.
Pagwawangis (Metaphor)
Ito ay paglalapat o pagbibigay ng kilos, talino o kaisipan sa mga bagay na walang buhay upang mabuhay.
Pagtatao (Personification)
Ito ay ginagamit upang tanggapin o di-tanggapin ang isang bagay. Ang pagpapahayag na ito’y hindi naghihintay ng sagot.
Tanong Retorikal (Rhetorical Question)
ito ay lagpas-lagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.
Pagmamalabis (Hyperbole) (Exaggerated)
Ito ay panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.
Pagtatawag (Apostrope)
Ito ay gumagamit ng kaugnay sa tunog o himig ng mga salita upang ipahiwatig ang kahulugan.
Paghihimig (Onomapeya)
Ito’y nangangahulugan ng pag-hahamak,pagtutuya at pag-kukutya sa kapuwa, ang pagsasabi ng mga salita sa isang tao na masasakit nasalita sapagkat iniinsulto mo ang kanyang pagkatao.
Pag-uyam (Irony)