Uri ng Pang-abay Flashcards
1
Q
sumasagot sa tanong na paano naganap, nagaganap, o magaganap ang pandiwa sa pangungusap.
A
Pamaraan
Minasdan naming mabuti ang magandang tanawin.
2
Q
sumasagot sa tanong na saan naganap, nagaganap, o magaganap ang pandiwa sa pangungusap.
A
Panlunan
Namasyal ang pamilya sa Batanes
3
Q
sumasagot sa tanong na kailan naganap, nagaganap. o magaganap ang pandiwa sa pangungusap
A
Pamanahon
Namasyal kami mula umaga hanggang hapon.
4
Q
tawag sa mga katagang karaniwang kasunod ng unang salita sa pangungusap tulad ng man, kasi, sana, nga, yata, ba, pa, pala, tuloy, naman, na, muna, nang, daw/raw, lamang/lang, din/rin
A
Ingklitik
Maganda nga at kahanga-hanga ang Batanes.