UPCOMING AP Exam - Ang Heograpiya ng Timog Silangang Asya Flashcards
Ito ay ang agham na nag-aaral ng mga katangiang pisikal ng daigdig at ang koneksyon nito sa mga tao at kapaligiran.
Heograpiya
Ito ay pinag-aaralan ang istruktura ng kapaligiran kabilang ang klima, anyong lupa, at iba pang natural na disenyo at hugis.
Pisikal na Heograpiya
Ito ay pinag-aaralan ang epekto ng pag-uugali ng tao sa kapaligiran.
Heograpiyang Pantao
Ito ay tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupa sa daigdig.
Kontinente
Ito ay ang mga dalawang bahagi ng Timog Silangang Asya
Pang Kontinenteng Timog-Silangang Asya
(Mainland Southeast Asia)
Pangkapuluang Timog Silangang Asya
(Insular Southeast Asia)
Isang malawak na sona kung saan madalas nagaganap ang paggalaw ng lupa at pagputok ng mga bulkan.
Pacific Ring of Fire
Pinakamataas na uri ng anyong lupa na nakaalsa sa ibabaw ng lupa.
Bundok
Isang anyong lupa na nakaalsa sa ibabaw ng lupa at mayroong butas o bunganga sa tuktok.
Bulkan
Ito ay tulad ng bundok ngunit ang taas ay mas mababa kompara sa bundok.
Burol
Ito ay isang mababang lugar na kadalasang matatagpuan sa gitna ng dalawang bundok.
Lambak
Ito ay grupo o pagsasama-sama ng mga kabundukan na may ibat ibang elebasyon o taas.
Bulubundukin
Isang uri ng bundok na patag ang tuktok.
Talampas
Ay karaniwang mainit at tuyong kapatagan na hindi sagana sa yamang pang-agrikultura.
Desyerto
Ito ay malawak na lupaing patag na sagana yamang pang-agrikultura
Kapatagan
Ito ay isang uri ng lupain na pinalilibutan ng tubig
Isla