Unit 4 Flashcards
Ano ang tawag sa palarawang sanaysay sa Ingles?
Picto-essay, picture essay, o photo essay
Ang palarawang sanaysay ay kilala sa Ingles bilang picto-essay, picture essay, o photo essay.
Ano ang gamit ng mga larawan sa palarawang sanaysay?
Gumagamit ng mga larawan sa paglalahad ng isang paksa o kaya naman ay naglalahad sa mga pangyayaring magkakasunod na naganap
Ito ay isang uri ng akademikong sulatin na gumagamit ng mga larawan sa paglalahad ng isang paksa o kaya naman ay naglalahad sa mga pangyayaring magkakasunod na naganap.
Anyo ng Palarawang Sanaysay
Ang palarawang sanaysay ay nakabatay sa nakuhang larawan, ito ay maaaring isulat sa
paraang pasalaysay at palarawan o maaaring naaayon sa tema ng imahen.
Ang sanaysay ay isang sulatin na kadalasang naglalaman ng mga
pananaw, kuro-kuro, o damdamin ng manunulat tungkol sa isang
paksa.

Uri ng Sanaysay
● Pormal na Sanaysay - Seryoso ang tono ng ganitong uri ng sanaysay, ito rin ay nangangailangan ng masusing pananaliksik tungkol sa paksa.
● Di-Pormal na Sanaysay - Katulad sa pakikipag-usap sa isang kaibigan ang tono ng sanaysay na ito, sapagkat ang paksa ay tumatalakay sa personal na karanasan. Naglalahad din ito ng kasiya-siya o mapang-aliw na mga detalye para sa mga
mambabasa.

Bahagi ng Sanaysay
1. Simula/Panimula - Ito ang pinakamahalagang bahagi ng sanaysay sapagkat ito ang
magiging daan upang makuha ang atensyon ng mga mambabasa. Kinakailangan sa
bahaging ito na maipakilala ang paksa at ang layunin ng paglalahad.
2. Gitna/Katawan - Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga sumusuportang detalye
tungkol sa paksa. Inaasahang sa bahaging ito, naipaliliwanag nang mabuti ang paksa
at natatalakay ang mahahalagang impormasyong kaugnay nito.
3. Wakas - Naglalaman ito ng kabuoang kongklusyon tungkol sa mga detalyeng
inilahad sa katawan ng sanaysay at nagbibigay-hamon sa mga mambabasa kaugnay
sa pagsasakatuparan o pagsang-ayon sa paksa.
- Simula/Panimula - Ito ang pinakamahalagang bahagi ng sanaysay sapagkat ito ang
magiging daan upang makuha ang atensyon ng mga mambabasa. Kinakailangan sa bahaging ito na maipakilala ang paksa at ang layunin ng paglalahad. - Gitna/Katawan - Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga sumusuportang detalye
tungkol sa paksa. Inaasahang sa bahaging ito, naipaliliwanag nang mabuti ang paksa at natatalakay ang mahahalagang impormasyong kaugnay nito. - Wakas - Naglalaman ito ng kabuoang kongklusyon tungkol sa mga detalyeng inilahad sa katawan ng sanaysay at nagbibigay-hamon sa mga mambabasa kaugnay sa pagsasakatuparan o pagsang-ayon sa paksa.
Ang lakbay sanaysay o travel essay ay pagbabahagi ng mga karanasan sa isang
paglalakbay. Isinasalaysay rito hindi lamang ang kagandahan ng lugar na pinuntahan
ngunit maging ang mga natuklasang kaalaman, kultura, kaugalian, at tradisyon ng mga
tao sa lugar.
● Tandaan na sa lakbay sanaysay, ang mga naranasan ng isang manunulat na
manlalakbay ay dapat ding maiparanas sa mambabasa sa pamamagitan ng mahusay
na paglalarawan sa mga ito.
● Ang uri at bahagi ng lakbay sanaysay ay katulad ng tradisyonal na sanaysay. Kabilang
sa uri nito ay ang pormal at di-pormal, samantalang ang bahagi ay ang panimula, gitna,
at wakas.
● Ang isang manunulat na naglalakbay ay may layuning makapagbahagi ng mga
kaalaman kaugnay ng lugar na kaniyang napuntahan at mga karanasang natamo mula
rito.

Maraming halimbawa ng akademikong sulatin. Ang mga kaalaman at kasanayan kaugnay sa
pagbuo ng akademikong sulatin ay makatutulong sa paglikha ng mga sulating angkop sa
tiyak nitong gamit (Villanueva at Bandril, 2016). Isa sa mga uri nito ay ang abstrak.

Ang abstrak ay maikling lagom ng isang pananaliksik, tesis, rebyu, daloy ng kumperensiya,
o anumang may lalim na pagsusuri ng isang paksa o disiplina. Sa madalas na pagkakataon
ay tinutulungan nito ang mga mababasa na madaling matukoy ang layunin ng pag-aaral. Ito
ay matatagpuan sa unang bahagi ng manuskrito

Katangian ng Abstrak
Ayon kina Villanueva at Bandril (2016), ang sulating abstrak ay nagtataglay ng sumusunod
na katangian:
● Ang haba ng abstrak ay nagbabago ayon sa disiplina at kahingian ng palimbagan.
Karaniwan na ang haba ay mula 100 hanggang 500 salita pero bihirang humigit sa
isang pahina at may pagkakataong ilan lamang ang pananalita.
● Gumagamit ito ng wikang nauunawaan ng lahat bilang pagtugon sa lawak ng target
na mambabasa.
● Naglalaman ito ng apat na mahalagang elemento sa natapos na gawain:
○ ang tuon ng pananaliksik;
○ ang metodolohiya ng pananaliksik;
○ ang resulta o kinalabasan ng pananaliksik; at
○ ang pangunahing kongklusyon at mga rekomendasyon.
● Naglilista ng mahahalagang konsepto o key terms upang magsilbing gabay ng
mambabasa sa mabilis na pag-unawa sa nilalaman ng isang pag-aaral.
● Ang abstrak ay madalas na lohikal ang pagkakaayos at may kaugnayan sa kaligiran,
introduksiyon, layunin, metodolohiya, resulta, at kongklusyon. Tinatawag din itong
nirestrukturang abstrak.
● Ang mga abstrak naman na binubuo ng isang talata na hindi gumagamit ng mga
kaugnay na paksa ay tinatawag na di-nirestrukturang abstrak.

Ang abstrak ay isang maikling lagom na madalas ginagamit sa halip na basahin
kaagad ang kabuuan upang mapadali ang pagtukoy sa layunin ng isang papel. Ito
ay madalas na matatagpuan sa unahan ng saliksik.
● Ito ay may tiyak na haba na nagbabago ayon sa disiplina o larangan at kahingian
ng palimbagan.
● Ang pagsulat ng abstrak ay kabahagi sa paglinang ng kasanayan sa pagsulat at
pag-iisip. Samakatwid, mahalagang nakasandig ang manunulat sa nilalaman ng papel
na paglalaanan ng abstrak.

Pamimili. Ito ay nagsisilbing gabay ng mambabasa upang mapadali ang kaniyang
paghahanap ng kinakailangang datos mula sa isang sinaliksik na papel. Ito rin ay
nagiging pamantayan ng pagpapasya ng mambabasa sa kagustuhang mabasa ang
kabuuan ng papel.
● Kakayahang Magsuri. Una, natututo ang mga mananaliksik na maging maingat sa
pagkuha ng impormasyon para sa lagom. Iniiwasan ng isang mananaliksik ang
maging maligoy sa paglalahad ng kaniyang paksang sinasaliksik. Ikalawa, nagiging
mapanuri ang mga mambabasa sa nilalaman ng pinal na papel.

● Indexing. Sa kasalukuyan, karamihan sa akademikong journal ay gumagamit na ng
database na nagiging batayan ang nilalaman ng abstrak upang mabilis na mahanap
sa archives ang kailangang papel. Nakatutulong din dito ang mga susing salitang
inilalagay sa ibaba o sa pagtatapos ng abstrak.
● Pangangailangang Akademiko. Madalas, ito ay nagiging akademikong
pangangailangan sa pagsuri at pagsulat ng mga pamanahong papel, tesis, at
disertasyon. Tumutulong ito sa mabilis na paglalahad ng kaluluwa ng pinal na papel.
● Publikasyon. Ang pagsulat ng abstrak ay nagsisilbing kasangkapan ng mga
propesyonal sa iba’t ibang larang upang mapaunlad ang kasanayan at karanasang
pampananaliksik. Nagsisilbing pangunahing pangangailangan ang abstrak na
natapos na o ang kasalukuyang pag-aaral upang ilahad ito sa mga kumperensiya at/o
forum, mailathala sa iba’t ibang research journals, o para sa research grants.

Ang akademikong pagsulat ay isang anyo ng pagsulat na nangangailangan ng mataas na
antas ng kasanayang akademiko. Pangunahing layunin nito ang makapagbigay ng tamang
impormasyon.

Ang kasanayan sa kritikal na pagbabasa ay isa ring
pangangailangan para makabuo ng isang mahusay na sulating
pang-akademiko.

Pormal
Kagaya ng nabanggit, ang mga sulating pang-akademiko ay kailangang pormal. Makikita ito
sa mga salitang ginagamit at pagkakabuo ng mga pangungusap. Kailangang maingat na
pinipili ang mga salitang gagamitin. Hindi maaaring gumamit ng mga impormal na salita
kagaya ng balbal o kolokyal, maliban kung ang paksa ng sulating pang-akademiko ay
tungkol sa mga salitang impormal.
Pormal
Katangian ng Akademikong Pagsulat
Lahat ng uri ng sulatin ay may kani-kaniyang kakanyahan, sapagkat ang mga katangiang ito ang magpapakilala sa uri ng sulating kinabibilangan. Ang mga sulating pang-akademiko ay may iba’t ibang katangian na ikinaiba nito sa isa’t isa, ngunit mayroon itong parehong katangian na nararapat tandaan ng isang manunulat. Narito ang sumusunod:
Malinaw -
Ang organisadong pagtatahi ng mga ideya ay kailangang taglay ng sulating pang-akademiko, nang sa gayon ay maging malinaw ang nilalaman nito. Makatutulong sa pagiging malinaw ng nilalaman nito kung hindi magiging maligoy ang paraan ng paglalahad ng mga ideya.
Tiyak -
Mahalagang batid ng manunulat kung ano ang tunguhin ng kaniyang isinusulat. Ang tunguhin ang magbibigay ng katiyakan kung para saan ang isinusulat na sulating
pang-akademiko. Mahalaga ang katangiang ito lalo na sa mga pananaliksik kung saan bumubuo ng mga tanong na nagsisilbing gabay sa tunguhin ng isinasagawang pag-aaral.
May Paninindigan -
Mababakas ang kredibilidad ng manunulat sa kaniya mismong isinulat. Magagawang
panindigan ng manunulat ang kaniyang mga isinulat kung sapat ang kaniyang impormasyon
at datos na pinaninindigan sa paraang mahusay na pangangatwiran. Ang kailangan ay hitik sa katotohanan (facts) ang nilalaman ng sulatin. Kadalasan, ang pagkakaroon ng mga parenthetical citations ay nakadaragdag ng kredibilidad at paninindigan ng manunulat dahil ito ay may pinagbatayan at hindi lamang mula sa kaniyang sariling opinyon.
May Pananagutan -
Kagaya ng nabanggit, mahalagang pahalagahan at kilalanin ang may-akda ng tekstong
pinaghanguan o pinagbatayan ng isinusulat na sulating pang-akademiko upang maiwasan
ang anumang isyung kaugnay ng plagiarism. Pananagutan ng manunulat na ipabatid sa mga
mambabasa kung saan niya hinango at ibinatay ang kaniyang mga isinulat.
Katangian ng Palarawang Sanaysay
• Nagpapahayag ito ng damdamin at kaisipan sa pamamagitan ng mga larawan.
• Ang mga larawan ang pangunahing nagkukuwento.
• Mahusay ang paggamit ng wika ng imahen
at wika ng teksto.

Mga Gumagamit ng Palarawang Sanaysay
• Manunulat
• Guro
• Doktor
• Mananaliksik
• Bloggerat nagsusulat sa Social Media
Mga Gumagamit ng Palarawang Sanaysay
• Manunulat
• Guro
• Doktor
• Mananaliksik
• Bloggerat nagsusulat sa Social Media
Mga Bahagi ng Palarawang Sanaysay
- Paksa
- Pamagat Pangalan ng awtor at kumuha ng mga larawan
- Larawan
- Kapsyon

Mga Hakbang sa Pagsulat Ayon sa Anyo
• Pasalaysay
• Magsaliksik ng isang kuwento at salaysayin
• Bigyang-pansin ang sekwensiyal na ayos
• Pumili ng mga larawang tumutukoy sa nilalaman
• Siguraduhin ang kaisahan at kaugnayan

• Ayon sa Tema
• Pumili ng paksang nais
• Magsaliksik tungkol sa paksa
• Magsulat ng sanaysay batay sa mga sinaliksik
• Mag-isip ng isang larawan
• Panatilihin ang kaugnayan ng larawan at ng teksto

Pangkalahatang Hakbang sa Pagsulat
• Unawain ang layunin at kahalagahan ng gawain.
• Maghanap ng paksa na ayon sa iyong interes at sa kalakaran (trend).
• Magsagawa ng pananaliksik hinggil sa paksang napili.

• Lumikha ng listahan ng mga larawang nais gamitin sa sanaysay.
• Gamitin ang damdaming nakapaloob sa larawan.
• Hanapin ang mga larawang nagpapakita ng tunay na kuwento upang mas madaling lagyan ng sanaysay.

Mga Teknik sa Pagsulat
• Kilalanin kung sino ang mambabasa
• Malinaw ang mga larawang gagamitin
• Nagadepende sa manunulat ang haba
• May kaisahan ang larawan at sanaysay
Mga Teknik sa Pagsulat
• Kilalanin kung sino ang mambabasa
• Malinaw ang mga larawang gagamitin
• Nagadepende sa manunulat ang haba
• May kaisahan ang larawan at sanaysay
Sanaysay
Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ang sanaysay ay “ang salaysay ng isang sanay.”

Lakbay Sanaysay
Tinatawag itong travel essay sa Ingles. Tinawag din itong sanaylakbay ni Nonon Carandang na binubuo ng tatlong konsepto: ang sanaysay, sanay at lakbay.

Mga Halimbawa ng Lakbay Sanaysay
- travel blog
- travel show
- travel guide
Uri ng Sanaysay
- Pormal na Sanaysay Di-Pormal na Sanaysay
Bahagi ng Sanaysay
- Simula/Panimula Gitna/ Katawan Wakas
Kahalagahan ng Pagsulat ng Lakbay Sanaysay
Manunulat
• Naibabahagi ang mga karanasan
• Nagkakaroon ng karagdagang kaalaman
• Nasusukat ang pagiging malikhain
• Nalilinang pa ang kakayahan sa pagsulat
• Napalalawak ang karanasan at kaalaman
Lugar na itinampok
• Nakikilala ang kagandahan ng lugar
• Nakikilala ang mga kakaibang bagay sa lugar
• Napahahalagahan ang ganda ng kalikasan
• Nagbibigay-daan upang magbukas ang industriya ng turismo
Mga tao mula sa lugar na itinampok
• Naipakilala ang kultura, tradisyon, at paniniwala ng mga tao
• Nagbibigay ng magandang oportunidad
• Nabibigyang-pansin ang pagmamahal ng mga taong nakatira sa lugar
Sa mga mambabasa
• Nagkakaroon ng karagdagang kaalaman
• Nabibigyang-pagpapahalaga ang lugar, tao, at kultura
• Nagiging gabay ito ng mga manlalakbay
• Napalalawak ang imahinasyon
• Nauunawaan ang kahalagahan ng pagbibigay- galang sa kalikasan
Katangian ng isang Mahusay na Manunulat
- Mahilig maglakbay
- Mahusay makisama
- Mapagmasid at mausisa
- Malikhain ang imahinasyon
- Detalyado at organisado
- Matiyaga
- Mahusay sa pagkuha ng larawan
- May malawak na karanasan
- Mahusay sa pagsulat
- May layuning nais makamit
Hakbangin sa Pagsulat ng Lakbay Sanaysay
• Magsaliksik kaugnay sa lugar na pupuntahan.
• Alamin ang layunin ng paglalakbay at pagsulat.
• Magtala ng mahahalagang impormasyon habang naglalakbay.
• Kumuha naglalakbay. ng mga larawan habang
• Suriin ang mga detalyeng nakuha mula sa paglalakbay.
• Bumuo ng balangkas ng mga nakalap na impormasyon mula sa hanggang sa paglalakbay. pananaliksik
• Isulat ang lakbay sanaysay.