Tungo Sa Mabisang Komunikasyon (Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, at Multilingguwalismo) Flashcards
ito ang tawag sa pagpapatupad ng IISANG WIKA sa isang bansa
Monolingguwalismo
alayang paggamit ng DALAWANG WIKA sa pagtuturo at pakikipagtalastasan
Bilingguwalismo
anong taon noong nung ang bilingguwal na sistema ng edukasyon ay nagsimula sa Unibersidad ng Pilipinas
extra:
ang patakarang bilingguwal ng UP ang NAGING BATAYAN ng isang pambansang patakaran sa wikang panturo sa Pilipinas
1966
ANONG TAON inilabas noon ng Department of Education, Culture, and Sports (ngayon ay Department of Education o DepEd) ang polisiya sa bilingguwal na edukasyon.
1974
ano ang dating pangalan ng DepEd o Department of Education?
Department of Education, Culture, and Sports
ano ang layunin ng DepEd?
Mapahusay ang pagkatuto at makamit ang may kalidad na edukasyon
ANONG TAON isinama sa kurikulum ng kolehiyo o tersiyarya ang pagtuturo ng Ingles at Pilipino.
1975
SAAN nakasaad isinama sa kurikulum ng kolehiyo o tersiyarya ang pagtuturo ng Ingles at Pilipino?
(hint: kautusang pangkagawaran blg. at series.)
Kautusang Pangkagawaran Blg. 50, s. 1975
ANONG TAON isinaad sa Pambansang Konstitusyon ng [19xx] ang tungkulin na manguna at mapag-ibayo ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wikang panturo sa bansa
1987
ANONG TAON inilabas ng Commision on Higher Education o CHED ang Binagong Kurikulum sa Pangkalahatang Edukasyon na ipinatupad noong 1997-1998.
1996
ano ang meaning ng CHED?
Commision on Higher Education
saan nakasaad ang binagong kurikulum sa pangkalahatang edukasyon na ipinatupad noong 1997-1998?
(hint: kautusang memorandum blg.)
Kautusang Memorandum Blg. 59.
ano ang (4) layunin o nakasaad sa Bilingguwalismo?
MAPALAGANAP ang Pilipino bilang wika ng literacy
MAPAUNLAD ang Pilipino bilang simbolo ng pambansang pagkakakilanlan at pagkakaisa
MAPAYABONG ang Pilipino bilang wika sa mga diskursong pang-iskolar tungo sa intelektuwalisasyon ng wikang pambansa
MAPANATILI ang Ingles bilang internasyonal na wika at hindi ekslusibong wika para sa agham at teknolohiya
tawag sa sitwasyon kung kailan HIGIT SA DALAWANG WIKA ang ginagamit ng tagapagsalita sa pakikipagtalastasan, pagtuturo, at pag-aaral.
Multilingguwalismo
batay sa mga pag-aaral, nagiging multilingguwal ang isang dahil sa?
ekonomiya, migrasyon, modernisasyon, edukasyon, politikal na dahilan, at pananakop.
sa ilalim ng patakarang multilingguwal, magsisimula ang pag-aaral sa paggamit ng unang wika o?
mother tongue
inilbas noong 1999, sinuportahan nito ang pananaw na tanging multilingguwal na edukasyon ang makatutugon sa pangangailangan ng pakikilahok sa global at pambansang antas, at sa partikular na pangangailan ng mga natatanging kultural at mga linggwistikong komunidad.
Sa General Conference Resolution 12 ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO)
ANONG TAON naglabas ng opisyal na pahayag ang UNESCO na humihikayat sa mas malawak at mas maigting na komitment sa multilingguwalismo at lingguwistikong pagkakaiba-iba, gayundin ang proteksyion sa mga nanganganib nang mawalang wika.
2003
tawag sa wikang unang natutuhang gamitin ng isang tao magmula sa kaniyang pagkabata
Unang wika
isa sa mga pagbabagong hatid ng bagong kurikulum na kilala sa tawag na K-12 program ay ang?
Mother Tongue-Based Multilingual Education
ang pag-aaral tungkol sa unang wika ay sinimulan sa pamamagitan ng?
Lubuagan Experiment
sino-sino ang tatlong (3) mga expert sa Lubuagan Experiment?
Steve Walter, Diane Dekker, at Norma Danguiang
higit na mabilis matutong magbasa ang mga bata gamit ang kanilang?
unang wika
mas mabilis ding matutuong magsalita, magbasa, at magsulat sa?
pangalawa at pangatlong wika