tula + tulang liriko Flashcards
Ito ay ang tawag sa isang akdang pampanitikang may matatalinghagang pagpapahayag ng isipan at damdamin. Mababasa sa mga tula ang mga kaisipang naglalarawan ng kagandahan, kariktan, at kadakilaan.
Maitutulad sa isang awit ang -. Nagsisilbi rin itong pagpapagunita sa dapat na kaasalan ng mga bata at kabataan. At naglalayong maipahayag ang karanasan, damdamin, pananaw, kabayanihan, at ang maigting na pagmamahal sa sariling bansa
Hanggang sa kasalukuyan, ang pagsulat at pagbigkas ng - ay nananatiling tulay ng kaalaman mula sa kasaysayan ng kahapon patungo sa kasalukuyan.
Tula
Ano ang apat na pangkalahatang uri ng tula?
- Tulang Liriko o Pandamdamin
- Tulang Pasalaysay
- Tulang Padula
- Tulang Patnigan
Ito ay ang tula ng damdaming nagpapakita ng matinding emosyon ng tao o puno ng masisidhing damdamin tulad ng pag-ibig, kalungkutan, kaligayahan, tagumpayan at iba pa. Maikli at payak ang uring ito ng tula.
Tulang Liriko
Ang tulang ito ay may labing-apat (14) na taludtod hinggil sa damdamin, kaisipan at pananaw sa buhay ng tao. Naghahatid ng aral sa mambabasa
Soneto
Hindi lamang tungkol sa buhay ng isang pastol at pagpapastol. Ang tulang ito ay pumapaksa at naglalarawan ito ng simpleng paraan ng pamumuhay, pag-ibig, at iba pa.
Halimbawa: Halika sa Bukirin ni Milagros B. Macaraig Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
Pastoral
Ito ay tula ng pamamanglaw dahil sa pumapaksa ito sa kalungkutan, kamatayan at iba pa.
Halimbawa: Ang pamana ni Jose Corazon de Jesus Elehiya para kay Ram ni Patrocinio V. Villafuerte
Elehiya
Ang tulang ito ay nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy o lba pang uri ng damdamin. Karaniwang tungkol sa papuri tungkol sa mga nagawa ng dakilang tao, bansa o anomang bagay na maaaring papurihan.
Halimbawa: Tumangis si Raquel Manggagawa ni Jose Corazon de Jesus
Oda
Karaniwang pinapaksa ng tulang ito ay pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot at kaligayahan.
Tinatawag din itong kundiman na ayon kay Jose
Villa Panganiban ito ay awit tungkol sa pag-ibig.
Halimbawa: May Isang Pangarap ni Teodoro Gener Sa Dalampasigan ni Teodoro Agoncillo
Awit
Ito ay katutubong tula na may apat (4) na taludtod sa bawat saknong at may sakut na wawaluhin.
Ito’y awiting patungkol sa paglilingkod sa Diyos at pananampalataya na may layuning dumakila at magparangal.
Sa kasalukuyang kahulugan, masasabi na ring dalit ang isang tula kung ito’y may pagdarakila sa bayan.
Halimbawa: - kay Maria
Dalit
Dalawang uri ng Dalit:
- Dalitsamba
- Dalitbayan
Dalit na patungkol sa diyos
Dalitsamba
Dalit na pagdakila sa bayan
Dalitbayan