Tula Flashcards
Isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin sa malayang pagsulat.
Tula
Isang tradisyunal na anyo ng tulang Hapones na binubuo ng tatlong linya. Karaniwan itong may 17 pantig na nahahati sa 5- 7-5 na porma.
Haiku
Tulang nagmula sa Pilipinas na may 3 linya kada taludtod, may sukat na 7-7-7 pantig at may isahang tugmaan.
Diona
Maikling tulang Pilipino na may apat na taludtod at may pantig na 7-7-7-7.
Tanaga
Anyo ng tulang Hapones na binubuo ng limang linya na may 31 pantig sa kabuuan, na may pormang 5-7-5-7-7.
Tanka
Anyo ng tula na binubuo ng walong pantig (8-8-8-8) kada taludtod, apat (4) na taludtod kada saknong, at may isahang tugmaan. Ito ay anyo ng awiting-bayan. Noong panahon ng Espanyol, ang dalít ay awit pansimbahan at sa pagluluksa.
Dalit