tula Flashcards
Ito ay maituturing na pinakamatandang sining sa kulturang Pilipino
tula
Ito ang pinagmulasn ng iba pang mga sining tulad ng sining ng awit, sayaw, at dula
tula
isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtod
tula
Isang mahalagang elemento ng tula ang _______ o ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod ng saknong. Ito ang bilang ng pantig ng tula sa bawat taludtod Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa
sukat
Ito ay ang pagkakasingtunog ng mga salita sa huling pantig ng bawat taludtod ng tula.
- Ito rin ang sinasabing nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.
tugma
paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa patinig
hindi buong rima (assonance)
paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa katinig.
kaanyuan (consonance)
Kinakailangan dito ang paggamit ng mga tayutay o matatalinhagang mga pahayag upang pukawin ang damdamin ng mga mambabasa.Tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.
talinghaga
paggamit ng pagwawangis, pagtutulad,
pagtatao ang ilang paraan upang ilantad ang talinghaga sa tula
tayutay
Ito ang mga salita sa tula na may kahulugan sa mapanuring isipan ng mambabasa.
simbolismo
Ito ang malinaw at hindi malilimutang impresyon na natatanim sa isipan ng mga mambabasa.
kariktan
Ang ________ ay elemento ng tula na tumutukoy sa pagtataglay ng mga salitang umaakit o pumupukaw sa damdamin ng mga bumabasa.
kariktan
Tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng bawat taludtod ng tula. Ito ay karaniwang pataas o pababa.
tono/indayog
Ito ay tumutukoy sa grupo ng mga taludtod ng tula. Ito ay maaring magsimula sa dalawa o higit pang taludtod. Ang ________ ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod)
saknong
walang sinusunod na sukat, tugma,
o anyo. Ito ay karaniwang ayon sa nais ng manunulat.Ang mga tulang isinulat ni Alejandro Abadilla ang halimbawa ng mga tulang nasa anyong malayang taludturan
malayang taludturan