Tula Flashcards
Tula
Uri ng panitikang lubos na
kinalulugdan ng marami.
Fernando Pantaleon
may sariling pag-uuri-uri ng tula
na binatay niya sa: una, ayon sa
kaanyuan nito; ikalawa, ayon sa
kayarian nito; ikatlo, ayon sa
layon; at ikaapat, ayon naman sa
kaukulan.
Tulang Liriko o Pandamdamin
➢ Itinuturing na pinakamatandang uri ng tulang isinusulat ng mga makata sa buong daigdig.
➢ Itinatampok ng makata ang kanyang sariling damdamin at maging ang kanyang
Ang Awit (Dalitsuyo)
● Awit tungkol sa
pag-ibig
● Halimbawa nito ay ang tulang
“Kay Selya” ni Francisco Baltazar.
Ang Pastoral (Dalitbukid)
● Naglalarawan ng tunay na buhay
sa bukid.
● “The Passionate Shepherd to His
Love” ni Christopher Marlowe.
Ang Oda (Dalitpuri)
● Isang uri ng tulang lirikong may
kaisipang estilong higit na dakila
at marangal.
● “Ode to a Nightinagale” ni John
Keats
Ang Dalit (Dalitsamba)
● Maikling awit na pumupuri
sa Diyos
Ang Soneto (Dalitwari)
● May labing-apat na taludtod
● Sonnet 18: Shall I Compare Thee
to A Summer’s day?
Ang Elehiya (Dalitlumbay)
● Isang tula ng
pananangis, lalo na sa pag-alala
ng isang yumao. Ang
himig nito ay matimpi at
mapagmuni-muni.
● “Ang Punongkahoy” ni Jose
Corazon de Jesus at “Requiscat”
ni Oscar Wilde
Tulang Pasalaysay
➢ Naglalahad ng mga tagpo o
pangyayari sa pamamagitan ng
mga taludtod.
Ang Epiko (Tulabunyi)
● Ang pinakamatayog at
pinakamarangal na uri ng
tulang salaysay.
● Pagbubunyi sa isang bayani sa
isang alamat
● “The Iliad” at ang “The Odyssey”
ni Homer, “Metamophoses” ni
Ovid, at “Beowulf”
Metrical Romance (Tulasinta)
● Walang gaanong banghay
● Maharlika na naging bayani
● “The Faerie Queene” ni Edmund
Spencer
Rhymed or Metrical Tale
(Tulakanta)
● Kapag ang tulang salaysay ay
naging payak ito ay tinatawag na
tulakanta
● Ang pangunahing tauhan nito ay
pangkaraniwang nilalang lamang.
● “The Canterbury Tales” ni
Geoffery Chaucer at “The Lady of
the Lake” ni Sir Walter Scot
Ballad (Tulagunan)
● Nasusulat sa mga taludtod na
wawaluhin o aaniming pantig at
sa isang paraang payak at
tapatan
● “Ballad of the Gibbet” ni Francois
Villon
Tulang Dula
Mga tulang isinasadula sa mga
entablado o iba pang tanghalan
Tulang Dulang Mag-isang
Salaysay (Dramatic Monologue)
● Isang tao lamang ang nagsasalita
mula sa simula hanggang sa
katapusan ng dulo
● “My Last Duchess” ni Robert
Browning at “The Love Song of J.
Alfred Prufrock” ni T.S Eliot
Tulang Dulang Liriko-Dramatiko
● Ito ay nagbibigay ng tuon na
mailantad ang mga damdaming
nakapaloob sa mga pangyayari.
● “Ang Pagbabalik” ni Jose
Corazon de Jesus
Tulang Dulang Katatawanan
(Dramatic Poetry)
● Ito ay nasusulat sa pamamaraan
at paksang-diwang kapwa
katawa-tawa; ang mga tauhan ay
nakalilibang; at nagtataglay ng
isang masayang pagtatapos.
● “Old Comedy” ni Aristophanes
Tulang Dulang Kalunos-lunos
(Dramatic Tragedy in Poetry)
● Tumatalakay ito sa pagtutunggali
at pagkasawi ng isang
pangunahing tauhan
● Ang wakas nito ay nagbubunga
ng pagkahabag o pagkasindak.
Tulang Dulang Madamdamin
● Naglalarawan ng galaw na
lubhang madamdamin at
nagtataglay ng nakasisindak na
pangyayaring higit sa karaniwang
mga karanasan ng isang normal
na tao.
● “Anabelle Lee” ni Edgar Allan Poe
at ang “The Wreck of the
Hesperus” ni Henry Wadsworth
Longfellow.
Tulang Dulang Katawa-tawang Kalunos-lunos (Dramatic Tragi-comedy in Poetry)
● Naglalarawan ng kalagayang
katawa-tawa at kalunos-lunos.
Tulang Dulang Parsa (Farce in
Poetry)
● Ang balangkas nito ay higit na
katawa-tawa laysa makatwiran.
● Parsa>Komedya
● “Ode On Indolence” ni John
Keats at ang “The Vaniy of
Human Wishes” ni Samuel
Johnson.
Tulang Patnigan (Justice Poetry)
➢ Tulang sagutan na itinatanghal ng magkatunggaling makata ngunit hindi sa paraang padula.
➢ Ito ay paligsahan ng mga
katwiran at tagisan ng mga talino
at tulain.
Karagatan
● Paligsahan ng tula nakalimitang
nilalaro sa mga luksang lamayan
o pagtitipong parangal sa isang
yumao.
● Ang paksa nito ay
pumapatungkol sa isang alamat
na nauukol sa singsing ng isang
dalaga na di umano’y nahulog sa
gitna ng karagatan.
Duplo
● Pagtatalo rin na ginagamitan ng
tula at kahusayan sa pagbigkas.
Ang mga katwirang ginagamit
dito ay karaniwang hango sa
mga salawikain, kawikaan, at
kasabihan.
● Nilalaro rin sa mga lamay
Balagtasan
● Ang kauna-unahang balagtasan
ay pinaglabanan ng mga
makatang sina Jose Coraazon
de Jesus (Paruparo) at Florentino
T. Collantes (Bubuyog)
● Si Jose Corazon de Jesus ang
kinikilalang unang naging Hari
ng Balagtasan.
● Si Fransisco Balagtas ang Ama ng Balagtasan
Batutian
● Ang pangunahing layunin nito ay
makapagbigay-aliw sa mga
nakikinig o bumabasa sa
pamamagitan ng katawa-tawa
ngunit malatotoong mga
kayabangan, panunudyo, at
palaisipan.
● Bilang pagpaparangal sa
yumaong Jose Corazon de Jesus
ay sumilang ang isang bagong
anyo ng tulang patnigan noong
1933.