Tula Flashcards
Ang tulang — o — ay uri ng tula kung saan itinatampok ng isang makata ng kanyang sariling damdamin, iniisip, at persepsyon.
Tulang Liriko o Pandamdamin
• Puno ito ng masisidhing damdamin ng tao tulad ng kalungkutan, pag-ibig, kaligayahan, kabiguan at iba pa.
Tulang Liriko o Pandamdamin
• Sa kabila ng pagiging maikli, ito ay sapat upang maipahayag ang damdamin ng manunulat.
Tulang Liriko o Pandamdamin
• Ang halimbawa ng tulang ito ay ang Florante at Laura na isinulat ni Francisco Baltazar.
Tulang Liriko o Pandamdamin
Ito ay tulang damdamin na may temang kamatayan o pagluluksa.
Elihiya
• Ang tulang ito ay tungkol sa kamatayan o sa pagdadalamhati lalo na sa paggunita sa isang sumakabilang buhay.
Elihiya
• Ang tulang ito ay kilala bilang awit sa pagsamba sa anito.
Dalit
• Ito ay awit na nagpapakita ng luwalhati, kaligayahan, pagpapasalamat o papuri sa Diyos o di kaya naman ay sa Birheng Maria na ina ng Diyos o a Relihiyon.
Dalit
• Ito ay awit na nagpapakita ng luwalhati, kaligayahan, pagpapasalamat o papuri sa Diyos o di kaya naman ay sa Birheng Maria na ina ng Diyos o a Relihiyon.
Dalit
• Ang karaniwang paksa nito ay pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan.
Awit
• Ito ay tulang may 14 na taludtod, hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.
Soneto
• Ito ay nagpapahayag ng isang papuri ng isang panaghoy o ng iba pang masiglang damdamin.
Oda
• Walang tiyak na bilang ng pantig o taludtod sa isang saknong.
Oda
• Ang paksa sa tulang ito ay ang buhay sa bukid.
Pastoral
• Ang —- ay karaniwang itinatanghal sa mga entablado at ang mga linyang binibigkas ng bawat karakter ay patula.
Tulang Pandulaan
• Ito ay naglalarawan ng mga tagpong lubhang madula na maaring makatulad, makaparehas, o maiba sa nagaganap sa pang araw-araw na buhay.
Tulang Pandulaan
• Ginagamit ang tulang ito sa mga dulang musical.
Melodrama
• Isang kaugaliang Kristiyano ng mga Filipino na nagtatanghal ng masalimuot na paglalakbay nina Santo Jose at Birheng Maria mula sa Nazareth patungong Bethlehem upang maghanap ng matutuluyan na mapagsisilangan kay Hesukristo.
Panunuluyan
• Ito ay hango sa salitang-ugat na “tuloy” na isang magiliw na pag-anyaya o pagpapatuloy ng panauhin sa loob ng tahanan.
Panunuluyan