Tsapter 1: Kaalaman Pangwika Flashcards
Ang wika ay tunog
Ang wikang Filipino ay bínubuo ng patinig- at katinig ‘na kapag ipinagsama-sama ay
makabubuo ng isang tunog. Ang mga sinaunang tao ay nakikipag-ugnayan sa bawat isa sa pamamagitan ng tunog at ingay na kanilang nilikha buhat sa kalikasan. Bawat tunog na kanilang narinig ay binibigyan nila ng kahulugan at nagiging wika. Nakakalikha rin sila ng mga simbolo na ginagamit sa pakikipagtalastasan. Marami ang nagsasabi na naunang pinag-aralan ang mga tunog kaysa alpabeto.
Ang wika ay dinamiko
Ang wika ay dapat patuloy ang paggamit. Sumasabay ito sa pagbabago ng panahon at pandaigdig na pagbabago. Ang wika ay masasabi nating buhay at buhay sapagkat hindi mapipigilan ang mabilis na pagdami ng mga salita lalo na sa pagpasok ng makabagong teknolohiya. Umiiba-iba ito habang sumasabay sa pag-unlad ng panahon.
Ang wika ay arbitraryo
Maraming tunog ang binibigkas at ang bawa’t tunog ay may tiyak na layunin. Ito ay
mapapátunayan sa mga wikaing binibigkas sa particular na lugal. Walang rasyunal na paliwanag ang koneksyon ng simbolo sa kahuiugan. Walang paliwanag kung bakit “eru” ang tawag sa aso ng mga Cebuano -“dog” sa ingles at “ayam” sa lIlonggo. Hindi ba nakapagtataka kung bakit ang “langgam” sa Cebuano ay “bird”, sa tagalog ang ibig sabihin ng langgam ay “ants’ sa ingles. Ang paliwanag kung bakit iba-iba ang tawag sa isang bagay ay dahil nakasanayan na, kaya nagkaunawaan.
Kaugnay ng wika ang kultura
Sa isang bansa ang wika at Kultura ay magkaugnay. Sa isang particular na pook ang mga taong may anking kultura ay bumubuo ng isang wikang naaangkop sa kanilang pangangailangan sa buhay. Sa wikang nabuo ay mášasalaminän ang kanilang mga pangarap, pilosopiya, moralidad, karanasan, adhikain sa buhay atbp. Walang maitatalang kultura kung walang wika,
Ang wika ay malikhain
Ang isang taong bihasa sa isang wika ay makapagpapahayag siya sa iba’t ibang paraan na gugustuhin niya. Ang paglikha ng iba pang salita ay nakadaragdag sa ating talasalitaan. Masasabi natin na ang wika ay isang mabisang paraan sa pag-unlad ng bansa at dahil na rin sa pagiging
malikhain nito.
Ang wika ay nanghihiram
Ang mundo ay patuloy na umiikot kasama ang mga taong nakikipagsapalaran sa buhay. Sa kaniyang paglipat sa bagong pook dala-dala niya ang kaniyang kinagisnang wika. Ito ay makakaempluensiya sa bagong wikang kaniyang matutunan. Dito magsimula ang panghihiram.
Napakaraming pook ang matatagpuan natin sa Pilipinas at ang bawat pook ay may sariling wika na sila lamang ang nakakaunawa. Ang wikang ito ay tinatawag na Dayalek o Wikain. May lugar na pareho ang salita ngunit umiiba ng bigkas o tono kaya umiiba ang paggamit nito.
Ang wika ay tunog
Ang wika ay dinamiko
Ang wika ay arbitraryo
Kaugnay ng wika ang kultura
Ang wika ay malikhain
Ang wika ay nanghihiram
Kaalaman Pangwika