Tip sa Pagpili ng Paksa Flashcards
pangkalahatan o sentral na ideyang tinatalakay sa isang sulating pananaliksik.
Paksa
Mga tips sa pagpili ng paksa:
- Interesado ka o gusto mo ang paksang pipiliin
- Mahalagang maging bago o naiiba ang mapipiling paksa.
- May mapagkukunan ng sapat at malawak na impormasyon
- Maaring matapos sa takdang panahong nakalaan
- Kakailanganing gastusin
Interesado ka o gusto mo ang paksang pipiliin
a. Paksang marami ka nang nalalaman
b. Paksang gusto mo pang higit na malaman
c. Paksang napapanahon
Paglalahad mula sa mga bagong matutuklasan sa halip na pag-uulit lang ng anumang natuklasan na ng ibang mananaliksik.
Mahalagang maging bago o naiiba ang mapipiling paksa
Habang pumipili ng paksa ay pag-isipan na kaagad kung saan-saan o kung sino-sino ang panggagalingan ng impormasyon.
May mapagkukunan ng sapat at
malawak na impormasyon
Maaaring panggalingan ng impormasyon:
sarili, nabasa, napakinggan, napag-aralan, mga babasahin, iba’t-ibang tao
Ang paksa ay dapat angkop sa kakayahan ng mananaliksik.
Maaring matapos sa takdang panahong nakalaan
Upang maiwasan ang masaklaw na paksa bigyang pansin ang paglilimita gaya nang:
a. Panahong saklaw ng pag-aaral
b. Gulang ng mga kasangkot
c. Kasarian ng mga kasama
d. Lugar na kasangkot
e. Pangkat ng taong kinabibilangan
f. Kombinasyon ng iba pang batayan
Sa simula pa lang ng pagpili ng paksa,
isipin ang mga praktikal na aspeto gaya ng
iyong gagastusin.
Kakailanganing Gastusin
malalimang pagtalakay sa isang tiyak at naiibang paksa.
Pananaliksik
isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay tao, isyu, at iba pang ibig bigyang-linaw, patunayan, o pasubalian.
Pananaliksik (Constantino at Zafra, 2010)
Ang pananaliksik ay may tatlong mahalagang layunin: una, isinasagawa ito upang makahap ng isang teorya; pangalawa, mula sa pananaliksik ay malalaman na mababatid ang katotohanan sa mga teoryang ito; pangatlo, isinasagawa ang pananaliksik upang makuha ang kasagutan sa mga makaagham na problema o suliranin.
Pananaliksik (Galero at Tejero, 2011)
Pagkakaiba ng sulating Pananaliksik sa Ordinaryong Ulat
- Higit na malawak ang pokus ng ulat at iba pang pangkaraniwang teksto samantalang ang pokus naman ng sulating pananaliksik ay mas limitado.
- Dami o lawak ng gagamiting sanggunian.
Naglalahad ng mga impormasyong hindi basta galing sa opinyon o kuro kuro ng manunulat kundi nakabatay sa mga datos na maingat na sinaliksik, tinaya, at sinuri.
Obhetibo
sumusunod sa mga lohikal na mga hakbang o proseso patungo sa pagpapatunay ng isang katanggap tanggap na konklusyon.
Sistematiko