TEST 3 Flashcards
Ang __________ ay kung saan ang ponemang /e, i/, /o, u/, /d, r/ ay malayang nagpapalitan nang hindi nagbabago ang kahulugan. (e.g. pito - pitu)
PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN
Ang __________ ang tawag sa pares ng salita na kapag nagpapalitan ang e at i at o at u ay nagbibigay ng iba’t ibang kahulugan. (e.g. puso - piso)
PARES MINIMAL
Ang __________ ay ang pinagsama-samang morpema at di-malayang morpema na nagbubunga ng panibagong anyo ng salita.
LEKSIKAL NA MORPEMA
Ipinababasa ang mga titik sa paraang __________, maliban sa __________ na nagmula sa alpabetong Espanyol.
INGLES, Ñ
Ang __________ ang alinmang patinig na sinusundan ng y at w sa loob ng isang pantig. (e.g. bahay)
DIPTONGGO
Ang __________ ay ang pag-uulit ng isang salita.
INUULIT
Ang __________ ay nagaganap kung ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat na hinuhulapian ay ay mawawala. (e.g. huwag → hwag)
PAGKALTAS NG PONEMA
Ang __________ ay binubuo ng salitang ugat lamang.
PAYAK
Sa __________ ay nagkakaroon ng pagbabagong-anyo ang salitang-ugat sa kaniyang istruktura. (e.g. nagturo)
DI-MALAYANG MORPEMA (MORPEMANG GRAMATIKAL)
Ang __________ ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan.
MORPEMA
Ang __________ ay binubuo ng salitang ugat at panlapi.
MAYLAPI
Ang Abakadang Tagalog ay ibinuo ni __________ sa kaniyang sulatin na __________.
LOPE K. SANTOS, BALARILA NG WIKANG PAMBANSA
Pinaluwag ng __________ ang gamit ng walong dagdag na letra.
2001 ALPABETO
Ang __________ ay ang pagpapahaba ng isang salitang-ugat sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga panlapi.
PAGSUSUDLONG
Ang __________ ang makaagham na paglikha ng tunog sa pananalita.
TUNOG PONETIKO-FONETIK
Ang Alibata ay binubuo ng __________ titik: __________ na patinig at __________ na katinig.
LABIMPITO, 3, 14
Ang __________ ay tumutukoy sa mga salitang nakakatayong mag-isa at may kahulugan. Kapag hinati ang salita, masisira o mawawala ang kahulugan. (e.g. turo)
MALAYANG MORPEMA (FREE MORPEME)
Ang __________ ay ang dalawang katinig na magkasama sa loob ng isang pantig. (e.g. prutas)
KLASTER O KAMBAL KATINIG
Ang __________ ay ang pagaaral ng wastong pagbigkas ng mga ponema.
PONOLOHIYA
Ang __________ ay ang pagpapaikli ng dalawang pinagsamang salita upang makabuo ng panibagong salita.
PAG-AANGKOP
Ang tunog ng isang morpema ay __________ kapag naaasimila ng isa pang morpema at may pagbabagong morponemikong naganap. (e.g. pangbato → pambato)
ASIMILASYON
Ang __________ ay ang pag-aaral ng makabuluhang kahulugan ng isang salita sa pamamagitan ng pinagsamang mga tunog.
MORPOLOHIYA
Galing ang salitang ponetik sa salitang Griyego na __________, na nangangahulugang __________.
PHONETIKOS, BIBIGKASIN PA LAMANG
Mapapansin na walang __________ at __________ sa matandang Alibata. Tatlo lamang noon ang mga patinig: __________, __________, __________.
E AT O. A, I, U