TERRORISM AND MULTICULTURALISM Flashcards
Isang suliraning pandaigdig na tumutukoy sa sadyang paglikha at pagpapalaganap ng takot sa pamamagitan ng karahasan o ang pagbabanta ng karahasan sa kagustuhang magkaroon ng pagbabagong politikal
TERORISMO
Ano ang layunin ng terorismo?
Ang layunin ng terorismo ay magtanim ng sikolohikal na takot sa publiko, pamahalaan, o sa grupong kalaban ng lahi o relihiyon. Sa pamamagitang ng pagpapalaganap ng balita ng karahasan, umaasa ang mga teroristang magkakaron sila ng impluwensya upang matamo ang mga pagbabgong kanilang minimithi.
Isang halimbawa ng pangkat na naniniwala na sila ay pinagkaitan ng kanilang karapatan o sila ay biktima ng diskriminasyon o hindi pantay na pagtrato.
MNLF (Moro National Liberation Front)
Isa sa pinakamatinding motibasyon ng terorismo tulad ng maraming kaso ng Muslim, Hudyo, at Hapon. Isa itong uri ng karahasang politikal na itinutulak ng krisis-espiritwal o kaya’y reaksyon sa mga pagbabago sa lipunan at politika.
TERORISMONG MAKA-RELIHIYON (Religious Fanaticism)
Kadalasang mas makabayan at madaling makabuo ng pambansang pagkakakilanlan o national identity. Ito ay naiiba sa terorismong isinasagawa sa ngalan ng ideolohiya, relihiyon o kaunlarang pang-ekonomiya.
TEROSIMONG ETNIKO (ethnic terrorism)
Ito ay batay sa mga hinaing at layunin ng isang pangkat na kanilang tinutugunan sa pamamagitan ng karahasan.
TERORISMONG PANG-IDEOLOHIYA
Maaaring ang kanilang ideyolohiya ay may kinalaman sa relihiyon o politika.
TERORISMONG PANG-IDEOLOHIYA
Layunin ng mga pangkat na ito na pagkaisahin ang kanilang mga kasapi at makipag-ugnayan sa mga komunidad na susuporta sa kanilang laban.
TERORISMONG PANG-IDEOLOHIYA
IBIGAY ANG DALAWANG ESTRUKTURA NG PANGKAT TERORISTA
LIDERATO
MGA KASAPI
Ilarawan ang esruktura ng mga kasapi
Mahalagang gawain ang pagganyak ng bagong kasapi upang mapalakas ang organisasyon at mapalitan ang nawalang mga miiyembro.
Ano ang napag-alaman sa oaf-aaral sa Pilipinas at Japan?
Ginagamit ng mga terorista ang kalayaang bigay ng pamahalaan sa mga mamamayan na makapagtatag ng NGO (NON-GOVERNMENT ORGANIZATION)
Ilarawan ang estruktura ng Liderato
Ang pinuno ang nasa gitna. Bukod sa pagbibigay ng utos, direkta rin silang kasai sa mga gawain ng kanilang pangkat.
Ano ang susi sa pagkakaisa ng mga kasapi ng terorista?
KARISMA NG PINUNO
Ibigay ang dalawang sentro ng grupong terorista
COMMAND AND CONTROL NETWORK
PONDO
Ano ang sentrong command and control network?
Dito sila nagp-aplano at nag-oorganisa para sa mga isinasagawang pag-atake, Labis nilang binibigyan ng proteksyon ang kanilang pugad at mga galamay. Hindi nila pinahihintulutang basta-basta makapasok ang mga ito.
Ano naman ang pondo bilang sentro ng mga grupong terorista
Higit na lumalakas ang mga pangkat ng terorista dahil nagagawa nilang magkaroon ng mga pandaigdigang koneksyon na napagkukunan nila ng mga kasapi, armas, at iba pang kagamitan.
Ikwento ang pangyayari ng hijack
3 member ng MNLF naghijack ng isang Philippine Airlines BAC-111 jetliner at pinilit ilipad mula Mindanao hanggang Libya.