Teorya Flashcards
ay tumutukoy sa paraan ng pagsulat na naglalarawan sa karaniwang nangyayari sa pangaraw-araw na sitwasyon
Teoryang realismo
a. Pinahahalagahan nito ang katwiran at pagsusuri
b. Layuning mailahad ang katotohanan,kabutihan at kagandahan
c. Malinaw, marangal,payak, matimpi,obhetibo,magkakasunod-sunod at may hangganan.
d. maayos,mapayapa, ideyal
Teoryang Klasismo
ito ay malaking kilusang pansining at pampanitikan sa Europa na sumikat noong 1800-1900
katangian:
a. Binibigyang halaga nito ang indibidwalismo kaysa kolektibismo,ang rebolusyon kaysa konserbatismo,imahinasyon kaysa katwiran at likas kaysa pagpipigil
b.lumulutang ang damdamin kaysa kaisipan.
Romantisismo
Naglalayong magpahayag nang malinaw gamit ang mga tiyak na larawang biswal.Nagiging mas epektibo ang pagpapahayag ng mensahe sa kadahilanang nabibigyang buhay ng may-akda ang mga kaisipang nais ipahiwatig.
Imahismo
Sa pananaw na ito mahihinuha ang kalagayan ng lipunan sa panahong isinulat ang akda.
Sosyolohikal
Nasusuri nito ang kalagayan ng kababaihan at kalalakihan sa lipunan at maging sa panitikan.Layon nitong labanan ang anumang diskriminasyon, eksploytasyon,at mga tradisyunal na pananaw sa kababaihan.
Feminismo