TAYUTAY/IDYOMA Flashcards
mga salita o pariralang ginagamit upang maging mabisa at kaakit-akit ang pagpapahayag.
tayutay (figure of speech)
Ginagamit ito sa tuwirang paghahambing ng
dalawang magkaibang bagay, tao, pangyayari
at iba pa.
Ito’y ginagamitan ng mga salitang tulad ng,
gaya ng, para ng kapara, tila, mistula,
kawangis at katulad.
Pagtutulad
(Simile)
Ito’y tiyakang paghahambing pero HINDI
ginagamitan ng mga salitang gaya ng, para
ng, kapara, atbp.
Pagwawangis/Metapora
(Metaphor)
Ito ay pagsasatao o pagsasalin ng talino, gawi, at katangian ng tao sa mga bagay-
bagay sa ating paligid.
Pagbibigay-katauhan/Pagsasatao
(Personification)
Ang ibig sabihin ng “meto” sa metonymy ay
panghalili o pagpapalit.
Ito’y paggamit ng isang salitang panumbas o
nagpapahiwatig, ng kahulugan ng di-
tinutukoy na salita tulad ng “krus” sa halip na “problema”
Pagpapalit-tawag
(Metonymy)
Ito’y maaaring gamitin sa pagbanggit ng
bilang sa pagtukoy sa kabuuan at maaari din
namang ang isang tao’y kumakatawan ng
isang pangkat.
Pagpapalit-saklaw
(Synechdoche)
Ito’y paggamit ng mga salita sa pakikipag-
usap sa karaniwang bagay na tila totoong buhay at tila nasa kaniyang harapan ngunit
wala naman
Pagtawag/ Panawag
(Apostrophe)
Ang mga salitang ito ay nagpapalabis sa
kalagayan ng tao, bagay o pangyayari.
Pagmamalabis
(Hyperbole)
Ang mga pahayag na ito ay bumabanggit ng
mga bagay na magkasalungat upang lalong
mangibabaw o mas lalong maging mabisa
ang isang natatanging kaisipan.
Pagtatambis
(Antithesis)
Dalawang magkasalungat na kaisipan ang
pinagsasama upang maipakita ang kanilang
kaugnayan.
Pagsalungat
(Epigram)
Ito’y paggamit ng mga salitang mapangutya o
mapang-uyam bagaman tila masarap
pakinggan kung titingnan ang literal na
kahulugan.
Pag-uyam
(Irony/Sarcasm)
Ang mga pahayag na ito ay karaniwang
ginagamitan ng panangging hindi upang
bigyang-diin ang makahulugang pagsang-ayon sa sinasabi.
Pagtanggi
(Litotes)
Ito’y paggamit ng mga salitang ang tunog ay
parang nagpapahiwatig ng kahulugan nito.
Paghihimig
(Onomatopeia)
Ang pagpapahayag na ito’y nagsasaad ng
masidhi o di-pangkaraniwang damdamin.
Pagdaramdam
(Exclamation)
Ang pagpapahayag na ito ay ginagamit
upang tanggapin o di -tanggapin ang isang bagay.
Isa itong tanong na walang inaasahang tugon.
Pagtatanong
(Rhetorical Question)