Tayutay (Figures of speech) Flashcards
Ito ay pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng bagay na magkaugnay.
Paglipat-tawag
Pagbanggit ito sa bahagi nga isang bagay o ideya bilang katapat ng kabuuan.
Paglilipat-saklaw
Ito ay pagtawag sa mga bagay na parang ikinausap sila.
Pagtawag
Mga tanong ito na hindi nangangailangan nga sagot.
Tanong Retorikal
Ito ay pagpahiwatig ng kahulugan sa pamamagitan ng tunog o himig ng mga salita.
Paghihimig
pag-uulit ng tunog-katinig sa unahan o inisyal na bahagi ng salita
aliterasyon
Ito ay ginagamit ang salitang “hindi” sa unahan ng pangungusap.
Pagtanggi
gumagamit ng mga katangian ng mga tao at inihahantulad sa mga mga bagay na walang talino tulad ng hayop, bagay, at iba pa. Ito ay tinatawag ding pagtatao, pagsasatao, o pagbibigay-katauhan.
pagbibigay-katauhan
paglalahad ng mga bagay na magkasalunagt upang higit na magkatingkad ang bisa ng pagpapahayag
pagtatambis
paggamit ng mga salitang nagpapaganda ng pangit na pahayag
paglumanay
katulad ng aliterasyon, pag-uulit ito ng mga katinig. ngunit sa bahaging pinal naman
konsonas
pag-uulit naman ito ng mga tunog patinig sa alinmang bahagi ng salita
asonans
isang pampanitikang paraan ng pagpapahayag na ginagamitan ng mga salitang labas sa patitik na kahuluganupang maging marikit, maharaya at makasining ang pagpapahayag
tayutay o figure of speech