Tayutay Flashcards
Ang mga bulaklak ng nagtatayong kahoy
Pinakamaputing nag-ungos sa dahon;
Pawang kulay luksa at nakikiayon
Sa nakaliliyong masangsang na amoy
Tayutay – Pag-uyam (Irony)
Mahiganting langit,bangis mo‟y nasaan
Ngayo‟y naniniig sa pagkagulaylay;
Bago‟y ang bandila ng lalong kasam-an
Sa Reynong Albanya‟y iwinawagayway
Tayutay –Pagtawag (Apostrophe)‟
Dito hinimatay sa paghihinagpis
Sumuko ang puso sa dahas ng sakit;
Ulo‟y nalungayngay,luhay bumalisbis
Kinagagapusang kahoy ay nadilig.
Tayutay-Pagmamalabis
Sa puno ng kahoy ay napayukayok
Ang liig ay supil ng lubid na gapos;
Bangkay na mistula‟t ang kulay na burok
Ang kanyang mukha‟y naging puting pulbos.
Tayutay - Pagwawangis (Metaphor)
“Bababa si Marte mula sa itaas
Sa kailalima‟y aahon ang Parcas;
Buong galit nila ay ibulalas
Yayakagin niring kamay kong marahas!
Tayutay –Pagmamalabis(Hyperbole)
Kung nagbangis ka ma‟t nagsukab sa akin
Mahal ka ring lubha dini sa panimdim;
At kung mangyayari hanggang sa malibing
Ang mga buto ko,kita‟y sisintahin”.
Tayutay – Pagpapalit-saklaw
„Para ng halamang lumaki sa tubig
Daho‟y nalalanta munting di madilig;
Ikinaluluoy ang sandaling init
Gayundin ang pusong sa tuwa‟y maniig
Tayutay - Pagtutulad (simile)
„Sa lakas ng hiyaw ng pamang matabil
Vivang dugtong-dugtong ay nakikisaliw;
Ang bulong salamat,nagtatanggol sa amin!
Dininig sa langit ng mga bituin.
Tayutay –Pagbibigay –katauhan ( Personification)