Tauhan Sa Noli Me Tangere Flashcards
Siya ang binatang anak ni Don Rafael na nag-aral sa Europa. Siya ang kababata at kasintahan ni Maria Clara
Crisostomo Ibarra
Siya ang piloto o bangkero. Siya ang tumulong kay Ibarra para makilala ang bayan at mga suliranin nito
Ellias
Siya ang mayuming kasintahan ni Crisostomo Ibarra. Siya ang anak ni Donya Pia Alba kay Padre Damaso
Maria Clara
Siya ay isang pareng Pransiskano na matapos maglingkod ng mahabang panahon sa San Diego ay inilipat sa ibang parokya. Siya ang tunay na ama ni Maria Clara
Padre Damaso
Siya ang humalili kay Padre Damaso bilang pari ng San Diego. Siya ay may lihim na pagsinta kay Maria Clara.
Padre Salvi
Siya ang pareng lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Crisostomo Ibarra
Padre Sabyla
Siya ay maalam na matandang tagapayo ng mga mamamayan ng San Diego.
Pilosopong Tasyo
Isang matapat na tinyente ng gwardiya sibil.
Tinyente Guevarra
Siya ang asawa ni Donya Pia Alba. Siya ang kinagisnang ama ni Maria Clara
Kapitan Tiyago
Hipag ni Kapitan Tiyago. Siya ay tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara
Tiya Sabel
Siya ang ina ni Basilio at Crispin. Siya ay martir na asawa ni Pedro na pabaya at malupit sa kaniyang pamilya.
Sisa
Siya ang nakakatandang anak ni Sisa. Siya ay isang sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego
Basilio
Siya ay nakababatang anak ni Sisa. Siya ay isang sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego
Crispin
Siya ang asawa ni Don Tiburcio De Espadaña. Nagpanggap siyang isang mestisang kastila
Donya Victorina De Espadaña
Siya ay isang pilay at bungal na kastilang napadpad sa Pilipinas. Sa paghahanap ng magandang kapalaran, siya ay napangasawa ni Donya Victorina
Don Tiburcio De Espadaña