Tauhan ng Noli Me Tangere Flashcards
Crisostomo Ibarra
Pilipinong binata na pumunta sa Europa upang mag-aral; may liberal at ideyalistikong pananaw sa buhay
Elias
piloto ng bangka na tumulong kay Ibarra upang mamulat ang huli sa mga suliranin ng bayan
Kapitan Tiyago
mayamang mangangalakal ng San Diego; “ama” ni Maria Clara
Padre Damaso
dating kura paroko ng San Diego; totoong ama ni Maria Clara
Maria Clara
mayuming kasintahan ni Ibarra
Padre Salvi
pumalit kay Padre Damaso bilang kura paroko ng San Diego; may lihim na pagtingin kay Maria Clara
Padre Sibyla
paring Dominiko na lihim sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra
Pilosopo Tasyo
matandang maraming alam at dating pangalan ay Anastasyo
Sisa
masintahing ina na nakapangasawa ng pabaya at malupit
Basilio at Crispin
ang dalawang anak ni Sisa; mga sakristan at tagatugtog ng kampana ng simbahan sa San Diego
Alperes
namumuno sa mga guwardiya sibil; kalaban ni Padre Salvi sa kapangyarihan
Don Filipo
tinyente mayor ng San Diego na mahilig magbasa ng Latin
Tinyente Guevarra
Matapat na tinyente na nagsabi kay Ibarra kung anong nangyari kay Don Rafael noong wala siya
Donya Consolacion
asawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali
Donya Victorina
Pilipinang nakapangasawa ng Kastila kaya’t niyakap ang buhay ng pagiging Kastila