tauhan ng florante at laura Flashcards
Mabuting kaibigan ni Florante. Naging kaklase nija
Sa Atenas. Nakapagligtas ng buhay ni Florante at siyang
naging kanang kamay niya sa digmaan.
Menandro
Ang mabuting guro nina Florante, Adolfo, at Menandro
habang silay nag-aaral sa Atenas. Siya ang gurong gumabay
at nagturo ng maraming bagay kay Florante.
Antenor
Ang mapagmahal na ina ni
Florante, asawa ni Duke Briseo, at anak ng hari ng Krotona. Maaga niyang naulila si Florante sapagkat namatay siya habang nag-aaral pa lang si Florante sa Atenas.
Prinsesa Floresca
Ang butihing ama ni Florante. Kaibígan at taga-payo ni Haring Linceo.
Duke Briseo
Ama ni Laura at hari ng
Albanya. Makatarungan at mabuting hari.
Haring Linceo
anak ni Haring Linceo.
Siya’y magandang dalagang hinangaan at hinangad no maraming kalalakihang tulad nina Adolfo at Emir subalit ang kanyang pag-ibig ay nanatiling laan para kay Florante.
Laura
anak nina Duke
Briseo at Prinsesa Floresca. Siva ang magiting na heneral ng hukbo ng Albanya at nagpabagsak sa 17 kaharian bago siya nalinlang hi
Adolfo at naipatapon sa gubat
Florante
Isang taksil at naging kalabang mortal ni Florante mula nana mahigitan siya nito sa husay at popularidad habang silay nag-aaral pa sa Atenas. Siya ang umagaw sa kahariang Albanya, nagpapatay kina Haring Linceo at Duke Briseo, nagpahirap kay Florante, at nagtangkang umagaw kay Laura.
Konde Adolfo
Pinsan ni Florante. Nakapag-ligtas sa búhay niya mula sa isang buwitre noong siyay sanggol pa lamang.
Menalipo
Ama ni Adolfo na taga-Albanya
Konde Sileno
Magiting na heneral ng Persiya na namuno sa pananakop sa
Krotona subalit natalo at napatay ni Florante.
Heneral Osmalik
Heneral ng Turkiyang namuno sa pagsalakay sa Albanya subalit nalupig nina Florante at ng kanyang hukbo.
Heneral Miramolin
Malupit a Ama ni Aladin at siya ring naging kaagaw niya sa kasintahang si Flerida.
Sultan Ali Adab
Gobernador ng mga Moro na nag-tanga kay Laura subalit tinanggihan at sinampal sa mukha no dalaga. Humatol na pugutan no ulo si Laura subalit nakaligtas dahil sa maagap na pagdating ni Florante.
Emir
Isang gererong Moro at prinsipe
Ing Persiya; anak ni Sultan Ali-Adab.
Naging kaagaw niya ang ama sa kasintahang si Flerida kaya’t pinili niyang magparaya at maglagalag sa kagubatan. Dito niya nailigtas si
Florante na itinuturing na mahigpit na kaaway na kanilang bayan at relihiyon.
Aladin