TAUHAN Flashcards
Pilipinang nag-aasal banyaga at itinuturing na mapait na dalandan sa nobela
DONYA VICTORINA
Anak ni Kabesang Tales na katipan ni Basilio.
HULI
Sinasabing mayamang mag-aaral na masigasig sa pagkakaroon ng Akademya ng Wikang Kastila.
MACARAIG
Anak ni Kabesang Tales na pumasok bilang guwardiya sibil.
TANO
Tsinong mangangalakal at kaibigan ng mga prayle na nais magkaroon ng konsulado ng Tsino sa Pilipinas.
QUIROGA
Mayamang babaeng nagpahiram ng pantubos kay Huli bilang kapalit ng pagiging katulong nito
HERMANA PENCHANG
Pinakatanyag na abogado na naging tanggulan ng mga kabataan sa planong pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila
GINOONG PASTA
Paring tinaguriang “moscamuerta” o patay na langaw.
PADRE SALVI
Matalinong mamahayag na hindi tapat sa pagsulat ng mga balita
BEN ZAYB
Kura-paroko sa kumbento ng Tiani na nagtangkang pagsamantalahan si Huli
PADRE CAMORRA
Espanyol na bahagi ng pamahalaan na ang tingin sa sarili ay siya lamang ang nag-iisip sa Maynila.
DON CUSTODIO
Mag-aalahas na nagbalik sa nobela upang pagbayarin ang lahat ng nanakit sa kanya at sa kanyang pamilya.
SIMOUN
Mag-aaral na malapit sa mga guro at umaasa sa talino ng iba.
JUANITO PELAEZ
Mag-aaral na walang pagpapahalaga sa pag-aaral.
TADEO
Banyagang nasa Pilipinas na binalot na ang katauhan ng kulturang Pilipino
SANDOVAL
Anak ni Sisa na inaruga at pinag-aral ni Kapitan Tiyago.
BASILIO
Siya ang Dominikanong vice-rector ng Unibersidad ng Sto. Tomas
PADRE SIBYLA
Pamangkin ni Padre Florentino at kasintahan ni Paulita Gomez
ISAGANI
Tanging babaeng inibig ni Crisostomo Ibarra at isa sa dahilan ng pagbabalik niya sa Pilipinas bilang si Simoun.
MARIA CLARA
Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle.
KABESANG TALES
Kinilalang ama ni Maria Clara na nalulong sa apyan.
KAPITAN TIYAGO
Mayaman at magandang pamangkin ni Donya Victorina na katipan ni Isagani.
PAULITA GOMEZ
Mahinahon at mapagtimpi ang kahulugan ng kaniyang pangalan na pilit niyang pinaninindigan kahit pa lubhang kinaiinisan din niya ang pangalang ito
PLACIDO PENITENTE
Paring namamahala sa paghingi ng kapahintulutang makapagtayo ng Akademya ng Wikang Kastila.
PADRE IRENE
Lolo nina Juli at Tano na dinibdib ang mga kasawian ng pamilya, napipi at nabaril ng apong si Tano.
TANDANG SELO