Tatlong Matataas na Uri ng Tula Flashcards
ito ang lyric poetry sa wikang ingles, napapahayag nito ang damdaming pansarili sa isang kaanyuang maaaring awitin o lapatan ng himig
Tula ng Damdamin
maaaring ang damdaming inilalahad ay sarili ng makata o damdamin ng ibang tao o hango sa karanasang bunga ng guniguni
Tula ng Damdamin
payak ang mga salita at sukat na ginagamit, nahahati ito sa ilang taludturan, maaaring pansarili o panlipunan ang damdamin
kantahin
maaaring masiglang damdamin, isang papuri, o panaghoy ang nilalaman nito, halimbawa ay Ode to the Nightingale
oda
ang nilalaman ng tulang ito ay hinggil sa kamatayan, magandang halimbawa nito ay Elegy ni Thomas Gray
elehiya
may tiyak at palagiang kaanyuan na may labing-apat na taludtod at ang huling dalawang taludtod ay ang aral na makukuha
soneto
tulang nagsasalaysay ng isang kawil ng mga pangyayari na maaaring tunay o kaya hango lamang sa guniguni
tulang pasalaysay
may kahabaan ito at nagsasalaysay ng mga kababayanihang gawa na kadalasan ay may uring angat sa kalikasan o kababalaghan na hindi maaaring maganap sa tunay na buhay
epiko
ang Hudhud at Alim ng mga Ifugao at ang Bantugan at Bidasari ng mga Moro ay halimbawa ng…
epiko
ang mga paksa ng dalawang ito ay ukol sa pakikipagsapalaran ng mga prinsipe at prinsesa at ng mga kabalyerong mandirigma sa layuning palaganapin ang Kristiyanismo
awit at korido
halimbawa ng awit at korido
Florante at Laura, Ibong Adarna
ang tulang ito ay binibigkas nang patula at itinatanghal sa entablado o tanghalan
tulang pandulaan