Talumpati at pagbuo ng diskurso Flashcards
Uri ng sanaysay na hayagang sinasambit sa harap ng madla.
Talumpati
Nakabatay ang porma ng talumpati sa mensaheng layong ipaabot ng may-akda. Tama o mali?
Tama
3 bahagi ng talumpati
simula, gitna, at wakas
Sa talumpati, maaaring totoo at hindi totoo ang pangyayari sa laman nito. Tama o mali?
Mali. Ito’y dapat nakabatay lamang sa totoong pangyayari.
Sa pagsulat ng talumpati, mahalagang mayroon munang __________.
balangkas
Ang plano at magiging gabay upang maayos na maibahagi ang mga punto ng paksang isusulat o ilalahad.
Balangkas
Ang pagkakaroon ng makahulugang alitan ng mga pahayag ng dalawa o higit pang tao.
Diskurso
Ang diskurso ay payak na pakikipagtalastasan o linear na pagtanggap at pagpapadtupad. Tama o mali?
Tama
Dalawang porma ng diskurso
pasulat o pasalita
Ang paglilimbag ng salita, simbolo, ilustrasyon, o anumang pahayag na nakasulat.
Pasulat na diskurso
Ito ay anumang pakikipagtalastasan na gumagamit ng oral na pakikipag-usap ng tao sa isa pa.
Pasalitang diskurso
Ang diskurso ay hindi malinaw na halimbawa ng komunikasyon. Tama o mali?
Mali
Kailan at saan itinanghal ni Park Kyong-ni ang kaniyang talumpati tungkol sa mga damdamin at kaispian ng Sambayanang Koreano sa panitikan?
Nobyembre 1994
Paris, Pransiya
Ang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi tumpak sa nabuong salita.
Idyoma
Dito, tinitingnan ang wika bilang isang sistema ng mga senyas na binubuo ng sinasagisag at tagasagisag.
Pagbasang Estrukturalismo