Talumpati Flashcards
1
Sa araw na ito, animnaput siyam na taon na ang nakalipas, namatay ang isang batang bayani at propeta ng ating lipi sa kaniyang minamahal na lupain, at mula sa pagdaloy ng dugo ng martir ay tumubo ang isang bagong bansa.
2
Ang bansang iyon ang naging unang makabagong republika sa Asya at Africa. Ito ang ating bansa. Ipinagmamalaki nating matatag ang ating bayan sa isang rehiyong matatag, kung saan balota, at hindi bala ang humuhusga sa kapalaran at mga partido.
3
Kung kaya pinararangalan natin sa ating kasaysayan ang Kawit at Malolos bilang mga halimbawa ng pambansang kadakilaan. Bakit pambansang kadakilaan? Sapagkat itinayo ng ating mga ninuno ang matibay na haligi ng unang republika sa Asya na taglay lamang ang tapang, talino, at kabayanihan.
4
Ngayon, ang hamon ay hindi na gaanong mapapansin, ngunit ito ay mahalaga pa rin. Kailangan ulitin natin ang mga ginawa ng ating mga ninuno sa isang mas karaniwang panahon - malayo sa madugo at dakilang pakikipagsapalaran, sa pamamagitan ng pagpapabilis ng pagbabago ng ating lipunan at kalakaran. Sapagkat ngayon, tila nalilimutan na ng Pilipino ang kaniyang diwa, dangal, at tapang.
5
Maari pang muling maging dakila ang bayang ito. Paulit-ulit kong binabanggit ito. Ito ang aking pinaniniwalaan, at ninanais ng Poong Maykapal na tayo’y magtulungan upang isakatuparan ang ating panalangin. Maraming beses ko nang sinabi ito: sinusulat ng bawat salinlahi ang sariling kasaysayan. Naisulat na ng ating mga ninuno ang kanila. Tangan ang lakas ng loob at kahusayan, kailangan isulat natin ang atin.
Last
Pangarap natin ito. Sa pagpili sa akin, inaako niyo ito. Samahan niyo ako sa pagkamit ng pangarap ng kadakilaan.