Talumpati Flashcards
isang diskursong tumatalakay sa pananaw ng isang mananalumpati tungkol sa isang paksa o isyu.
talumpati
binibigkas ito sa harap ng mga tagapakinig o manonood
talumpati
nakasalalay ang tagumpay ng isang talumpati sa pagtanggap ng tagapakinig
talumpati
pinaghahandaan ang pagbigkas nito, mula sa lalamanin ng sasabihin, paraan ng pagpapadaloy, at ang gagawing aktuwal na pagbigkas
talumpati
kung hindi naman sapat ang paghahanda, gaya ng s akaso ng isang biglaang talumpati, kahit paano, ginagawa ng mananalumpati ang lahat upang mgawa nang mabuti ang kanyang pagtatanghal
talumpati
Uri ng Talumpati ayon sa layunin
Impormatibo, Nanghihikayat, Nang-aaliw, Okasyonal
Naglalahad ito ng mga kaalaman tungkol sa isang partikular na paksa
Impormatibo
Kapag ang hinihimok o kinukumbinsi nito ang tagapakinig na magsagawa ng isang partikular na kilos o panigan ang isang opinion o paniniwala ng tagapagsalita
Nanghihikayat
Kapag ang tuon ay libangin ang mga tagapakinig
Nang-aaliw
Isinusulat at binibigkas para sa isang partikular na okasyon katulad ng kasal, kaarawan, despedida, parangal, at iba pa
Okasyonal
Dapat maging tiyak sa mananalumpati ang layunin niya sa pagsulat o pagbigkas ng talumpati. Sa pamamagitan nito, maiaayon niya ang kanyang isinusulat o sinasbai sa nais niyang makamit
Talumpati
Uri ng talumpati ayon sa paghahanda
Impromptu at Extemporaneous
Halos walang paghahanda sa pagsulat at pagbigkas ng talumpati
Impromptu
Tila walang paghahandang ginawa ngunit sa katotohanan ay mayroon
Extemporaneous
Proseso sa pagsulat ng talumpati
Paghahanda, pag-unlad, kasukdulan, pagbaba
Mahalagang mapukaw ang atensiyon ng tagapakinig sa pamungad na pangungusap pa lamang.
Paghahanda
Huwag iiwan o bibitiwan ang tagapakinig sa kalagitnaan ng paglalakbay. Sa pagsulat, siguraduhing nakatutok ang atensiyon nila.
Pag-unlad
Sa bahaging ito, inilalahad ang pinakamahalagang mensahe ng talumpati. Ito ang bahaging pinakamatindi na ang emosyon
Kasukdulan
Isa ito sa pinakamahirap na bahagi ng pagsulat ng talumpati.
Pagbaba
Anumang paraan ang piliin sa pagtatapos, kailangang matamo ng kongklusyon ang ____ ng talumpati
diwa
Gabay sa pagsulat ng talumpati
Tuon, Tagapakinig, Pagsusulat
Bakit ako magsusulat ng Talumpati?
Tuon
Ano ang paksa?
Tuon
Ano ang mensaheng nais kong ipahayag?
Tuon