Talumpati Flashcards
ay isang sining ng pagpapahayag ng kaisipan o opinyon ng isang tao tungkol sa isang paksa na ipinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado.
Talumpati
ay isang “pormal na pahayag sa harap ng publiko” at “pormal na pagtalakay ng isang paksa para sa mga tagapakinig.”
Talumpati
Layunin ng talumpati
-maaaring maghatid ng tuwa o sigla
-nagdaragdag ng kaalaman o impormasyon,
-magpahayag ngkatuwiran
-magbigay paliwanag o mang-akit o mang-hikayat sa isang kilusan o paniniwala.
-magbigay papuri ang isang talumpati.
-humikayat
-tumugon,
-mangatwiran
-magbigay ng kaalaman o impormasyon
-maglahad ng isang paniniwala.
Tatlong Bahagi ng Talumpati
Pambungad
Katawan
Katapusan
inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang istratehiya upang kunin ang atensiyon ng madla.
Pambungad
nakasaad dito ang paksang tatalakayin ng mananalumpati.
Katawan
ang pagwawakas ang pinakasukdol ng buod ng isang talumpati. Dito nakalahad ang pinakamalakas na katibayan, paniniwala at katuwiran upang makahikayat ng pagkilos sa mga tao ayon sa layunin ng talumpati.
Katapusan
Mga Uri ng Talumpati
-TALUMPATING NAGPAPALIWANAG
-TALUMPATING NANGHIHIKAYAT
-TALUMPATING PAGPAPAKILALA
-TALUMPATI SA PAGKAKALOOB NG GANTIMPALA
-TALUMPATI NG PAGSALUBONG
-TALUMPATI NG PAMAMAALAM
-TALUMPATI NG EULOHIYA
Pagbibigay kaalaman ang hangganan ng talumpating ito. Nag-uulat, naglalarawan, tumatalakay para maintindihan ng tagapakinig ang paksa.
TALUMPATING NAGPAPALIWANAG
Layuning makaimpluwensya sa pagiisip at kilos ng nakikinig, at para makumbinse ang nakikinig. May katibayan tulad ng nagpapaliwanag. Dapat na buhay ang pamamaraang humihimok sa nakikinig.
TALUMPATING NANGHIHIKAYAT
Kilala rin ito sa tawag na panimulang talumpati. Layunin nitong ihanda ang mga tagapakinig at pukawin ang kanilang atensyon sa husay ng kanilang magiging tagapagsalita.
TALUMPATING PAGPAPAKILALA
Binabanggit ang entidad ng nagkaloob ng gantimpala. Maihahanay din ang pagkakaloob ng karangalan sa isang indibidwal dahil sa isang gawaing matagumpay na nagampanan.
TALUMPATI SA PAGKAKALOOB NG GANTIMPALA
Uri ng talumpati na ginagawa sa mga okasyong tulad ng pagtanggap sa pinagpipiganang panauhin,dinadakilang nagtapos sa paaralan, pagbati sa isang delegasyon.
TALUMPATI NG PAGSALUBONG
Binibigkas kapag aalis na sa isang lugar o magtatapos na sa ginampanang tungkulin.
TALUMPATI NG PAMAMAALAM
Binibigkas sa sandali ng pagyao o sa memorial na serbisyo sa isang kilalang namayapa. Binibigyang diin ang nagawa ng namatay noong buhay pa siya.
TALUMPATI NG EULOHIYA