Talumpati Flashcards
Ano ang Talumpati?
sining ng pagpapahayag ng kaisipan sa paraang pasalita sa harap ng mga tagapakinig
ano ang mga bahagi ng talumpati
panimula, katawan, pangwakas
ang pinakasukdol ng buod ng isang talumpati. Dito nakalahad ang pinakamalakas na katibayan, paniniwala at katuwiran upang makahikayat ng pagkilos sa mga tao ayon sa layunin ng talumpati.
Pangwakas
inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang istratehiya upang kunin ang atensiyon ng madla.
panimula
nakasaad dito ang paksang tatalakayin ng mananalumpati.
katawan
Ito ay walang paghahandang isinasagawa sapagkat biglang tatawagin ang mananalumpati at pagsasalitain.
Impromptu o Biglaan
Binibigyan ng kaunting panahon ang mananalumpati na makapa-isip –isip sa paksang doon din lamang ipinaalam sa kanya kaya’t karaniwang naisasagawa lamang ang balangkas para sundan sa hindi isinaulong sasalitain.
Ekstemporanyo o Maluwag
Bago sumapit ang okasyon ng pagtatalumpatian ang paksa ay ipinaalam na. Ito ay sadyang pinaghahandaan ng husto, sinasaliksik, isinasaulo at pinagsasanayan pa.
Preparado o Handa
Ang mananalumpati ay nagpapatawa sa pamamagitan ng anekdota o maikling kuwento. Kadalasan ito ay binibigkas pagkatapos ng isang salu-salo.
Talumpating Pampalibang
Ang mananalumpati ay nagpapatawa sa pamamagitan ng anekdota o maikling kuwento. Kadalasan ito ay binibigkas pagkatapos ng isang salu-salo.
Talumpating Pampalibang
Kilala rin ito sa tawag na panimulang talumpati at karaniwan lamang na maikli lalo na kung ang ipinapakilala ay kilala na o may pangalan na. Isang halimbawa ay ang pagpapakilala sa panauhing pandangal sa araw ng pagtatapos.
Talumpating Nagpapakilala
Ito ang gamit sa mga panayam, kumbensiyon, at mga pagtitipong pang-siyentipiko, diplomatiko at iba pang samahan ng mga dalubhasa sa iba’t ibang larangan.
Talumpating Pangkabatiran
Ginagamit ito sa pagbibigay galang at pagsalubong sa isang panauhin, pagtanggap sa kasapi o kaya ay sa kasamahang mawawalay o aalis.
Talumpating Nagbibigay-galang
Layunin nito na bigyang parangal ang isang tao o kaya magbigay ng papuri a mga kabutihang nagawa nito.
Halimbawa: Talumpating nagbibigay pugay kay Hidilyn Diaz sa pagkakamit ng ginto sa Olympics 2021.
Talumpating Nagpaparangal
Pumupukaw ng damdamin at impresyon ng mga tagapakinig.
Talumpating Pampasigla