Summative 1: Module 3 Flashcards
ito ay nakaaapekto sa kahihinatnan ng kilos sapagkat ito ay tumutukoy sa kawalan ng kasalatan o kaalaman na dapat taglay ng isang tao.
Kamangmangan
Dalawang uri ng Kamangmangan
a. madaraig (vincible) - ito ay ang kawalan ng kaalaman sa isang gawain subalit may pagkakataong itama o magkaroon ng tamang kaalaman at paraan upang malagpasan at matuklasan ito.
b. hindi madaraig (invincible) - to ay maaaring kamangmangan dahil sa kawalan ng kaalaman na mayroon siyang hindi alam na dapat niyang malaman o kaya naman ay walang posibleng paraan upang malaman ang isang bagay sa sariling kakayahan o sa kakayahan man ng iba
Tumutukoy ito sa masidhing pag-asam o paghangad na makaranas ng kaligayahan at pag-iwas sa mga bagay na nagdudulot ng sakit o hirap
Masidhing Damdamin
Dalawang uri ng Damdamin
- Nauuna (antecedent) - nadarama o napupukaw kahit hindi sadya
- Nahuhuli (consequent) - damdaming sinadyang inalagaan kaya ang kilos ay sinadya at may pagkukusa
ito ay pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anumang uri ng pagbabanta sa kaniyang buhay o mga mahal sa buhay.
Takot
Pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kaniyang kilos-loob at pagkukusa. Ito ay maaaring gawin ng isang taong may mataas na impluwensiya.
Karahasan
Ang mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng sistema ng buhay sa araw-araw ay tinuturing na ____ (____). Maraming gawa o kilos ang tinatanggap na ng lipunan dahil ang mga ito bahagi na ng pang-araw araw na gawain ng tao. Bilang bahagi ng sistema, may posibilidad na ituring ang mga ito na katanggap-tanggap na kilos na noong una ay hindi naman.
Gawi