Structures Flashcards
Sa pamilihang ito, ang sinumang negosyante ay walang kapangyarihan na palitan o baguhin ang presyo sa pamilihan
Ganap na Kompetisyon
Ang mga produkto sa loob ng pamilihan na may ganap na kompetisyon ay?
Magkakatulad o Homogenous
Sino ang nagpo-prodyus sa Ganap na Kompetisyong pamilihan?
Walang pagkakakilanlan kung sino ang nagprodyus ng isang produktong agrikultural
Mga halimbawa ng produktong agrikultural sa ganap na kompetisyon
bigas, mais, gulay, isda, itlog, asin, at iba pa
Hindi sila maaaring makapagtakda ng mataas na presyo kumpara sa iba. Sumusunod sila sa presyong umiiral sa pamilihan. Ang mga negosyante ay nagsisilbing ______ dahil wala silang impluwensiya sa presyo.
Price taker
Kabuuang mga katangian ng pamilihang may ganap na kompetisyon (5)
- Magkakatulad ang mga produkto
- May kalayaan sa paglabas at pagpasok sa negosyo
- Marami ang mamimili at tindera ng produkto
- Malayang paggalaw ng mga salik ng produksiyon
- Sapat na kaalaman at impormasyon
Sa pagkakatong ito, may kumokontrol sa presyo, may hadlang sa pagpasok ng negosyante at tindera sa industriya, nabibilang ang dami ng mamimili at negosyante, at limitado ang pagpipiliang produkto.
Di-Ganap na Kompetisyon
4 na uri ng Pamilihan na Di-Ganap ang Kompetisyon
Monopolyo, Monopsonyo, Oligopolyo, Monopolistikong Kompetisyon
Ito ay isang estruktura ng pamilihan na isa ang nagbebenta ng produkto, may isang prodyuser ang kumokontrol ng malaking porsiyento ng supply ng produkto sa pamilian.
Monopolyo
ano ang tawag sa nag-iisang prodyuser ng produkto sa pamilihan?
Monopolista
Ano ang mga pagkakaiba ng monopolyo sa ganap na kompetisyon?
Dami ng prodyuser, Uri ng produkto, at Pagtatakda ng Presyo ng Produkto
Ito ay ang lisensiya na ipinagkakaloob ng pamahalaan sa isang indibidwal o negosyo na magkaroon ng karapatan na gumawa, gumamit, at magbili ng isang produkto.
Patent
Ito ay pagtatalaga ng karapatang-ari sa isang kompanya na maglathala at magpalabas ng isang makasining na gawain at lathalain sa isang takdang panahon.
Copyright
Ito ay isang pahintulot mula sa pamahalaan. Walang ibangnegosyante ang maaaring magbili sa mga produkto na kanilang pinagbibili, at hindi sila binibigyan ng pahintulot ng monopolyo.
Franchise
Ito ang estruktura ng pamilihan na kabaliktaran ng monopolyo. Sa pagkakataong ito, mayroon lamang iisang mamimili ng produkto.
Monopsonyo
Mga katangian ng Monopsonyo
Nakapagdidikta ng Presyo
Iisa ang Mamimili
Nakapipili ng De-kalidad na produkto
Ito ang estruktura ng pamilihan na kakaunti ang prodyuser.
Halos magkakapareho ang produkto at serbisyo na ipinagbibili. Ang mga ito ay nakikilala sa kanilang brand name.
Oligopolyo
Mga produkto sa Oligopolyo
gasolina, kotse, ilaw, bakal, appliances,
at iba pa
Kapag ang oligopolyo ay may dalawang kasapi, ito ay tinatawag na?
Duopoly
Ito ay ang pagsasabwatan ng mga kompanya upang matamo ang kapakinabangan sa negosyo.
Collusion
Ito ay grupo ng mga kompanya o negosyante na nagkaisa upang limitahan ang produksiyon, magtaas ng presyo, at magkamit ng pinakamalaking tubo tulad ng ilang monopolyo.
Kartel
Ano ang “OPEC” na gruponng mga kompanya na nagagawang hayagan ang pagkontrol sa presyo at supply ng produkto?
Organization of Petroleum Exporting Countries
Ang kurba ng demand sa oligopolyo ay tinatawag na?
Kinked Demand Curve
nangyayari kapag ang isang kompanya ay nagtaas ng presyo, ngunit ang kaniyang kakompetensiya, ay hindi sumunod at nagsagawa ng ibang aksiyon sa ganoong sitwasyon.
Kinked Demand Curve